SPECIAL CHAPTER (Anniversary Edition)

206 7 14
                                    

EHM's POV

Ilan taon na ang lumipas pero ito parin kami ng asawa ko, patuloy na nagmamahalan sa isa't-isa. Masayang pamilya ang nabuo namin.

Hindi ko man masabing perpekto ang nangyari sa amin noon pero ngayon, gusto kong magpasalamat dahil sa naranasan kong iyon ay binigyan ako ng perpektong pamilya.

"Nasaan na naman ba si Louise, Ehm?" napatingin ako sa asawa kong nagrereklamo na naman dahil ang mga anak namin ay hindi niya mahagilap. Ewan ko ba sa asawa kong iyan, alam naman niyang puro pag-aaral ang inatupag n'on.... "Kahit si Rhemuel nandoon na lang palagi sa state. Hindi niya ba tayo namimiss?"

Hinalikan ko ito sa magkabilang pisngi para mabawasan ang inis nito, pero as usual pinandilatan na naman ako ng mata. Asawa ko ba talaga 'to?

"Hindi ka pa ba nasanay sa Kambal mo? Alam mo namang nagpapaka busy sa kung anong mayroon sila. Alam mo rin namang may gusto ng pakasalan si Rhemuel tapos si Louisse naman hays ayoko na lang mag talk" umiling ako at kinarga ang isa sa mga kambal uli namin.

Tatlong taon na ang Kambal namin. Sina Rhyss Mien and Kryss Vien. Walang kalalagyan ang sobrang kaligayahan ko ng mga oras na iyon ng magkaroon uli kami ng kambal.

Ito ang masasabi mong kuntento ka na sa lahat dahil may pamilya kang uuwian at pamilyang maghihintay sa iyo sa tuwing uuwi ka galing trabaho.

Malaki na rin ang Ehm Bookshop ko na pinagtatrabahuan parin ni Ms. Tiongzon hanggang ngayon. Dahil ni minsan ayaw niyang bitawan ang posisyon na iyon kahit na sinabi kong magtayo na lang rin siya ng sariling business ngunit inayawan niya. Hindi ko na lang rin ipinilit. Ayaw niyang mawalay sa trabahong minahal na rin niya ng sobra at pinagsasalamatan ko iyon.

Malaki na rin ang DELAS RESTO na pinag partnership namin ni Mr. Dela Cruz. Hindi rin naman kami nahirapan dahil isa rin sa mga employee namin si Ms. Tiongzon kung saan ang galing niyang humawak ng Business.

"Ewan ko ba at kaynino nagmana ang kambal na iyon. Hindi naman ako katulad ng mga anak mo, Ehm" naiinis na saad nito.

"Pasensya na mas'yado kasi akong nagpakalunod sa pag-aaral noon, Hermayn ko. Pasensya na talaga ha? Salamat na lang talaga sa lahat" nang-aasar kong pahayag bago ko inihele ang isa sa mga kambal.

"Ewan ko sa'yo puro ka na lang kalokohan, Ehm!" sinamaan pa ako ng tingin bago nag walk out.

Naibaba ko ng dahan-dahan si Vien sa kama kung saan katabi lang rin ng bed size naming mag-asawa.

Sinundan ko ang asawa ko dahil alam kong sa kusina na naman ang punta no'n. Hindi yata nagsasawa sa pagkaing kinakain nito dahil walang oras yatang hindi kumakain sa kusina namin.

"Wife. Ang importante nakakasama parin naman natin si Louisse kahit sabihing busy sa school at work nito" tumabi ako kung saan nakita kong nilalantakan na niya ang chocolate syrup pati na ang slice bread.

May itinayo kasi si Louise na building sa space area nitong AJS HOMIES  upang isagawa ang mga gustong gawin nito at ang pangalan na iyon ay Fiel's Robotics. Kung saan ang iniimbento niyang robot ay kakaiba sa lahat. Hindi ko alam kung saan niya nahiligan ang ganoong bagay pero masaya ako dahil ayun ang mismong gusto ng anak namin. I'm so proud of her.

"Anytime p'wedeng umalis ni Louisse kung gugustuhin niya. Ehm naman." nagrereklamong saad nito na parang bata.

Past few days mainitin talaga ang ulo ng asawa ko. Or talagang palagi talagang mainit ulo niya? Hindi lang siguro ako sanay sa pabago-bago ng mood niya.

Nakaraan pinag-usapan namin ang Arrange Married ni Louisse. Inaway pa ako ng asawa ko tapos ngayon kung ano-ano naman ang iniisip dahil darating din ang puntong magbubukod naman talaga ang mga anak namin.

I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon