NAGISING SIYA dahil sa amoy ng rosas. Kumunot ang kanyang noo at nagmulat siya ng mga mata. She groaned when the sun rays hit her eyes. Gano'n na lang ang ginhawa niya nang dumilim ulit ang kwarto.
Someone closed the blinds. Tuluyan na siyang nagmulat ng mga mata.
"Good morning." Travis' husky voice rang through her ears.
Nagulantang siya nang makita ito sa kanyang kwarto lalo na ang bouquet ng rosas sa kanyang tabi. What the fuck? Five days of him being here, and he keeps on getting weirder and weirder.
Napaupo siya sa kama at parang tangang nakatitig sa rosas. Pailipat-lipat ang kanyang tingin kay Travis at sa rosas.
Nakatitig pa rin si Travis sa kanya at para bang aliw na aliw ito sa pinapakita niyang reaksyon. At bakit naman may rosas ito?
"Mommy! Daddy gave you roses! Ang pretty po just like you!" ani ni Visa na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa kanyang kwarto.
Napatingin siya kay Travis. She gave him a skeptical look. What are these roses for? Anong trip nito?
"Those are 'thank you' roses."
Tumaas ang kanyang kilay nang marinig itong nagsalita.
He scratched the back of his head. Para ba itong nahihiya sa kanya.
Pinalobo niya ang kanyang pisngi, pinigilan ang pagngiti, at tiningnan lang ang rosas. Nangangati ang kanyang kamay na kunin iyon pero pinigilan niya ang sarili.
Baka lagyan pa ng meaning ni Travis.
"Just put it on the table, Trav. Thanks," she stated without a hint of tenderness in her voice. Kita niya pang dumaan saglit ang lungkot sa mga mata nito habang sinunod ang sinabi niya pero hindi niya na iyon pinansin.
"Good morning, baby," bati niya kay Visa at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
Niyakap naman siya ni Visa at hinalikan nang matunog sa pisngi. Her heart swelled in joy.
Visa's actions will never fail to give warmth to her heart. Sobrang blessed niya dahil binigay sa kanya ng Panginoon si Visa, her bundle of joy.
"What about me?"
Napatingin silang dalawa kay Travis dahil sa sinabi nito. Parang may sumipa sa kanyang puso nang makitang nakatingin ito sa kanya.
Mabilis nitong inilipat ang tingin kay Visa at tumikhim.
"What about daddy, baby? Won't you give daddy a kiss?" saad pa nito.
Humagikhik naman si Visa sa sinabi ng ama.
"Of course, I will, Daddy! But first, kiss Mommy!"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng anak at napatingin kay Travis. Kumabog ang kanyang dibdib at ramdam niya ang pagkailang na unti-unting lumukob sa kanyang kabituran.
She expected to see playfulness in his eyes, pero ang nakita niya ay hindi niya inaasahan.
He gave her a gentle smile as he stared at her.
"If your mommy also wants it." He looked at Visa and tucked her loose strands, giving her a smile. "Consent is very important, anak. You cannot just kiss someone if they don't want it. Now, we have to ask for your mother's consent, okay?"
Napakurap siya sa isinagot ni Travis at sa 'di malamang dahilan, may init na bumalot sa kanyang puso.
She didn't expect him to say that. . . And somehow, him, asking for her consent, makes her heart swell.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...