"I LOOK like him. Siya po ang daddy ko, 'di ba?"
Nakatitig lang siya sa kanyang anak at tumahip nang malakas ang kanyang dibdib. Snow couldn't find the right words to say.
Nagbukas-sara ang kanyang mga labi pero walang salita miski isa na lumalabas do'n. Para siyang nalagutan ng hininga at tila nabingi siya.
Bumuga siya ng hangin nang makaramdam ng paninikip sa dibdib. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan.
Where did her daughter get that paper?
May nabili bang magazine si Jesha na may mukha ni Travis?
Visa is really sharp to notice their similarities. Para naman talaga silang pinagbiyak na bunga.
"Mommy?" tanong pa ni Visa na tila ba nag-aantay sa kanyang sagot.
Napakurap siya. She could hear her heart beating loudly against her ribcage.
She gulped as anxiety started to kick in. Sasabihin niya ba? But Visa will surely notice that she's lying.
Mariin siyang napapikit at tumango-tango.
"Siya nga," nakapikit-mata niyang saad.
Hinintay niya na may sasabihin si Visa. She was waiting for a violent reaction, squeal, scream, laughter, pero hindi iyon nangyari.
Kumunot ang kanyang noo at binuksan niya ang kanyang mga mata. Visa puts Travis' picture inside a picture frame na may lamang picture nito. May init na bumalot sa kanyang puso.
"Nag-work siya, 'my?" tanong pa nito habang nakatingin lang sa picture ni Travis.
Napalunok siya. Bakit parang may alam ang anak niya tungkol kay Travis?
Hindi niya ito sinagot. Parang tanga lang siyang nakatitig sa anak niya. She's two years old, but why the heck is her daughter so sharp?
Lumingon ito sa kanya. "You lied, right? Patay na ba si daddy, 'my?"
Sunod-sunod siyang napaubo nang marinig ang sinabi ni Visa. Hindi niya mapigilang hindi mapahalakhak.
Ang seryoso nito!
Sinenyasan niya ang kanyang anak na lumapit sa kanya na agad naman nitong sinunod. Pinaupo niya ito sa kanyang harap.
"Visa, Daddy is not dead. He's alive. It's just that, there are somethings that I cannot tell you because you're still a child. When the right time comes, sasabihin ko sa iyo ang tungkol kay daddy mo, okay? But one thing's for sure. He loves you." Hinaplos niya ang buhok nito. Napanguso naman si Visa.
"Isa siyang god, 'my, 'no? Demigod po ba ako?"
Natawa siya nang malakas sa sinabi ng anak. Goodness! Kids and their imagination! Hindi niya inakalang naiisip iyon ng anak niya.
Travis?
A god?
What made her think like that? Ano? Percy Jackson lang?
But then, Travis do really looks like a god.
She shook her head, trying to erase the naughy thoughts that are starting to form.
"Ikaw talaga, 'nak. Yakap nga kay mommy." She opened her arms. Niyakap naman siya ng kanyang anak nang mahigpit na ikinapikit niya.
Nawala lahat ng kanyang mga agam-agam. Tiningnan niya ito at hinaplos ang likod.
"Ano ang gusto mong kainin? Ipag-bake kita."
Mabilis siya nitong binalingan ng tingin. Halata ang saya sa mga mata ng anak niya. Nagniningning ang mga mata nito na para bang nakarinig ng magic words.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...