PAGKAGISING NI Snow, wala na si Travis sa kanyang tabi. Tumila na rin ang ulan.
Last night, they ended up in the bed again. Pagod na pagod ang kanyang katawan.
He always takes her in a dog style position and she doesn't even know why. Sumasakit ang kanyang mga braso kinabukasan kapag kukunin nito ang dalawang palapulsuhan niya at ilagay sa kanyang likod. Tangina talaga ng gago!
Sinubukan niyang umupo sa kama at kinuha ang kanyang cellphone sa bedside table. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang date ngayon.
Shit! Ngayon pala ang dating ng borikat niyang kaibigan! Panigurado, hiyang na hiyang ang gaga dahil parati iyong dinidiligan ni Knoxx.
Dinial niya ang number nito sa telepono at sa ikatlong ring ay sumagot ang bruha niyang kaibigan.
"Borikaaaat!!" Alam niyang nagkandangiwi-ngiwi na ang gaga sa pagbati niya rito. Na-miss niya bigla ito! Ilang araw rin silang hindi nag-uusap dahil mahina ang signal sa Camotes.
"Lukaret ka," natatawang ani nito.
Naningkit ang kanyang mga mata. Mukhang tuwang-tuwa talaga ito sa mga kaganapan sa Camotes, ah.
"Ano, masarap ba ang jugjugan?"
Mahina itong natawa sa kanyang sinabi. Hindi ito nagsalita na ikinakunot ng kanyang noo. Narinig niya pang suminghot ito. Anong nangyayari sa gaga? Nakadama siya ng pag-alala.
"Snow naman," ani nito at saka sinundan ng mahinang tawa. Para na itong paiyak.
Mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang mga noo. Napaayos siya ng upo at humigpit ang hawak niya sa telepono. There's something wrong with her friend. May nangyari bang masama sa Camotes?
Natahimik siya nang ilang segundo at pinapakiramdaman lang ang kaibigan. Wala itong imik sa kabilang linya at halatang hinihintay lang ang kanyang sasabihin. She took a deep breath.
"Ba't parang umiiyak ka? Okay ka lang, beh? Huwag mong subukang magsinungaling hindi mo ako maloloko pakyu ka."
Napakurap siya nang bigla itong humagulhol. Pinikit niya nang mariin ang kanyang mata. Rinig na rinig niya ang bawat pagtangis ng gaga.
"S-S-Snow." Muli itong humagulhol.
Hinayaan niya na lang itong umiyak. Alam niyang hindi pa nito kayang sabihin ang mga nangyayari rito at hindi niya pipilitin ang kaibigan.
Nagtagis ang kanyang bagang sa isiping baka sinaktan ito ni Knoxx. Ano, nambabae ba ang gago? Subukan lang talaga nitong lokohin ang kanyang kaibigan at puputulan niya ito ng titi!
"Bukas. Kita tayo, ha. Do'n sa Tamiya. Treat kita. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'yo, beh, pero chika mo 'yan bukas, okay? Ayokong ikimkim mo 'yan."
Mas lalo itong umiyak nang marinig ang kanyang sinabi. Hindi pa nito kayang magsalita at naiintindihan niya iyon. She will just give her friend some time.
"Off ko na call, okay? Love you, beh." Pinutol niya na ang tawag.
Napahilot siya sa kanyang sentido at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Laman pa rin sa isip niya si Autumn.
Napailing siya at saka tumayo. Kinuha niya ang kanyang silk robe at inayos muna ang kama bago nagtungo sa banyo upang maligo.
After doing her morning routine, she grabbed her laptop and went to the living room to finish her story. Nagpa-Grab na lang din siya ng pagkain.
Habang naghihintay, pinagpatuloy niya ang pagtitipa nang may nahagip ang kanyang mga mata sa couch. Natabunan iyon nang konti sa mga unan kaya hindi niya nakita no'ng una.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...