DAHAN-DAHANG pinakawalan ni Snow ang hiningang naipon sa kanyang dibdib. Hindi pa rin mapakali ang kanyang sistema kahit na nasa kalagitnaan na sila ng event! Ang lakas ng presensya ni Travis.
Ramdam na ramdam niya ito at sa tuwing titigan siya nito, tumatayo ang kanyang mga balahibo sa batok. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi nito kanina.
"Tonight, I'll take you and I'll make sure of that."
Ipinilig niya ang kanyang ulo nang muling marinig ang boses nito sa kanyang utak. Wala silang imikan ni Travis kanina pa pero nakikisabay naman sila sa usapan ng mga tao sa kanilang table.
Panaka-naka siya nitong bibigyan ng tingin at ramdam niya talaga ang kagustuhan nitong angkinin siya. She took a deep breath.
It would be hypocrite of her kung sasabihin niyang wala itong ginising sa kanya.
Travis awakened her senses, pero sisiguraduhin niyang hindi siya matatalo rito.
"Okay ka lang?" Agatha asked. Nahahalata siguro nito ang pagkabahala niya.
She just gave her a small smile and nodded.
"Yep," she replied, popping the 'p'.
Kinuha niya ang baso ng kopita na nasa kanyang harap at sumimsim doon. In fairness, the wine tastes good. Matamis ito at hindi gano'n katapang.
Nilapit ni Agatha ang sarili nito sa kanya na para bang nay gustong ibulong. She moved closer, too.
"Girl, gusto mo palit tayo ng place? Pansin kong kanina ka pa naiilang d'yan. Titig nang titig sa iyo si Travis 'di na nahiya," bulong nito sa kanya.
Snow's lips break into a wide smile. Bumangon ang tuwa sa kanyang puso sa isipang nag-aalala ito sa kanya.
Sinuri niya si Agatha. Alam niyang gusto nitong makatabi si Kiefer. She shook her head.
"Okay lang, girl. Salamat. Keri ko na 'to!" She let out a chuckle. Para pang nagdadalawang-isip si Agatha. She gave her a gentle smile.
"Promise. Huwag ka nang mag-alala. Okay na ako rito."
Para naman itong nakumbinsi sa sinabi niya dahil tumango-tango ito at muling bumalik sa pakikipag-usap kay Kiefer. She lets out a sigh.
Gumalaw siya nang konti upang mailayo ang kanyang upuan dito. Sinigurado niyang normal pa rin sa pananingin nito ang kanyang inakto.
Gumalaw-galaw pa siya hanggang sa naging okay na para sa kanya ang distansya nila ni Travis. She sighed in relief. Para namang hindi nito napansin ang ginawa niya dahil binaling na nito ang atensyon sa harap.
"Okay, single ladies. Catch the bouquet na! Come here in front!"
Mabilis siyang tumayo. Sa wakas, nakakita na siya ng pagkakataon na makalayo rito. Gusto niya sanang lumabas at mag-stay na lang sa banyo kaso baka sundan siya ni Travis.
Hinila niya si Agatha patayo. Nanlaki ang mga mata nito at mahina siyang hinampas.
"Hala ka! Ikaw na lang, huy! Ayaw ko pang makasal!" ani nito na ikinatawa niya.
Nang makarating na sila sa gitna, tumayo naman si Autumn at tumalikod sa kanila pero bago ito tumalikod, tiningnan pa nito kung saan siya nakapwesto na ikinairap niya.
Alam niya ang iniisip ng kaibigan. Itatapon nito ang bouquet sa pwesto niya. Leche!
She just crossed her arms below her chest. Confident siyang hindi siya ang makakakuha ng bouquet. Malamang, maraming mga babae ang pag-aagawa ang bouquet pero sasali ba siya?
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...