QI

3.6K 97 4
                                    

NAPAMURA siya sa kanyang isipan nang makita ang oras. Magkikita pala sila ni Autumn ngayon!

Broken ang kaibigan kaya kailangan niyang damayan. 9:47 na siya nagising ta's 9:30 ang usapan nila. Sobrang late niya na pucha! 'Di kasi tumunog ang kanyang alarm clock.

Agad siyang pumunta sa banyo. Nalumo siya nang makita ang kanyang itsura. Ang laki ng kanyang eyebags dahil sa kakaiyak kahapon. Shit.

Bakit niya ba iniiyakan ang gagong 'yon? She should focus on her friend today. Damn it.

Mabilis lang ang ginawa niyang pagligo at pagbihis and while drying her hair, she received a message from Autumn.

From: Marupokpok

Sn k na ba bruha k hndi dpat pinaghi2ntay ang maga2nda!

Napangiwi siya nang mabasa ang mensahe nito. Kapag naiinis ang kaibigan, nagiging jejemon talaga ang typings nito. Ewan kung bakit.

Kung siya napapa-english at clean typings kapag naiinis, kabaliktaran naman ang kaibigan niya.

To: Marupokpok

OTW na pramis. Hntay lng u jan.

She continued drying her hair. Hinayaan niya na lang na hindi ito tuluyang matuyo kaya medyo basa pa ito. She's too late already!

She got her car keys and locked her house. Agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaandar ang makina nito.

'Di nagtagal ay nakarating na siya sa Tamiya. Mabilis siyang pumasok sa Jollibee at hinanap si Autumn. As usual, sobrang dami ng customers!

Nagkasalubong ang kanyang mga kilay nang hindi mahanap ang kaibigan. Jusko! Nase-stress na siya!

Laking tuwa niya nang makitang may kumaway-kaway sa 'di kalayuan. Ayon ang bruha at nakataas-kilay habang nakatingin sa kanya.

She let out an exasperated sigh and walked towards her friend.

Agad siyang umupo sa tapat nito at nagpakawala ng buntonghininga.

"Grabe 'yong traffic," ani niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Autumn at humalukipkip. Alam niyang hindi ito maniniwala sa sinabi niya. Ilang beses niya na bang ginamit ang excuse na 'yan? Snow cringed.

Napakamot siya sa batok at saka sa kilay. Hindi niya talaga maloloko ang animal.

"Oh, sige na. Sorry naman sarap pang matulog." Dumako ang kanyang tingin sa iced tea. Saka lang niya na-realize na hindi pa pala siya umiinom ng tubig magmula nang magising siya.

Kaagad niya itong kinuha at napangiwi siya sa lasa. Naknampucha!

"Ano ba 'yan. Ang tabang saka 'di malamig!"

Mas lalong tumaas ang kanang kilay ni Autumn nang marinig ang kanyang sinabi. What? Bawal na bang magreklamo? Eh, sa uhaw na uhaw na talaga siya, eh.

"Ah, so kasalanan ko? Aba, ikaw 'tong pa-late, gaga ka," Autumn said through gritted teeth.

Napahagikhik siya sa itinuran ng kaibigan at winitik ang kamay sa ere. Alam niya naman kung paano ito pakalmahin.

"Sorry naman, friend. 'Di bale, ililibre kita ng spicy chicken. Upgraded na rin sa choco float ang drink mo." Tumayo siya upang mag-order. Alam niyang lihim na na nagbunyi ang kaloob-looban nito. Mahilig kaya iyon sa libre! Well, sino ba ang hindi?

Nang makapila na siya, napatingin siya sa kaibigan. Nakayuko ito at halata ang kalungkutan sa mga mata. Now, she wonders what happened to her friend.

As far as she remembered, masaya naman ito at excited pa nga itong makapunta sa Camotes. Katulad din ba sa kanya ang pinagdaraanan nito? Barkada pa naman nito si Travis.

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon