"DADDY, YOU'RE here!"
Her ears are ringing. Napako siya sa kinauupuan. Napatingin siya sa cellphone at kitang nasa call pa si Autumn.
Fuck. Travis found them.
"Josh, pare. Asawa ni Snow."
Sunod-sunod siyang napaubo at nawala lahat ng tensyon niya sa katawan. Humagalpak siya ng tawa at pinulot ang kanyang cellphone.
Tanginang, Jesha!
"Gaga! Ano nang nangyari? Ano 'yong sinabi ni Visa? Nakarating na ba si Travis d'yan? Gano'n kabilis?" sunod-sunod na tanong ni Autumn sa kanya.
Napahilot siya sa kanyang sentido nang maramdaman ang pananakit no'n.
"I'll call you later, bitch. Kakausapin ko muna 'tong gago," saad niya bago ibinaba ang tawag.
She stood up from her seat and mustered some courage. Hindi pa pala siya handa sa pagkikita ulit nila ni Travis. Things are happening too fast.
"What are you saying, Tita Jesha? And why is your voice like that? 'Di ba, girl ka?"
Natampal niya ang kanyang noo dahil sa pinagsasabi ni Visa. Talagang bata pa ang anak niya.
Napapalatak siya at napagdesisyunang lumabas ng kusina. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita si Travis sa entrada ng bahay.
Nakatingin ito kay Visa.
His eyes are glistening with tears. Parang napako pa ito sa kinatatayuan.
Bumaba ang kanyang tingin kay Visa na nakayakap sa kaliwang hita ni Travis. Visa innocently looked at her father."Daddy, may pasalubong ka po para sa akin?" tanong pa nito at ngumiti nang malawak.
Napatingin siya kay Jesha at kita niyang nag-aalala itong nakatingin sa kanya. Hindi niya naman talaga sinabi kay Jesha kung sino ang ama ni Visa pero alam nito ang pinagdaanan niya.
She just smiled at Jesha and motioned for her to go to the kitchen para may magbantay sa cookies. Kaagad naman nitong sinunod ang kanyang isinenyas dito at nang makaalis na si Jesha ay tiningnan niya ang kanyang mag-ama.Tila gusto niyang maiyak sa nasaksihan.
At bigla siyang matakot.
Paano kung kukunin ni Travis sa kanya si Visa?
Napakurap siya sa isipang iyon. She gulped. Hindi maaari. Sa kanya lang si Visa!
She cleared her throat. Kita niyang napatingin si Travis sa kanya and his eyes turned cold. She matched his gaze. Anong akala nito? Matatakot siya rito?
"Daddy is finally here, Mommy!" masayang ani ni Visa pero nanatili siyang nakatitig kay Travis.
Sinuri niya ang kabuoan nito. He's wearing a black shirt and jeans. Years do good on him.
Pansin niyang mas lalong naging lumaki ang muscles nito. Napalunok siya at nagbaba ng tingin.
Sinenyasan niya si Visa na lumapit sa kanya na agad naman nitong sinunod.
Pumantay siya sa kanyang anak at inayos ang zipper ng onesie nito na bahagyang bumaba. She cupped her daughter's cheeks. Kita niya ang kasiyahan sa mga mata nito.Tinurok ang kanyang puso sa nakita. Mukhang matagal na talagang nangungulila si Visa sa pagmamahal ng isang ama.
"Visa, punta ka muna sa room mo, okay? Mag-uusap lang kami ni daddy mo," mahinahong ani niya rito.
Sinundan niya ang nagtatakbong pigura nito patungong second floor at haharapin na sana si Travis nang mabilis itong nakalapit sa kanya. Gulat siyang napatingin dito. Hindi niya ito napansin!
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...