Y

4.3K 92 1
                                    

KANINA PA naillang si Snow. Paano ba naman kasi? Ramdam niya ang mga titig ni Travis magmula kanina pa! Kung sana'y alam niya na kaibigan ito ni Knoxx, 'di sana'y 'di siya nag-ayos! Mukhang nakuha niya ang atensyon nito dahil sa itsura niy!

Ang liit naman ng mundo nila!

"Nakabusangot ka 'ata, 'nak?" tanong ni Mommy Florefil.

Palabas na sila ng simbahan at pupunta na sila sa reception. Si Nanay Cora naman ay nag-C.R muna.

Binigyan niya ng maliit na ngiti si Mommy Florefil at hindi pinansin ang mga titig ni Travis sa kanya.

"May iniisip lang ako, 'my. Work-related stuff, gano'n."

Lumamlam naman ang mga mata nito habang tinitingnan siya. Hinaplos nito ang kanyang buhok at hinawakan ang kanyang mga palad.

"Parati ka na lang trabaho, 'nak. Pahinga ka rin minsan, ha? Mahirap na. Baka magkasakit ka."

Bigla namang natunaw ang kanyang puso nang marinig ang sinabi nito. Ang sweet! Bakas talaga ang pag-aalala nito sa boses. Niyakap niya si Mommy Florefil.

"Sweet mo naman, 'my! Na-touch ako." Madrama niyang pinahiran ang kanyang mga mata.

Humagikhik naman si Mommy Florefil at pabiro siyang hinampas sa braso.

"Ikaw talaga, anak. Sasabay ka ba sa amin mamaya sa van? Tabi tayo," yaya pa nito sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang kilay at itinaas ang kanyang car keys. Nakakaintindi naman itong tumango.

"Sayang. Sa reception na lang tayo magkikita ulit, 'nak, ha? Sundan ko muna si Cora. Baka nalunod na 'yon sa bowl," ani nito at sinundan ng hagikhik. 'Di niya maiwasan na mapangiti. Nagpaalam naman ito sa kanya bago tuluyang umalis.

Napaigtad siya nang may mga brasong pumulupot sa kanyang bewang. Nanlaki ang kanyang mga mata at tiningnan ang lalaking tumabi sa kanya.

Damn. The devil in disguise.

"Ano na naman?" singhal niya rito. Nanuot sa kanyang ilong ang pabangong ginamit nito. Halatang mamahalin.

Pinigilan niya ang kanyang sarili na huwag isubsob ang mukha sa dibdib nito. Shit! Ang bango talaga, eh!

She gulped upon seeing the smirk plastered on Travis' face. Bakit ang sexy tingnan?

Nilapit nito ang bibig sa kanyang tenga. His lips are touching her earlobe. Nahigit niya ang kanyang hininga. Her heart leaped upon the sudden sensation running throughout her system.

"Didn't expect that you're hiding such glorious body underneath your loose clothes," he huskily said.

Pilit niyang huwag magpaapekto at sinubukang lumayo rito pero hinigpitan lang nito ang pagkakayapos sa kanyang bewang na ikinasinghap niya. She can feel the heat of his palm!

"Bitawan mo ako," mariing bulong niya rito.

Travis chuckled. The hairs on her neck stood on an end. Ang hininga nito ay tumatama sa kanyang batok.

"I want to take you tonight."

She gasped. Gulat niya itong tiningnan. How straightforward! Hindi niya inakala na magiging ganito ito ka-vocal na gusto siya nitong angkinin! At anong akala nito?

Papayag siya nang basta-basta lang?

Sinamaan niya ito ng tingin. "Huwag mo akong itulad sa mga babae mo, Travis. Hindi ako bibigay sa mga lalaking katulad mo," she said through gritted teeth.

He amusedly looked at her na para bang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya.

"No, honey. One day, you'll find yourself screaming my name and begging for more."

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon