Darren 😎
Ate san na u here na us sa Lantaw. Kaw na lang hinihintay masyado ka namang paspecial ew 🤮Napaikot siya ng mga mata nang mabasa ang message ni Darren. Well, ganyan talaga kapag mga magaganda, laging late.
She didn't reply back, pero no'ng tumigil, nag-react siya sa message nito.
Darren 😎
Ate san na u here na us sa Lantaw. Kaw na lang hinihintay masyado ka namang paspecial ew 🤮
🖕 1Tanging react lang ang magagawa niya kahit gusto niya itong awayin. Nagda-drive kasi siya at habang nagda-drive siya, paulit-ulit na tumunog ang kanyang cellphone, senyales na may mga mensahe na dumating pero inignora niya iyon. 'Di nagtagal ay nakarating na siya sa kinaroroonan.
Pagkababang-pagkababa niya ay kaagad siyang sinalubong ng lamig. Sobrang sariwa talaga ng hangin basta may dagat.
Ah, the smell of sea calms her senses.
Tuloy-tuloy na siyang pumasok at kaagad hinanap ng kanyang mga mata ang pamilya. Nakita niya naman ito sa sulok at todo selfie. Si Josh naman ang taga-picture sa kanyang mga magulang na parang teenagers kung makaakto.
Napapalatak na lang siya at kaagad naglakad papunta sa kinaroroonan ng pamilya. Nag-angat naman ang mga ito ng tingin. Nagmano siya sa kanyang mga magulang.
"Juskong bata ka! Late ka na naman!" saway pa ng mama niya sa kanya at mahinang hinampas an kanyang braso.
She kissed both of her parents on their cheek and tucked her hair loose strands beneath her ear. Sobrang hangin! Ang sarap sa pakiramdam.
"Nagmana naman 'yang anak natin sa 'yo, love. Parati ka kayang late sa mga dates natin noon," her father stated at sinundan iyon ng hagikhik.
Napasimangot ang kanyang mama. Napangiti siya sa narinig.
"Mana lang naman pala sa 'yo, Ma, eh. Palagi kasi talagang late ang mga magaganda," naka-taas kilay na sabi niya at umupo sa gitna ni Josh at Darren.
Nagkandangiwi-ngiwi naman ang mga gago niyang kapatid kaya binatukan niya ito.
"Aray naman! Ba't ka ba r'yan umupo? Do'n ka sa kabila, oh, para tabi kayo ng boyfriend mo," wika ni Josh habang hinihimas ang batok.
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay sa narinig.
Boyfriend? Meron pala siya no'n? O baka naman tinutukso lang siya nito dahil sa nangyari isang araw?
Bubulyawan niya na sana ito nang biglang magsalita ang kanyang ina,
"Oo nga, 'nak. 'Di mo naman sinabi na 'yon na pala ang boyfriend mo. Sus. Bigatin, ha! Marunong kang pumili. Hintayin mo. Nagbanyo pa 'yon. Nagtaka nga ako kung bakit hindi kayo magkasabay. He said he wants to surprise you. Ang sweet!" mahabang litanya ng kanyang mama at umaktong kinikilig.
What the fuck?
Sinong boyfriend?
Sa pagkakaalam niya'y single pa naman siya. So bakit siya nagkakaroon ng boyfriend nang hindi niya nalalaman?
Sabog ba 'tong mga kasama niya?
She looks at them with disbelief. Iirap na sana siya nang may mga brasong pumulupot sa kanyang balikat na ikinaigtad niya. Nanuot ang pabango ng taong nasa kanyang likod lalo na no'ng inilapit nito ang mukha sa kanyang gilid at hinalikan siya sa pisngi. Mahina siyang napasinghap.
"Hi, sweetheart."
What is Travis doing here? Ito ba ang sinasabi nila na boyfriend niya raw? What the hell?
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...