-

4.8K 99 1
                                    

TRAVIS IS pacing on the hallway. Annalise is giving birth to their second child, Savi Storm. This time, it's a boy.

Nanginginig ang kanyang mga palad. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam kapag nanganganak ang misis mo.

He wants to go inside and hold his wife's hand.

Hindi niya maipaliwanag ang mga naghahalong emosyon sa kanyang puso. Nandoon ang kaba, excitement, tuwa, pagmamahal, hindi niya na alam! Para siyang matatae na ewan!

"Umupo ka muna, bok," natatawang wika ni Knoxx sa kanya. Natawa na rin si Kiefer sa kanyang inakto.

Hinarap niya ang mga ito at napasabunot sa kanyang buhok. Mas lalong natawa ang kanyang mga kaibigan kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Kumalma ka nga r'yan, Travis! Pati ako kinakabahan sa 'yo, eh, bwiset ka!" saad sa kanya ni Autumn.

Hinapit ito ni Knoxx at hinalikan sa sentido. Muli niyang hinarap ang pinto ng delivery room. Shit naman, oh. Anim na oras na silang nandito pero hindi pa rin lumalabas si Snow! Kumusta na kaya ang asawa niya?

"Tumae ka kaya muna, bok?" saad naman ni Kiefer.

Binalingan niya ito at may mapang-asar na ngisi sa mga labi nito. Hindi siya nagsalita. He couldn't find any words to say! Sobrang kaba ang nararamdaman niya.

"May lead ka na ba kay Agatha?" tanong ni Autumn kay Kiefer. Malungkot na napangiti si Kiefer at saka tumango.

Natigilan siya at napatingin sa kanyang kaibigan. Natahimik naman ang lahat at natigil siya sa paglakad-pabalik ng hallway.

"We talked. Then she told me na kung handa na siyang magmahal ulit, pupuntahan niya ako. We met last month. Wasn't able to tell you. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. But I understand her." Tinapik naman ito ni Knoxx sa braso.

"Just wait for her. Babalikan ka no'n," saad pa ni Knoxx. Sumandal naman si Autumn sa dibdib ng kanyang kaibigan.

"Oo nga, bok. Katulad ng paghihintay ni Agatha na mahalin mo siya," he stated.

Bumuga ng hangin si Kiefer at malungkot na ngumiti. "Kahit ilang taon pa ang aabutin. I hurt her too much."

"Ayan kasi. Mga gago kasi kayo, eh. Kayong magtotropa, hindi kayo marunong kung paano kami tratuhin nang tama sa una. Kapag aalis kami, roon niyo lang mare-realize ang halaga namin. Duh?" wika naman ni Autumn na may bahid na inis. Hindi sila nakapagsalita dahil alam naman nilang tama ito.

"Sorry, baby." Knoxx kissed her temple. Napanguso naman si Autumn.

Bigla siyang nainggit. Na-miss niya na tuloy ang asawa.

Napakamot siya sa kanyang kilay at muling hinarap ang delivery room.

Nahigit niya ang kanyang hininga no'ng bumukas iyon. Time seemed to stand still and his vision only focused on one woman. Ang tanging nakikita niya lang ay ang kanyang asawa na nakahiga sa stretcher.

Nakapatong sa dibdib nito ang kanilang anak. Malinis na ang baby nila at may nakabalot na puting lampin.

Umawang ang kanyang mga labi at may init na bumalot sa kanyang puso. He suddenly wants to cry, and tears are choking him.

Fuck. Ganito pala ang pakiramdam.

Annalise smiled sweetly at him and his heart raced. Damn, there's heaven in her smile.

Napalunok siya at hahawakan na sana ang kamay ni Annalise nang may dumating.

"Congrats, Mr. and Mrs. Rodriguez. I'm late, I see."

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon