WP

3.6K 87 9
                                    

NAGO-GROCERY SI Snow sa Grand Mall habang hawak ang kanyang cellphone. Nakadikit ito sa kanyang kaliwang tenga. Tinawagan kasi siya ni Autumn.

"Ta's isa pa, may sasabihin pala ako sa 'yong sekreto."

Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi nito. Ano naman kaya ang sekreto ng gaga? Bigla siyang naintriga.

"Secret-secret ka pa r'yan, ha. Ano naman 'yan? 'Wag mo sabihing nagpapalandi ka na naman kay Knoxx." Kumuha siya ng Del Monte catsup at nilagay ito sa pushcart.

Autumn heaved out a sigh. Para pa itong nagdadalawang isip kung sasabihin ba sa kanya o hindi.

"Eh, kasi, naalala mo three years ago? 'Di ba, naging pole dance tayo no'n nang wala sa oras?"

Napatigil siya sa pagtulak ng cart nang marinig ang sinabi ni Autumn. Of course, how could she forget that? Doon sila nagkita ni Travis!

Naalala niya ang pinagsasabi nito sa kanya kahapon. Ipinilig niya ang kanyang ulo.

He's really bad for her health. Ayaw niya na itong isipin.

"Bakit naman? Anong meron?" Tumigil muna siya sa pagkuha ng mga pagkain. Buti na lang at siya lang mag-isa sa bandang kinatatayuan niya.

"Si Knoxx 'yong lalaking sinayawan ko and. . . we that time."

"WHAT?" Napaayos siya nang tayo.

What the fuck?

Hindi na virgin ang gaga? Mas nauna pa pala ito sa kanya!

And Knoxx was the man whom her bestfriend had a one night stand with. Sobrang mapaglaro ng tadhana!

"Siya 'yon?" paninigurado niya pa.

"Oo," mahinang sagot nito.

Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito. Tangina, ba't ngayon niya lang 'to nalaman?

"BAKIT HINDI MO SINABI?" singhal niya sa kaibigan.

"MALAMANG NAHIHIYA AKO!"

"POTANGINA, HUWAG KANG SUMIGAW!"

"IKAW ANG NAUNA, GAGA KA!"

Natahimik siya sa sinabi ni Autumn. Muntik niya nang masampal ang sarili. Hindi niya napansing tumataas na pala ang boses niya.

"Ay oo nga pala." Na-iimagine niya na ang nakairap na itsura ni Autumn. Aba, hindi niya naman kasi napansin, eh!

"Nga pala, sinunod mo naman siguro 'yong payo ko, 'di ba?" Sinabihan niya kasi ito kahapon na magsuot ng lingerie. Alam niya kasing gustong-gusto na ng kanyang kaibigan na magkatabi ito at si Knoxx.

Haist, bakit ba gago karamihan sa mga lalaki?

"Yes. Tingnan natin kung 'di bibigay."

Nagpatuloy na siya sa pagtulak ng cart at kumuha ng noodles. Muntik na siyang mapasimangot.

Baka si Autumn ang bibigay.

Mahirap na. Borikat pa naman ang boang.

"Basta, kapag lumapit sa iyo at bigla kang susunggaban, huwag kang magpadala ha. Alam ko pa naman kung gaano ka karupok."

Narinig niya ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Kung makasalita, ah, parang siya hindi."

Mahina silyang napatili sa sinabi nito at humagikhik. 

Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Random topics lang. Maya't maya pa ay nagpaalam si Autumn dahil magluluto pa raw ito.

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon