"AND SHE'S mine," Travis said before pulling her out of the place. Gulat pa rin siya sa biglaang pagsulpot nito.
What the fuck is he doing here? Sinusundan ba siya nito?
He was just on her mind a while ago and now? Para itong kabute na sumulpot sa kanyang tabi!
Do'n na siya nakabawi sa pagkabigla nang makitang nasa parking lot na sila. Napangiwi siya nang bigla siyang ipinasok ni Travis sa passenger seat. Tumama pa ang braso niya sa side ng kotse na ikinagiwi niya. Ano na naman ang problema nito?
"Aray naman!" reklamo niya nang maramdaman ang pananakit ng kanyang braso.
Tiningnan niya ang lalaki at galit na galit ang itsura nito. Bakit naman ito nagagalit? Ta's binubuntong nito ang galit nito sa kanya? Wow! Ibang klase ang bwakanang shit!
Malakas nitong isinara ang pinto ng passenger seat na ikinatalon niya. Ano bang inaarte nito?
Bubuksan niya na sana ang pinto nang mapagtantong nkaa-child lock iyon. Ang kotse niya maiiwam!
"Ano bang problema mo, ha?" singhal niya rito nang makapasok na ito.
"Who the fuck was that, Annalise? You're fucking other men aside from me? Did he already taste you or touch you—"
Malakas niya itong sinampal nang marinig ang sinabi nito. She gritted her teeth. May sakit na namuo sa kanyang puso dahil sa mga salitang binitawan nito.
Nilunok niya ang bikig na namuo sa kanyang lalamunan. Para siyang sinasakal ng mga pinipigilan niyang luha. Tangina, ang sakit.
Travis looked at her as if he couldn't believe she slapped him hard. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib at kumuyom ang kanyang kamao sa nararamdamang galit.
Mapakla siyang tumawa. "Gano'n ba ang tingin mo sa akin, Travis? Do you really think na gano'n akong klase na pagkababae? Well, fuck you! Ikaw lang ang nakagalaw sa akin! Kung pinaimbestigahan mo talaga ako, alam mo na sana na parati akong sineset-up ng parents ko sa blind date. Bwiset ka! Iyan ang problema sa inyong mga lalaki, eh! You just assume things! Nagja-jump kayo kaagad sa conclusions kaya kayo nakakabitaw ng masasakit na salita! Fuck you, Travis!"
Bumuhos na ang kanyang mga pinipigilang luha. Sobrang sakit lang na ganito kababa ang tingin nito sa kanya.
She was a fucking virgin when he took her and he has the guts to think like that?
Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mga palad at humagulhol. Hindi siya makapaniwala na ganito kababa ang tingin nito sa kanya. Pakiramdam niya'y tinatapakan nito ang kanyang pagkatao. Fuck.
Tanging ang kanyang mga pagtangis lang ang maririnig sa kotse. Si Travis ay nanatiling tahimik sa kanyang tabi. Hindi niya inakalang darating ang araw na makakatanggap siya ng ganitong salita at mula pa sa lalaking nakauna sa kanya.
She heard Travis took a deep sigh and turned the engine on. What? No 'sorry'?
Gusto niya muling matawa nang mapakla. Wow! Ang tigas talaga ng pagmumukha ng gago!
Naghintay pa siya nang ilang minuto pero wala talaga! Mas lalo siyang naiyak.
"Stop crying."
Inis siyang napatingin dito. Salubong ang mga kilay ng lalaki. Grabe! Ito pa ang may ganang magalit?
"Ang kapal mo naman! You're the one who talk badly about me and you have the guts to get angry? Ibang klase ka rin, 'no? Ibaba mo ako! I need to get my car!" singhal niya rito pero ang lalaki, parang walang narinig. Hindi ito natinag.
Pinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata at gigil na kinuyom ang kanyang mga kamao. Kung hindi lang talaga paikot-ikot itong babaanan ng SM, talagang pinagsusuntok niya na ito. Bwiset!
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...