WI

3.5K 87 4
                                    

KITA NIYANG natigilan ito.

There she said it already.

Akala niya, magiging malaya ang pakiramdam niya pero bakit mas lalo siyang nasasaktan?

Tuluyan na syang napahagulhol. Tutulad ba ito kay Knoxx na lalayuan siya?

Pero siya ang lalayo rito.

"Kasi mahal na kita," she repeated in a low voice.

Sunod-sunod na nagtuluan ang kanyang mga luha at patindi nang patindi ang sakit sa kanyang puso.

Putangina. Ang sakit.

"At lalayo ako kasi alam ko namang hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko!"

Inihilamos niya ang kanyang mukha sa kanyang palad. Tinapik niya ang kanyang dibdib. Parang nilukot ang kanyang tiyan at parang pinipiga ang kanyang dibdib dahil sa sakit.

"You're right," Travis said in a low voice. "I cannot love you back. I'm sorry, Snow," he sincerely said. Mas lalo siyang napahagulhol.

Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ito. Hindi niya na masyadong nakikita ang reaksyon nito dahil sa kanyang mga luha.

Pinahirin niya ang kanyang mga luha na nag-uunahan sa pagtulo at tinatagan ang kanyang loob. Buong-tapang niyang sinalubong ang mga mata nito.

"Dahil ba kay Hannah?" Sinuri niya ang reaksyon nito. Parang natigilan ito sa narinig.

"You called me by her name when we made love last week," dagdag niya pa.

May bahid na lamig ang mga mata nito na ikinaurong niya. Kita niya ang pagtagis ng bagang nito. Bigla siyang nakaramdam ng takot.

He won't hit her, right?

Natawa ito nang mapakla at tiningnan siya na may pang-uuyam. Pain shot through her heart and her chest tightened even more. Mahina siyang napasinghap.

"Get your mind straight, Annalise. We didn't make love. We fucked. Now, I want you to get out," mariing saad nito at tinuro ang pinto.

May pait na gumuhit sa kanyang lalamunan. There, he slapped her with the harsh reality.

Muli siyang napaiyak at isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang mga palad. Bakit ang sakit magmahal kay Travis?

"Get out," ulit pa nito.

Sa pagkakataong iyon ay umalis na siya nang hindi ito tinitingnan. Ayaw niya nang makita ito. Sumasakit ang kanyang puso.

Hindi niya na pinansin ang mga taong nadadaanan niya na napapatingin sa kanya. She wants to drink her heart out.

Nagpunta siya sa bar ng hotel at kaagad umupo sa stool. Mariin niyang pinahiran ang kanyang mga luha.

"Give me a bottle of vodka and a shot glass," she ordered nang hindi tinitingnan ang bartender. Agad naman nitong ginawa ang kanyang sinabi.

Kinuha niya naman ang bayad at binigay iyon sa lalaki at saka binuksan ang vodka. Nagsalin siya sa shot glass at dire-diretso iyong uminom. Gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan.

"You're right. I cannot love you back."

Muli siyang uminom nang makaramdam ng sakit. Gusto niya munang makalimot.

"We didn't make love. We fucked."

May kumawala na hikbi sa kanyang mga labi. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at muling inisang lagok ang alak. Napaiyak na siya nang tuluyan.

Ganito pala talaga kasakit ang magmahal. Ang tanga niya.

Bakit pa kasi siya nag-take ng risk?

But at least, may natutunan siya, 'di ba?

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon