Lumipas ang ilang araw na halos walang tigil ang samu't-sari naming bangayan. Kahit naman paano nasasanayan ko na rin ang ganung tagpo namin, pero hindi ko parin maiwasan kapag may binabanggit na itong hindi ko nagugustuhan.
Most of Word from Her. She making more broken hearted.
Pero dahil asawa ko 'to, hindi ko inintindi yun. Mas pinalawak ko pa ang isip ko sa mga susunod naming gagawin.
Madalas ito palagi ang gumawa ng way para mag-away kami. Nasisiraan siguro ng bait, kaya hinayaan ko nalang din. Siguro kasiyahan niya ang awayin ako. Mas okay ng ganun ang tema namin sa araw-araw na ginawa ng Diyos para sa'min. Dahil mas mapapanatag ako kaysa sa bigyan niya ko ng Cold Treatment na halos lumuhod nalang ako ng asin para lang kausapin nya ko.
Nakapunta na rin ako sa ibang lugar dito sa Baguio. Niyayaya ko naman kasi siya pero mas pinili ang mag stay sa Rest House. Hindi ko nga alam kung may tinatawagan ba itong iba para lang makausap, dahil kung tutuusin nakaka boring mag stay sa loob kung alam mong maganda ang paligid at makaka langhap ng sariwang hangin.
Everytime na umaalis ako, Hindi ako nakakalimot na bigyan siya ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak galing sa mga sikat na Flower Shop dito sa baguio. Halos napuno na nga ng Bulaklak yung Flower Vase nito sa dami ng binibigay ko. Buti nalang din hindi ito nagrereklamo, di katulad ng mga unang bigay ko. Nasasanay na rin siguro na bigyan ko ng mga kung anu-ano.
Habang tumatagal, mas lalo ko siyang minamahal.
Aso't pusa man kami, pero hindi ko na alam kung masasanay pa ko na hindi naririnig ang mga salita mula rito. Kahit na halos panlalait at pang-iinsulto lamang ang naririnig ko, ngunit hindi ko pagsasawaan ang mga 'yun.
"Hym. Dali na Please, sumama kana" pagmamakaawa ko dito. Niyayaya kong lumabas pero tinulugan lang ako. Wala namang bago kapag nagyayaya na ko sa kanya.
"Ano ba Ehm? Kung gusto mong umalis, Umalis ka. Wala akong pakialam!" irita nitong pahayag.
"Lagi ko nalang yan naririnig sa'yo. Nakaka sawa ng pakinggan yan, Hym" naiiling kong pahayag. "Honeypie naman, Last day na natin 'to bukas. Wala man lang tayong picture together" napasimangot ako ng wala sa oras.
Palihim ko lang pala syang kinukuhanan ng Litrato. Kapag tulog ito o kaya Stolen Shot.
"Alam mo, kung wala kang kasama. Tawagin mo yung babae mo. Punyeta ka naman, Istorbo ka sa tulog ko" mura nito ng malutong. Hindi na naisip kung anong lumalabas sa bibig nito.
"Sinong babae? Wala naman akong babae ah?" saad ko habang iniisip ko kung sino yung tinutuloy niya. She never met my another friend of mine. pero lahat yun lalaki, isa nga lang ang babae dun.
"Wow. Painosente ka Ehm? Halos katawagan mo nga magdamag diba? Nakakahiya nga sa'yo e. Halos hatinggabi na may katawagan ka pang hayop ka!" gigil na saad nito.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti. She's jealous to Ms. Tiongzon?
"Iisipin ko ng Nagseselos ka kay Ms. Tiongzon, Honeypie" nang-aasar kong saad.
"Kapal mo! Asa ka!" padabog itong humiga at nagtalukbong ng kumot.
"Wala namang masama sa mag selos, Honeypie. Asawa mo naman ako e" hindi ko maiwasang magkaroon ng lambing ang boses. "Dali na, Samahan mo na ko. Kundi, iisipin ko talagang nagseselos ka dun" I blackmailed her.
"Bwisit ka talagang kupal ka! Hindi nga ko sabing nagseselos!" pahayag nito habang kunot na kunot ang noo.
"Then, Go with Me. This is Final" binuhat ko ito na parang pangkasal at dineretso ito sa bathing area. "Hahantayin kita" saad ko bago ito iniwan.
BINABASA MO ANG
I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]
Chick-Litif you love someone, lahat gagawin mo para lang makuha yung gusto mo. pero paano kung nasa maling sitwasyon ang ginawa mo? makikita mo pa ba ang mali sa tama? kapag nagmahal ka, mabubulag ka sa mga makikita mo. kahit nakamulat kana, pero pipikit ka...