"NAKS! GRABE ka na, Ate! 'Di ka na ma-reach!" Natatawang ani ni Josh.
Ngising-nsigi naman si Darren at bakas ang paghanga ng kanyang pamilya para sa kanya. All the time, nakangiti lang siya nang malawak.
"Heh! Oh ayan, na-reach mo na ako." Pabiro niyang inabot ang kamay nito at nagtawanan naman ang kanyang pamilya. Punong-puno ng galak ang puso niya.
Lihim siyang nagpasalamat sa Panginoon. Grabe, hindi niya inakalang darating ang araw na 'to kung saan mata-translate ang isa sa mga libro niya. Hindi pa rin siya makapaniwala at tila lumulutang siya sa ulap.
"Nga pala, anak. Nasaan 'yong boyfriend mo?" tanong ng kanyang ina.
Natigilan siya at pilit huwag ipahalata ang kanyang pagkailang. Hindi naman talaga sila magkasintahan ni Travis.
It was Travis who said that.
Ang pamilya niya naman, kaagad naniwala. Hindi niya alam kung ano ang nalunok ng yawa at bakit gano'n ang pinalabas nito sa mga magulang niya.
Now, she had to make a lie in order to save their butts.
"Trabaho, Ma, eh. Alam niyo na, CEO," ani niya na lang at sinundan iyon ng mahinang tawa.
Travis doesn't know a shit about the opportunity that she received. Bakit niya naman ipapaalam dito? Duh?
"Swerte naman ng magiging anak niyo, te. Bilyonaryo ang parents. Paampon," ani ni Darren.
Natawa naman ang kanyang mga magulang habang siya ay napairap na lang. Pilit niyang iniwaglit sa isipan ang init na namuo sa kanyang puso dahil sa sinabi ni Darren.
Swerte raw ang magiging anak nila ni Travis.
Nagbaba siya ng tingin at napangiti ng mapakla. Walang magiging swerte dahil hindi naman sila magkakaanak.
Nagpatuloy lang sila sa pagkain at punong-puno ng tawanan ang kanilang mesa at nang matapos sa pagkain ay kaagad na silang lumabas.
"Salamat, anak," saad ng kanyang ama at hinawakan ang kanyang kamay.
Sumandal naman ang kanyang ina sa bisig ng kanyang ama. The sight made her heart warm. Malamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Iwinasiwas niya naman ang kanyang kamay.
"Sus, Pa. Celebrate lang, gano'n." She chuckled. Natawa naman ang kanyang mga magulang.
"Ang dami mo nang achievements at a very young age. Nakaka-proud," her mom stated at para pa itong maiiyak.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Her heart suddenly hurt in a good way.
"Ano ba 'yan, Ma. Ang drama naman. Char lang 'yon! It all goes back to the both of you kaya."
Ayan. Napa-conyo tuloy siya nang wala sa oras.
Dinamba niya ng yakap ang kanyang mga magulang at pinalibot naman nito ang mga braso sa kanya. She feels at ease. Napapikit siya sa kapayapaang naramdaman.
"Oy, ano 'yan? 'Di pwedeng kayo lang!' rinig nilang sabi ni Josh na ikinatawa nila.
May mga brasong yumakap sa kanila na ikinangiti niya nang malawak. Goodness, she loves her family very much.
"Bitaw na. 'Di na ako makahinga!" ani niya at natatawa naman itong bumitaw sa pagkakayakap.
She let out a light chuckle and looked at them. Napatingin siya sa kalangitan.
"Pagabi na. Ingat kayo sa daan, ha?" Binalingan niya ang mga ito ng tingin.
"Ikaw rin, 'nak."
"Ingat, 'te. Sana 'di ka pa mamatay."
BINABASA MO ANG
Heavenly
General FictionThe Club Series #2: Snow Annalise B. Atienza Something heavenly happened between them over and over again. . . until one of them fell in love. ----- Three years ago, Snow Annalise did pole dancing for a night, but she made her customer disappointed...