Chapter Q

306 17 84
                                    

Ilang araw nalang ay ikakasal na kami. Gusto ko muna siyang makasama kahit ngayong araw man lang. I want to be with her, kahit ngayon lang. Yung kami lang at wala ng iba pa.

Dumeretso ako ng bahay namin para maghanda ng mga lulutuin at gagawin dito sa loob, gusto kong maging espesyal 'to para sa'ming dalawa.

Nagpautos akong bumili ng mga balloons, petals, at smal candle para sa mga gagawin ko. Hindi ko rin kinalimutan bumili ng Red Roses Bouquet para sa kanya. Lahat ng ilang araw kong nawala sa tabi niya, yung sticky note na inipon ko nilagay ko sa mismong Gift Box na katulad ng lalagyanan ng mga accessories.

Nagluto ako ng adobong baboy, spaghetti, lumpia pati Graham ginawa ko din. Lahat hinanda ko habang wala pa siya. Hindi niya rin alam na umuwi ako dito para gawin 'to.

"Sir, Ang Ganda po" pinagmasdan nito yung hugis puso na christmas light kung saan diyan ko gagawin ang pagsayaw kasama siya.

"Magugustuhan kaya niya yan?" kinakabahan ako kasi baka hindi niya magustuhan yung ginawa ko. She don't want from me.

"Magugustuhan niya yan, Sir. Walang babaeng hindi gugustuhin yan. Sobrang Ganda, Ang swerte niya po" para pa itong kinikilig habang pinagmamasdan yung effort ko.

"Sana nga" bumuntong hininga ko.

"Cheer-up, Sir. Promise, Magugustuhan niya yan. Tiwala lang" She cheer me up again.

Nagpaalam na itong aalis. Anong oras na kasi kaya minabuti kong maligo bago ko siya sunduin. Kinakabahan talaga ako.

To: Hermaynie <3

Nandito na ko sa Parking Lot.

Hinintay ko na siya habang hawak ko ang Isang Bouquet para sa kanya. Kinakabahan talaga ako at pinagpapawisan yung palad ko.

"For you" inabot ko sa kanya yung bulaklak. Kinuha naman niya yun without anything words.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse ko at hinayaan nalang muna na manahimik. Lagi namang tahimik ang sitwasyon naming dalawa, kaya bakit hindi pa ko masanay diba?

"Last Day na 'to natin, Hym" tumingin ako dito pero nakapikit lang ito. Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko maikakailang hindi ko pagsasawaan mukha niya mula paggising ko hanggang pagtulog ko.

"Wag mo kong titigan. You making me annoyed" she said pero nakapikit parin.

"Ang Ganda mo kasi, Hindi ko lang mapigilang titigan ka" napangiti ako at itunuloy na ang pagmaneho.

"Matagal ko ng alam yun, kaya pwede ba? Stop being Nice. Hindi bagay, Ehm" deretsahang pahayag nito.

Hindi ko yun inintindi dahil ayoko lang mawalan ng mood sa araw na 'to. I'll make it special to both of me and her. Ayokong sayangin yun dahil lang sa argumentong wala naman patutunguhan.

"Nandito na tayo" hindi ko na hinintay na magsalita siya. Iginiya ko siya sa papasok sa bahay.

"Ano 'to?" tanong nito na parang takang-taka sa nakikita sa paligid "Hindi pa Halloween, Ehm. Masyado ka naman yatang Advanced?" hindi ko alam kung insulto niya ba yun o hindi.

Nasaktan man ako pero hindi ko pinakita. Ayokong iparamdam na nasasaktan ako. Masaya ako sa araw na 'to at ayokong mawala yun dahil lang sa hindi niya na appreciate yung gawa ko.

Hinila ko siya ng mahina at niyakap sabay bulong "Please, kahit ngayon lang, Hym. Kahit ngayon lang pagbigyan mo naman akong ipakita ko sa'yo ang tunay kong nararamdaman" Napangiti ako ng tipid pero hinalikan ko siya sa noo at iginiya sa loob kung saan nakahanda lahat yung ginawa ko.

I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon