CHAPTER "MARRIED"
Kung kailan gusto mo nang sumuko sa lahat, tsaka ka naman bibigyan ng dahilan para Lumaban.
"Mamaya na kayo mag-usap, Mag-ama. Anong oras na, mayayari na kami nito kay Ate" bumuntong hininga si Xyle bago tumingin sa'kin "Sumunod ka nalang kung gusto mong puntahan ang mag-iina mo" saad nito pero walang halong emosyon, parang katulad lang 'to dati 'plain' lang ang ibinibigay.
"Puwede bang sa kotse ko si Fiel sumakay? Hindi ko siya itatakas." Nanghihingi ng permisong tanong ko.
"Ikaw bahala, basta sumunod na lang kayo" tumalikod na ito sa kanila bago siya humarap sa anak.
"Daddy po pala kita" namamanghang saad ng bata.
Natawa siya bago ito binuhat "Hindi maipagkakaila yun, Baby. Kamukhang-kamukha kita" naglakad na sila para sundan ang kapatid ng Asawa niya.
Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi nito ng walang alinlangan siyang nagtanong. Hindi man lang pinagkaila ang anak niya. Hindi ko rin matukoy kung bakit ang huli nilang pagtagpo nito ay sinabing ikakasal na si Hermayn, samantalang anak niya ang dala nito.
"Meet My Wife, Ehm. She's name Alliah Buenavista" pagpapakilala nito sa babaeng medyo mahaba ang buhok pero hawak ang Anak na lalaki sa kamay at yung isa buhat nito. "Bestfriend, Tatay ni Louise and Rhemuel. Siya si Ehm" pagpapakilala nito.
"Call me Ehm" nakalahad kong pahayag na agad nitong tinanggap.
"Alliah" ngumiti ito bago binitiwan ang kamay ko "Pinagbiyak na bunga kayo ni Louise. Si Rhemuel kasi kay Angel hawig pero magkambal sila. Hindi maikakailang anak mo siya and I'm happy for that" yumakap ito sa bewang ng Asawa.
"Teka lang, Magpapa-alam muna ako kala Mommy at Daddy bago tayo umuwi" nakatayo ito pero nakayuko sa harapan ng Lapida nito "Mom and Dad, uuwi na muna kami. Wag na kayong mag-alala sa'min nila Ate at sa mga Apo niyo. Nandito kami ni Ehm para alagaan mga Anak namin. Natupad na rin ang gusto niyo na minsan makilala ng Kambal ang Ama nila." tumingin ito sa'kin.
"Hi po. Pasensya na po hindi ko kayo nadalaw, Ngayon ko lang po nalaman. Pasensya na rin po kung ngayon ko lang nalaman na may Anak po ako sa Unica Hija niyo. Kung alam ko lang sana noon pa man, Hinanap ko na sila. I'm regrets for this kasi napabayaan ko silang mag-iina ko po. Sana po hindi pa huli para mapatawad niyo ko. Pinapangako ko po na Aalagaan ko ang Anak ko pati ang Asawa ko po. Alam niyo na naman po na Mahal ko si Hermayn mula ng Umagree po ako sa Kasunduan na yun. Matagal ko na siyang mahal pero hindi niya po nakikita dahil sa Pagpapakamaling nagawa. Pero hayaan niyo po, Itatama ko na po ang mga maling nasa isip niya. Mahal ko ang Asawa ko at Mga Anak ko po. Salamat po Tita at Tito" nag bow ako para sa pagbigay galang.
"Mom and Dad, Alis na po kami ha? Ingat po kayo diyan" pamamaalam namin bago nilisan ang Sementeryo.
Nakasunod lang kami ni Fiel sa sasakyan ng Tito niya. She bright, Lovely, Talkative and Sweet.
"Naalala ko na po kung saan ko po kayo nakita, D-daddy" nahihiyang saad nito. so cute.
"Call me Daddy, Fiel. Please?" he begged for her calls to me. Ang sarap sa pakiramdam na tawagin kang Tatay o Daddy ng mismong Anak mo.
"Y-yes po" nahihiyang tugon nito.
"Saan mo nga pala ako nakita, Baby Fiel?" tanong niya rito habang sinusundan ang kotse ng nasa una.
"Sa kuwarto po ni Mommy. May Picture po siya sa inyo e. Tapos Kinakausap niya yun at Kinikiss niya po yun" naka-pout nitong sabi na parang normal lang dito ang nakikita sa Ina.
Hmm, May Tinatago pala ang Misis niya. Huli ka pero Kulong ka sa pagmamahal ko.
"Hindi kami okay ng Mommy mo, Baby Fiel. Inaaway niya kasi ako, hindi ko alam kung bakit. Puwede mo ba kong Tulungan para magkaayos na kami ng Mommy mo?" Kung si Fiel lang ang paraan para maging okay kami, gagawin ko.
BINABASA MO ANG
I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]
Chick-Litif you love someone, lahat gagawin mo para lang makuha yung gusto mo. pero paano kung nasa maling sitwasyon ang ginawa mo? makikita mo pa ba ang mali sa tama? kapag nagmahal ka, mabubulag ka sa mga makikita mo. kahit nakamulat kana, pero pipikit ka...