"MOMMY, SAMA na po si Tita Jesha sa bofren niya?" inosenteng tanong ni Visa sa kanya habang sinusuklayan niya ito. Nakaupo ito sa harap ng vanity mirror at nakasuot ng Hello Kitty na t-shirt.
Kinuha na kasi si Jesha ng boyfriend nito at ang loka, tuwang-tuwa naman. Sobrang pabebe. But she's happy for her friend, though.
"Yes, baby. Tayo na lang dalawa rito sa bahay," saad niya. Hindi niya naitago ang lungkot. Ilang oras pa lang ang lumipas, miss niya na kaagad si Jesha, eh.
Hinarap siya bigla ni Visa. She cupped her cheeks. Hinaplos naman ng kung anong init ang kanyang puso. God, she's really lucky to have Visa.
"Huwag ka na pong ma-sad, mommy. I'm here naman po, eh."
Napangiti siya sa sinabi nito.
"And daddy also."
Napalis ang kanyang ngiti. Okay na sana, eh. Bakit pa sinali ni Visa si Travis?
Muntik na siyang mapairap. Pinatalikod niya si Visa at muling sinuklayan ang buhok nito.
Kakatapos lang nitong maligo and her baby smells so great. Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kanya sa repleksyon ng salamin. Sinalubong niya naman ang inosenteng mga mata ng kanyang anak.
"Mommy, when ulit pupunta si Daddy rito?"
Natigil ang kanyang pagsusuklay rito. She gulped. Parang naumid ang kanyang dila at hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.
Suddenly, her phone rang. She let out a breathe of relief and picked her phone up. Nakalusot siya kay Visa.
Her forehead knotted upon seeing the caller. Unknown caller iyon. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya?
Sinagot niya iyon habang nagpatuloy pa rin sa pagsusuklay kay Visa.
"Hola, Snow Atienza hablaste. Quien esa?"
Yep, she speaks Spanish when receiving unknown numbers. Marami na kasing pagkakataon na maraming Spanish callers ang naligaw sa kanyang cellphone.
Tanging paghinga lang ng caller ang tangi niyang naririnig. Naningkit ang kanyang mga mata. Ano? Nanti-trip ba ito sa kanya?
"You sound hot when you speak Spanish, Annalise."
She let out a small gasp upon hearing Travis on the other line. Napatingin siya kay Visa sa repleksyon ng salamin at nagtataka naman siya nitong binalingan ng tingin.
Nilapag niya muna ang suklay sa vanity table at lumabas sa kwarto nito.
"How did you get my number, Travis?" seryosong saad niya rito. Hindi niya na pinansin ang sinabi ng lalaki kanina."Doesn't matter. Can I go there? I want to see Visa."
Bumalik ulit ito rito sa Spain? Pinapakiramdaman niya ang kanyang sarili. Okay na ba siya na makita ulit ang lalaki?
She took a deep breath and looked at Visa's room. Sa siwang ng pinto, nakita niyang sinuot muli ng kanyang anak ang binili niyang Hello Kitty headband para rito.
Naalala niya ang itinanong ni Visa sa kanya kanina. Visa clearly wants to see her father. Pero siya, handa na kaya siyang harapin ito?
Pinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Okay, she needs to do this for Visa.
"Sure." Iyon lang ang tangi niyang sinabi bago ibinaba ang tawag. Hindi niya na hinintay na magsalita ulit ito.
She went inside Visa's room again and greeted her with a smile. Tiyak na matutuwa ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...