Chapter J

421 18 104
                                    

Nakahilata ako sa kama pero yung isip ko, may mga imaheng sobrang labo. Hindi ko mawari kung ano at kung sino ang mga 'yon. May bumabanggit ng 'Hermayn' pero hindi ko alam kung sino ang tumatawag nun sa'kin at kung sino yung 'hermayn'

"Don't worry about her, Okay na siya. Hihintayin nalang natin ang paggising niya para matest kung mayroon pang kumplikado" Hindi ko mawari kung sino ang nagsalita ng mga oras na 'yon.

Sobrang sakit ng katawan ko. Gusto kong bumangon pero hindi ko maigalaw sarili ko.

"Salamat Doc" Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Halos puti ang nakikita ko, gusto kong itanong kung nasa langit na ba ko? pero hindi ako tatanggapin dun kapag nagkataon. Sa dami ng kasalanan ko, masusunog ako don.

"Tito" Mahina ngunit alam kong maririnig yon ng kahit na sinong nasa paligid ko.

"Hija, Anong masakit?" maagap na tugon nito.

Malinaw na sa aking paningin. nasa isang kwarto ako na puno ng mga puti. Hindi na ko magtataka, nasa hospital ako dahil na rin sa natamo ko.

Pinagmasdan ko ang paligid, may tao pa sa kabila. Nakalihis ang kurtina at nakikita ko kung sino ang taong yon.

'Thanks God, Ligtas ang kapatid ko'

Selfish ako sa paraang hindi ko naisip ang sarili ko. Ayokong iligtas ako basta okay lang yung kapatid ko. doon palang sa part na mailigtas ang kapatid ko sa kapahamakan, Blessing na 'yon.

"May Masakit ba sa'yo hija? Tatawagin ko ang Doctor" ulit na tanong nito.

Ngumiti ako ng tipid, pinapakiramdaman ang sarili. Maliban sa mga natamo ko sa katawan, wala ng masakit sa'kin. Manhid na yata ako.

"Wala na po, Tito. Si Lilbro, Okay na po ba?" I ask him, mas inaalala ang kapatid ko.

"Hija, Mas ikaw ang napuruhan. Sarili mo dapat ang iniintindi mo" napailing ito pero ramdam ko ang pag-aalala nito sa bawat binibigkas at mismong mukha nito.

"Masamang damo 'to, Tito. Hindi agad mamamatay 'to" ngumisi ako para mapawi man lang ang pag-aalala nila.

"Muntik ka na ngang Mamatay, Puro kapa kalokohan, Ate" rinig kong sambit ni Lilbro.

Napangisi ako, Atleast okay siya "Sa Kalokohan ko lang maidadaan para itago ang sakit at Pag-aalala sa'yo, kaya Manahimik ka nga Lilbro" sita ko, nagsesenti-senti ako dito, tapos eepal pa siya.

"Nag sagutan pa kayong dalawa. Kung Bigwasan ko kaya kayo pareho?" sita naman ni Tito sa'min.

"Hindi mo magagawa sa'min yan Tito. Love mo kami" pareho pa naming sambit ni Lilbro na agad naming ikinatawa pareho.

Muntik na kaming mamatay, pero ito kami, Kagaguhan parin. Rawstar!

"Haynako, Kayo talagang mga Bata kayo, Hindi na kayo nagtino" napailing ito "Doon kana sa bahay magpagaling, Angel" He said "Mas okay na dun kaysa dito"

"Okay lang po, Tito. pero nagugutom na ko, Gusto ko ng Ramen, Kimchi at Lemon Juice" Hinimas ko pa yung tiyan ko. Gutom na gutom ako parang ang tagal kong natulog.

"Paanong hindi ka magugutom? Ilang araw ka ng nakahilata diyan sa kama mo. Ang tagal mo" napatingin ako kay Lilbro. Seryoso siya diyan? "Seryoso ako, kahit itanong mo pa kay Tito" napailing ito.

"Oorder lang ako ng pagkain natin bago tayo umuwi sa bahay" buntong hininga nito "Uuwi ang Parent niyo by Next Week, kaya dapat gumaling kayo parehas. Kundi, pare-parehas tayong malilintikan" saad nito bago lumabas ng kwartong ito.

I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon