Matapos ang proseso ay nanghina ang magulang di Arak dahil sa pinakawalang enerhiya o essence nito.
Naramdaman din nila na mayroong pagbabago sa kanilang anak.
Pinakiramdaman nila ito at nagulat sila sa kanilang nalaman.
"Isang Multiple Gold rank!"
"Level 10!"
Ito lamang ang naibulalas nila.
Hindi sila makalaniwala sa murang edad ay naabot nito ang ganitong antas.
Kung malalaman ito ng ibang nakakita ay siguradong isang malaking gulo ito.
Simula nang maisagawa nila ang pagbasag sa selyo nito ay hindi nila akalain na ganito ang magiging resulta.Sa kaharian ng Dragon Heart kingdom ay wala pang naitalang umabot sa ganitong ranggo sa murang edad na limang taong gulang.
Nahigitan nito ang tatlong ranggong nilagpasan.
Talagang kahanga hanga ang pinagmulan ng kanilang anak.
Marahil ay hindi siya nagmula sa mundong ito at sinisiguro ng tunay nitong magulang ang siguridad ng kanilang anak.
Dahil natapos na ang proseso sa ritwal na ginawa nila ay kailangan nila ng pahinga.
Ang ginawa naman ni Arak ay isinuot nito ang tatlong singsing sa kanyang kamay.
Sa isang spatial ring niya ay ipinasok niya ang lahat na dapat niyang ipasok.
Lumapit din ang kanyang ina upang ipasuot nito ang kwintas niya.
Gaya ng inaasahan nang maisuot ni Arak ang concealing ring ay nagbago ang ranggo nito at bumaba ito sa ranggong Beginner level 5,tama lang ito para sa kagaya niyang ganitong edad.Mabilis lumipas ang araw hanggang naging buwan ay patuloy sa normal ang gawain ng magpamiya.
Dahil marami na silang naimbak na vicious beast at halamang gamot ay kinakailangan nila itong ibenta upang makabili sila ng pangunahing pangangailangan nila.
Kaya naman ay kailangan nila bumaba ng gubat upang pumunta sa Centro.
Ito ang pangalan ng bayan nila.
Sa Centro makikita ang lahat.
Ang adventurer Guild,ibat ibang gusaling pangkalakalan at pamilihan ng mga pagkain.
Hindi maingay pero maraming dumadayo dito dahil na rin sa mga tabernang nakatayo dito.
Ito ang pampalipas lugar ng bawat adventurer.
Nagpupumilit namang sumama ni Arak sa kanyang ama dahil gusto niya makita ang bayan.
Pinayagan naman ito ng kanyang ina pero marami itong habilin sa kanyang ama bago sila umalis.Naging mabilis ang kanilang pag alis hanggang sa nadaanan nila ang ilang kabahayan ng kanilang kanayon.
Kilala na rin sina Ginoong Rubio at Gng.Mercedes sa nayong ito.
Binibili din nila ang panindang dala nito dahil sa mura lang ang benta nila.
May nakita rin si Arak na kagaya niyang mga kaedad pero masyado itong mahina kumpara sa kanyang ranggo.
Sa lumipas na buwan ay tumaas na din ang antas ni Arak at isa na siyang ganap na Platinum rank na nasa level 5.
Ang kanyang pekeng ranggo na beginner sa level 10 ay binago niya at nasa Practitioner level 5.
Isa rin ito sa paraan upang maiwasan ang pag agaw atensyon niya sa ilang adventurer.
Nakarating na sila sa Centro at namangha si Arak sa kanyang nakikita.
Dahil ngayon lang siya nakarating dito.Agad naman pinutahan ng kanyang ama ang suki nila sa kanilang paninda.
Laking tuwa ng makita ito si Ginoong Rubio dahil sa dalang paninda nito.
"Ha ha ha,kaibigan maraming salamat at napagawi ka ulit dito!"
"Matagal na kitang inaantay dahil paubos na ang mga imbak ko!"
Sabi nito sa kanyang ama.
Nakamasid lang si Arak sa matandang kausap ng kanyang ama.
Napalingon naman ito sa kanyang gawi.
Pinagmasdan siya nito at nanlaki ang kanyang mata.
"Isang Practitioner level 5!"
Bulalas nito.
Hindi siya makapaniwala na isang bata sa kanyang harapan ay isa ng ganap ng practitioner.
"Kaibigan,sino naman ang batang ito dahil sa murang edad nito ay halos kapantay niya ang mga batang noble dito sa Centro!"
Ito ang tanong nito sa kanyang ama.
Napalingon naman si Ginoong Rubio kay Arak at kinarga ito.Nailapag na ang mga dala nilang paninda at handa na sanang bayaran ito kung hindi lang nito napansin si Arak.
Nakuha nito ang kanyang atensyon.
"Ha ha ha,ito ang aking munting angel!"
"Ang nagiisa kung kayamanan!"
Turan nito ng kanyang ama at kinarga siya nito.
"Mapalad ka kaibigan dahil mayroon kang supling na henyo dahil sa edad nito ay maihahanay sa nobleng clan sa Centro!"
