"ETO SUOTIN mo, oh." Inabot niya sa kanyang kaibigan ang white dress na binigay ni Knoxx sa kanya para suotin ni Autumn.
Ngayon isasagawa ang plano ni Knoxx para kay Autumn.
Kita niya ang paghanga sa mga mata ng kaibigan habang tinitingnan ang susuotin nito. Long sleeves ang style ng gown at ang haba ay hanggang sa ibabaw ng ankles nito. Corset ang type ng top at sweetheart ang neckline.
Ang bubble sleeves naman ay gawa sa chiffon fabric at may glitters pa. Gano'n din ang ibabang parte at may gold na belt na naghahati sa ibabang parte at itaas na parte ng gown.
The gown is flowy and she knows that her friend likes it.
"Ang ganda naman nito. Ikaw pumili?" tanong pa nito sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang kilay. Okay, she needs to lie again.
Papasukin pa kaya siya sa langit nito sa dami ng kasinungalingan na sinabi niya kay Autumn?
Nagpakawala siya ng buntonghininga at nagpatuloy sa pagplantsa ng kanyang gown.. Ang gown niya naman ay simple lang ngunit sobrang elegante tingnan. Sleeveless ito at flowy rin.
"Galing ko, noh?" sagot niya na lang rito at lihim na napangiwi.
Okay. Siya na ang sinungaling.
Kapag malaman ni Autumn na nagsisinungaling lang siya, alam niyang lagot siya rito. Bubunutin nito lahat ng bulbol niya!
Pero hah, asa ito. Twice a month kaya siya nagshe-shave!
"Oo na! Thank you, Snow! Magkano 'to?" Muli nitong ibinalik ang gown sa loob ng box. "Nag-effort ka talaga. May flats ka pang binili," dagdag pa nito.
Kiming lang siyang ngumiti rito. As if siya ang bumili no'n.
"Nah. Libre na 'yan! 'Wag ka nang ma-stress," saad niya habang nagpaplantsa pa rin kahit wala nang masyadong gusot.
Buti na lang, low ang heat ng platsa niya, Kung hindi, kanina pa sunog itong gown!
Ayaw niya kasing tingnan si Autumn sa mata habang kinakausap siya nito. Baka mahalata nito na nagsisinungaling siya. Baka mabuko pa!
"Bait mo 'ata ngayon, ah? Dahil ba nilibre ka ni Travis kahapon ng J.CO? I love you pala, huh."
Kahapon kasi, her friend was craving for J.CO kaya ayun, kaagad niyang tinext si Knoxx. Ang hudyo, nagdikit pa ng sticky note! Ito namang borikat, akala na kay Travis galing ang J.CO. Mabuti na lang nakalusot siya kahapon! Sumang-ayon na lang siya nga kay Travis nga galing.
"Anong I love you ka r'yan! Gaga! Kung alam mo lang," pabulong ang pagkakasabi niya sa huling salita upang hindi nito marinig. Hahays.
Kung alam lang talaga nito, tatanggapin kaya nito ang J.CO?
"Ano? 'Di kita narinig."
Tinapos niya ang pagplantsa. She folded the gown on her arm and faced her friend.
Autumn gave her a skeptical look. Hindi niya na lang pinansin ang mga titig nito sa kanya.
"Wala! Ang sabi ko, magbihis ka na. Pupunta na tayo roon. Baka ma-late pa tayo," she stated and put the gown on her bed. Sinigurado niyang maayos ang pagkakalapag no'n.
She walked towards the bathroom. Nakita niya namang lumabas ang kanyang kaibigan sa kwarto. Probably, pupunta ito sa guest room.
Naghilamos muna siya at lumabas pagkatapos. She took her clothes off and applied lotion at nang matapos ay sinuot niya na ang kanyang gown.
Pumunta siya sa harap ng salamin. It suits her perfectly! Parang ginawa talaga ang white sleeveless gown para sa kanya. Mas lalong lumilitaw ang kulay ng kanyang balat lalo na't sleeveless ito.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...