"DAE, KINAKABAHAN ako."
Napairap siya nang marinig ang sinabi ni Autumn sa kabilang linya. Ngayon ang kasal ng bruha. Ikakasal ito kay Knoxx.
Knoxx's parents trapped them into marriage kaya ayon, 'matic kasalanan. Hindi nga love at first sight kundi, marriage at first sight.
"Bakit naman? Bruha ka talaga." Inayos niya ang suot na earrings.
She just let her wavy hair flow freely over her shoulders. Naglagay na rin siya ng make-up.
Mahilig talaga siya sa mga make-up, sa totoo lang. Kaso, nag-a-apply lang siya kapag feel niya gumamit. Most of the times, tanging eyeliner lang at lip tint ang ginagamit niya. Minsan din, wala.
Tiningnan niya ang sarili sa full-body mirror. She's wearing a white silk dress. Spaghetti ang straps nito at sweetheart ang neckline. Hapit ito sa kanyang katawan at abot hanggang sa ibaba ng tuhod ang haba.
Ang straps ay gawa sa silver na lace at gano'n din ang outline ng neckline ng dress. She chose to wear silver heels na three inches ang haba at kinuha ang kanyang purse na naglalaman ng kanyang debit card, car keys, at roll on na perfume. Mamaya, pagkatapos ng tawag nila ni Autumn, ilalagay niya rin ang phone sa loob.
"Ewan. Tama naman 'tong ginagawa ko,'di ba?"
Nai-imagine niya na ang itsura ng kaibigan. Pakiramdam niya'y namumutla na ito. Hindi niya maiwasang matawa.
"Chill ka lang, friend. Ano ba! Para namang hindi mapakali 'yang bilat mo r'yan! Kaloka, ha." She sprayed some perfume before going downstairs.
Tahimik ang kanyang bahay at walang tao. Buti nama'y 'di naisipan nina Josh at Darren na tumambay rito. Pero kapag tatambay ito, marunong naman ito maglinis ng kalat. Turo kasi 'yon ng mga magulang nila, eh.
"Eh, kasi naman! Mamayang gabi, magse-sex na kami!"
Nabilaukan siya sa sariling laway nang marinig ang sinabi nito. Sana all na lang talaga! Siya kaya, kailan siya makakaranas ng sex?
Pero paano niya naman 'yon mararanasan kung parati niyang itinutulak papalayo ang mga lalaking nagtangkang gumawa ng moves sa kanya? Magulo talaga utak niya minsan, eh.
"'Yon ba ang ikinabahala mo? Eh, ano naman? Go lang, friend! Masarap 'yan!" She went outside and locked the door.
Binuksan niya ang pinto ng kanyang kotse bago pumasok sa loob. Ano? Takot bang ma-devirginized ang kaibigan niya?
"Alam kong masarap! Pero shet! Basta! Punta ka rito, ha? Malapit na mag-start. Gaga ka, huwag kang ma-late! Kukurutin kita sa singit. Ingat ka sa pagda-drive." Para itong nanay niya kung makasermon.
Napahilot na lang siya sa kanyang sentido bago pinasok ang susi sa ignition.
"Ge, bye! Thank you. Papunta na ako r'yan. Ibababa ko na ang tawag." She hung up and twisted the car key. Her car roared to life.
Mabilis lang siyang nakarating sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Autumn at Knoxx.
Kaagad siyang nag-park at tiningnan pa ang wedding gift niya para sa ikakasal bago bumaba. Simple lang naman ang wedding gift niya, eh.
Vibrator.
Charet lang!
Electric fan ang laman no'n para naman araw-araw, magagamit.
She checked her reflection on the car window before entering the church. Pagkapasok niya ay marami-rami na rin ang mga tao. Nakalinya na ang mga bridesmaids at groomsmen.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...