Hindi na ko nagtagal sa tinutuluyan kong Hotel, agad akong nagtungo sa Airport para makauwi agad sa manila. Iniwan ko lang din naman yung kotse ko sa Parking Lot ng Airport, may bayad kahit paano.
Nagtext din si Ms. Tiongzon sa'kin na may klase daw si Hym kaya hindi na raw niya ito pinagbawalan baka kasi mag-away lang sila. Hindi daw kasi nauubusan si Hym ng kamalditahan, palagi pa itong nakataray sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang mali. Mas minabuti ko nalang talaga na umuwi kaysa sa tumagal pa, hindi ko rin naman maeenjoy kapag nandito ako sa palawan.
"Thank you" agad akong sumakay ng kotse ko at nag drive patungo sa Branch ko, dahil na rin nandun si Ms. Tiongzon.
Nag-aaral ako pero pili lang yung subject na pinapasukan ko, Minsan pa nga hindi talaga ako pumapasok. Sa bahay ko dinadala lahat ng ginagawa sa school, wala rin namang reklamo lahat ng teacher ko basta may magandang pakiusap lang.
I have a Good Grades kahit na sa bahay ko inaasikaso lahat.
To: Hermaynie <3
Sunduin kita mamaya. Nandito na ulit ako sa Maynila. Aral well, I love you.
Every single day, I miss her.
Kahit na hindi niya ko iniimikan, Galit man siya sa'kin o palagi nya kong sinusungitan, Siya ang Stressed Reliever ko.
"Good morning, Sir" bati ng tauhan ko ng makita ko.
"Good morning, Sir. How's your Business Trip?" Ms. Tiongzon while preparing a Breakfast food for her, i think.
"Kumusta naman si Hym, Gianna?" hindi ko pinansin yung tanong nito at umupo sa hapagkainan kung saan naghahanda ito ng Pandesal with Cheez whiz. Kumuha ako at kinain yun.
"Okay naman, Sir. Pumasok lang sya ngayon, pero binaunan ko ng pagkain kahit paano. Tingin ko din hindi nya kakainin yun, mukhang galit sa'kin, Sir" napasimangot itong saad.
"Lagi naman galit yun, Ms. Tiongzon. Walang bago dun" napailing ako at uminom ng kape na tinimpla nito para sa sarili.
"Pagkain ko yan, Sir. Bakit mo kinain?!" inis nitong pahayag.
Kinuha ko yung Tseke ko at nilagyan ng Price for Her Nice Work. "Here's your tseke. Ikaw ng bahala diyan" inabot ko ito at namangha pa sa nakita presyo.
"Wow, Sir. Ang Bigatin niyo naman. Ngayon lang 'to" Natatawang hawak nito ang Tseke.
10 thousand for her work.
"Salamat sa Extra Work mo." ngumiti ako "Just Prepared for Wedding, Ms. Tiongzon. Asahan ko na pupunta ka sa bahay for that" Inayos ko na ulit ang sarili para sa pag-alis ulit.
"Welcome, Sir. Kung ganito ang magiging sahod ko per day, Walang Problema" natawa pa ito pero napailing nalang ako at agaf na nagpaalam.
Wala rin namang problema sa Ehm Bookshop. Alam ko din namang hindi mapapabayaan yun ni Ms. Tiongzon.
Inaantok pa ko kaya dumeretso ako sa Bahay nila Kuya. Wala din naman yun dun, kaya hindi rin ito magtatanong sa'kin. Bihira lang din magtanong ito pero alam kong may tiwala siya sa'kin.
Tinawagan ko na rin pala Tito at Tita dahil sa pasya ko na si Ms. Tiongzon nalang din ang magwe-wedding coordinator ng kasal namin. Halos lahat sa kanya ko ipapaasikaso, may tiwala akong kaya niya lahat ng iyon. Wala din namang pagtutol sa Side ko at sila nalang din daw bahala magpaliwanag sa Buenavista Parent.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko para matulog. Mamaya pa ang uwi ni Kuya at magkikita din naman kami nun sa Buenavista University kung saan nag-aaral si Hym.
BINABASA MO ANG
I GOT MARRIED WITH YOU [COMPLETED]
ChickLitif you love someone, lahat gagawin mo para lang makuha yung gusto mo. pero paano kung nasa maling sitwasyon ang ginawa mo? makikita mo pa ba ang mali sa tama? kapag nagmahal ka, mabubulag ka sa mga makikita mo. kahit nakamulat kana, pero pipikit ka...