WR

3.4K 89 2
                                    

KANINA PA nakaalis si Travis pero sariwa pa rin sa isip niya ang posibleng dahilan kung bakit siya nito kinukuha sa gano'ng posisyon.

Hinilamos niya ang kanyang mukha sa kanyang palad at kinuha ang kanyang cellphone. Kumunot ang kanyang noo nang mapansing may nagpadala ng mensahe. When she opened it, it was from Autumn.

From: Autumn

Dortings us previous houze wala emz sa bahay ni Knoxx

Lumalim ang gitla sa kanyang noo pero hindi na siya nagtanong pa. She replied 'okay' and put her cellphone back on the table.

Umalis ba si Knoxx at iniwan muna si Autumn sa mga nanay-nanayan nito? Nevertheless, masasagot naman ang mga katanungan niya bukas.

No'ng nagpunta sila sa SM, nahimatay si Autumn. Napag-alaman nilang buntis ito kaya kailangan nitong mag-ingat.

Now, she wonders kung sinasabi na ba nito kay Knoxx ang tungkol do'n.

NAKARATING SIYA sa tinitirahan ni Autumn makalipas ang ilang oras. Tiningnan niya ang orasan sa kanyang sasakyan at napangiti.

She arrived 15 minutes before the time.

Ang aga niya ngayon. Panigurado, magugulat ang kaibigan niyang pokpok.

Kita niyang lumabas ito nang makita ang kanyang sasakyan at kaagad nagpunta sa passenger seat. Kinabit nito ang seatbelt at habang ginagawa iyon ng kaibigan, lihim niya itong pinagmasdan. Parang malungkot ito na ewan.

Her forehead knotted. She started the car's engine and began to drive.

"Bakit nandito ka? Si Knoxx?" tanong niya.

Tiningnan siya ni Autumn at binigyan siya ng maliit na ngiti. May kung anong tumarak sa kanyang puso nang makita ang ngiti nito. Hindi man sinasabi ng kaibigan, pero alam niyang nasasaktan ito.

There's only one person to blame.

Kinuyom niya ang kanyang kamao.

Knoxx.

That jerk. Ano na naman kaya ang ginawa nito kay Autumn?

"Later. Pagkarating natin sa Dorting's. So. . . anong meron sa inyo ni Travis?"

Napalis sa kanyang isip si Knoxx nang marinig ang tinanong ni Autumn. Hindi niya naitago ang kanyang gulat at mahina siyang napasinghap.

Bakit ito nagtatanong tungkol sa kanila ni Travis?

"Pota! Paano nasali si Travis sa usapan natin?" Hindi niya na naitago ang gulat sa kanyang boses.

Binigyan siya nito ng ngiting mapang-aar na ikinasimangot niya.

"Siya sumagot sa cellphone mo no'ng tumawag ako kanina. Sabi nagse-sex daw kayo."

Mabilis niyang natapakan ang brake nang marinig ang sinabi nito. Para siyang nabingi at naumid ang kanyang dila.

What the fuck?

Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin sa kaibigan. Kita niya ang pagngiwi nito dahil sa tunog na nilikha ng kotse. She gulped and embarassment started to kick in.

"S-S-Sinabi niya?" nauutal na tanong niya rito na ikinatawa ni Autumn nang malakas.

Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Walang hiyang Travis! Paano nito nasabi ang bagay na iyon sa kaibigan niya?

Kiss and tell ang gago!

Sana pala, dinala niya sa banyo ang kanyang cellphone no'ng naligo siya! Hindi man lang nito iniisip kung ano ang mararamdaman niya. Bwiset!

HeavenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon