ARGH! SIRA na naman ang araw niya.
Inis siyang tumalikod at aalis na sana pero maagap nitong hinawakan ang kanyang balikat at pinaupo siya sa harap nito. Inis niya itong binalingan ng tingin.
So ito ang ka-blind date niya?
And according to her mom, ito pa raw ang nakiusap na maka-date siya. So Travis knows about this set-up? What? Pinaimbestigahan ba siya nito?
Sinuri nito ang kanyang mukha at napangiwi. Para bang ang sakit niya sa mata tingnan. Inirapan niya ito.
"If you keep on staring at me like that, edi sana, hinayaan mo na lang akong umalis. Iba rin ang trip mo, eh, 'no?" Uminom siya ng iced tea na nasa mesa. Napangiwi pa siya nang malasahang matabang na iyon dahil natutunaw na ang ice.
Buti nama'y naisipan siya nitong bilhan ng iced tea.
"I didn't order that for you. I didn't order that for myself either. Kanina pa 'yan nand'yan."
Mabilis niyang naibuga ang iced tea pabalik sa container nito at nanlaki ang mga matang napatingin kay Travis.
What the heck? Ew!
Palipat-lipat ang tingin niya kay Travis at sa iced tea pero seryoso lang ito. May maliit na ngisi ito sa labi na para bang naaaliw sa kanyang reaksyon. Bakit hindi nito sinabi?
"Gago ka pala, eh! 'Di mo lang ba pinaligpit ito sa staff, ha? Alam mo? Isa kang malaking pakyu." Mariin niyang pinahiran ang kanyang bibig. Nako! Baka magkasakit pa siya nito nang wala sa oras. Paano kung may tuberculosis ang umiinom nito? Mahirap na!
"You seriously didn't notice that the iced tea is half full?" tanong pa nito.
Gusto niyang tampalin ang kanyang noo. Mas nanaig kasi ang inis niya para rito, eh! Hindi niya namalayan. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Kung sana'y pinaligpit mo ito sa staff, 'di sana ako iinom. Bwiset ka ta's 'di ka pa nag-order. Ano ba ang rason ba't mo sinabi kay mama na gusto mong makipag-blind date sa akin, ha? Ano? May bago ka na namang naka-jugjugan sa kama ta's 'di ka nilubayan? Magpapanggap na naman ako bilang girlfriend mo? Ta's hahalikan mo ako? Subukan mo lang at patiran ko 'yang titi mo. Baog ka talaga!" dire-diretsong sabi niya. Hiningal-hingal pa siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Hindi niya maiintindihan ang reaksyon ng lalaki. Wala itong kaemo-emosyon habang nakatingin sa kanya. Ano? 'Di ba nito naiintindihan ang sinabi niya? Tagalog na 'yon!
Hinawakan nito ang kanang tenga at marahan iyong minasahe. "You're too chatty. Ang ingay," ani pa nito at nagpakawala ng buntonghininga bago umayos ng upo at pinagkrus ang mga braso sa ibaba ng dibdib.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Kung naiingayan ito sa kanya, edi dapat umalis na ito! Sus, nag-stay pa ang monggol.
"Pagtiisan mo. Pinilit mo ako rito, eh. Paalis na sana ako kanina. Nga pala, 'di mo sinagot ang tanong ko kung bakit ikaw ang ka-blind date ko. Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Iinom na sana siya ng iced tea nang maalalang hindi pala 'yon sa kanya.
Muli siyang napangiwi. Buti na lang hindi niya tuluyang nilunok! Tamod lang nilulunok niya!
Travis shrugged and looked at her intently. "Wala lang. I'm just bored."
Natigilan siya sa narinig. 'Di makapaniwala niya itong tiningnan. Umawang ang kanyang labi.
What the fuck did he just say?
He's bored kaya ito ang ka-blind date niya?
Muling bumangon ang inis sa kanyang puso. Ang sarap nitong tirisin!
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...