Lumabas na ko nang kwarto kung saan alam kong madedemonyo na naman ako. Simpleng galaw niya, iba ang epekto sa'kin, kaya mas pipiliin kong magtiis hangga't kaya ko. Katulad lang din yun sa Pagmamahal ko sa kanya, kakayanin ko ang sakit hangga't kaya ko.
Dumeretso ako sa labas para magsindi ng sigarilyo. Ito na naman ako, nawawala sa sarili. Iba ang gusto nang puso ko pero hindi ang isip ko.
Sinuntok ko yung pader, I frustrated what i did. Siguro karma ko 'to. Akala ko kasi ganun lang kadali ang lahat, dahil nagtagpo muli kami, pero hindi pala ganun 'yun. hays
Desisyon kong palayain siya, Kahit hindi ko kakayanin. Kung nagawa ko ang maging selfish noon, pero this time sarili ko muna ang intindihin ko.
Hindi ko inintindi yung kirot sa kamao ko. Mas nananaig parin yung kirot dito sa puso ko.
agad din akong pumasok sa loob pero sa sofa ako nahiga at tinawagan si Ms. Tiongzon.
"Hello, Sir? Gabi na po, Napatawag po kayo?" tanong nito sa nakaka antok na boses.
"Can you do a Favor? Hanapan mo nga ko ng taong gagawa ng Annulment Paper." I don't have no choice.
"Ah, Sir? Bakit Annulment Paper?" nagtatakang tanong nito.
"Basta Ms. Tiongzon, Mag-usap nalang tayo kapag nakuha ko na yang pinapagawa ko. I hope bukas makuha ko na siya agad" saad ko dito bago pinatay yung tawag. Ayokong pahabain pa yung usapan, wala kong mood sa ngayon.
Hindi ko namalayang nakatulog na ko sa sofa. Nagising nalang ako ng tumama sa'kin yung matigas na bagay.
"Ihahatid mo pa ko" Napamulat ako ng marinig ko boses niya. Tinignan ko yung pinalo niya sa'kin, Makapal na libro. hays
"Mauna kana sa sasakyan. Maghihilamos lang ako" umiwas ako ng tingin pero agad ding kumilos.
Hindi alintana ang kirot ng kamao nang mabasa yun ng tubig. Lahat yata ng mura, lumabas sa bibig ko.
"Fuckshit. Tanga mo kasi, Ehm!" inis na pinunasan ang sariling mukha sa harapan ng salamin.
"Kumain kana ba? Magdadala nalang ako ng pagkain mo. Late na kong nagising" umiwas agad ako ng tingin at inistart ang engine nun.
"Napano yang kamay mo?" Hindi ko mawari kung nag-aalala ba 'to, pero hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagmaneho. "Sa Canteen nalang ako kakain" nakita ko sa pheripheral vision ko na umiwas ito ng tingin.
"I don't have any piece of Flower. Hindi kita mabibigyan" balewalang saad ko at pinark yung kotse nang marating namin ang Buenavista University.
Hindi na ito nag-aksaya ng oras, bumaba na ng walang paalam sa'kin at dumeretso sa loob.
Naghintay ako ng ilang minuto, bago dumating yung delivery para sa order ko.
Kinuha ko yung pina-deliver ko bago nilabas ang bayad "Keep the change" kinuha ko yung pagkain na naka plastic. MCDO for My Hermayn.
Dumeretso ako sa Guard House at nakiusap na baka pwede akong pumasok, kahit itanong niya pa kay Mr. Dean Buenavista.
"Pakisabi, Ehm Dela Viniel po Manong. Salamat" pahayag ko. bago naghintay sa waiting area para sa panibagong deliver.
"Thank you, Sir" pahayag nito bago ko kinuha yung One Bouquet of Flowers.
"Pwede na po kayong Pumasok, Sir" pahayag ng Manong Guard bago ako dumeretso.
Hinanap ko yung Unit kung saan naka room si Hermayn. Binigay ni kuya yun sa'kin nang hingiin ko sa kanya yung schedule nito. Halos nadadaanan kong kababaihan, may tilian akong naririnig.
BINABASA MO ANG
I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]
ChickLitif you love someone, lahat gagawin mo para lang makuha yung gusto mo. pero paano kung nasa maling sitwasyon ang ginawa mo? makikita mo pa ba ang mali sa tama? kapag nagmahal ka, mabubulag ka sa mga makikita mo. kahit nakamulat kana, pero pipikit ka...