"Bakit hindi mo ito ipasok sa institute upang mahasa ang kanyang talento!"
Paliwanag ni Ginoong Sebastian.
Sebastian ang pangalan ng taong kausap mg kanyang ama.
Matagal na nila itong suki sa paninda at naging kaibigan na din.Hindi naman sila nagtagal pagkatapos ay bumili sila ng mga pangunahing pangangailangan.
Ang pera na kanyang hawak ay halos isangdaang pilak.
Ito ang kabayaran sa kanyang paninda.
Maraming tao sa Centro kaya nagmamadali sila upang makaalis dito.
Hindi naman naging mabigat si Arak kahit kinakarga siya ng kanyang ama.
Nasa bukana na sila palabas ng Centro ay napatigil si Ginoong Rubio dahil mayroon siyang naramdamang sumusunod sa kanila.
Naramdaman din ito ni Arak.
Kinalabit niya ang kanyang ama.
"Ama,may sumusunod po sa atin,lima po sila at naka maskara ng itim!"
"Mga Multiple Gold rank!"
Ito ang sinabi ni Arak sa kanyang ama.
Agad naging alerto ang kanyang ama at binilisan nito ang paglakad.Ang limang pigura na sumusunood sa kanila ay ito ang Catclaw clan.
Sa tagal ng panahon ay natagpuan na rin nila sa wakas ang matagal nilang hinahanap.
Ang dalawang nagtaksil sa clan nila.
Pinangunahan nito sa kanilang lima ni Saberon Hord.
Si Saberon Hord ay isang level 5 multiple gold at pinsan niya si Gng mercedes ang ina ni Arak.
Naging mabilis ang kanilang lakad at kailangan mailigaw nila ito.
Tanging paraan lamang ay linlangin ito upang hindi sila masundan.
Nadaanan nila ang kanayon at naging normal ang kilos nito hanggang sa makarating sila sa gubat at doon nila balak iligaw ang sumusunod sa kanila.Ang sumusunod sa kanila ay nagtaka sa ikinikilos ng sinusundan nila.
Marahil ay alam nito na sinsundan sila pero bakit papasok ito sa isang gubat.
Ang gubat na kitatakutan ng lahat.
Ang Daredivel Forest.
Ayon kasi sa kanilang saliksik ang gubat na ito ay pinamamahayan ng masasamang espiritu at nilalang na immortal.
Pero walang nakakapagpatunay nito dahil wala pang adventurer ang nakarating sa lugar na ito.
Ano at bakit patungo doon ang pinsan niya at mayroon itong kasamang bata.
Marahil ito ang anak nila.Dahil sa komplikadong sitwasyon ay agad nagpakawala ng isang resbak sa pamamagitan ng isang apoy patungo sa himpapawid.
Ang apoy sa himpapawid ay nakarating ito sa teritoryo ng Catclaw clan.
Alam na nila ang ibig sabihin nito ay nasa peligrong sitwasyon ang ipinadala nilang paghahanap upang tugisin ang naging taksil sa clan nila.
Tumayo ang nasa animnapu sa kanyang upuan upang utusan ang kanyang mga kawal patungo sa Daredevil Forest.
Naglabas din siya ng kanyang awra na nasa Proufound Rank.
Ito ang Master ng Catclaw clan.
Alam nito na natagpuan na ang balakid sa kanyang mga plano.
Hindi siya nakarating sa posisyong ito hanggat naroon ang lihetimong anak ng dating master nila.
Kaya naman ay gumawa siya ng paraan upang paratangan ito sa pagkamatay ng kanyang dating Master.Samantala sa loob ng gubat ay nakarating na ang dalawa sa kanilang tahanan.
Sinalubong sila nito ni Gng Mercedes na nagtataka kung bakit hingal na hingal ang mag ama.
"Ano ang nangyari sa inyo at bakit tila hapong hapo kayo?"
Tanong nila sa kanila.
Ibinaba ni Ginoong Rubio ang kanyang anak at pumasok na sila sa loob ng bahay.
Sumunod naman dito ang ina ni Arak.
Pagkapasok ay agad hinarap nito ang kanyang asawa at nagsalita.
"Mercedes,kailangan na natin lisanin ang lugar na ito,hindi na tayo ligtas dito dahil natuntun na tayo ang aking pinsan at sa mga oras na ito ay marahil alam na ni tiyo na dito tayo nagtatago!"
Ito ang sabi sa kanya ni Rubio.
"Ang walanghiya mong tiyuhin,paano niya maatim ang lahat na ito matapos niya mapaslang ang iyong ama at sa atin iparatang lahat!"
"Nakuha na nila ang gusto nila ano pa ang kailangan nila sa atin!"
Nangingilid ang luha ni Mercedes habang sinasabi ito.
Nakamasid lang si Arak sa kanyang ina at ama.
Naguguluhan siya sa mga narinig.Naging mabilis ang kanilang kilos.
Kinuha nila ang dapat nilang dadalhin at agad umalis patungo sa likuran ng kanilang tahanan.
Wala na silang oras dahil maari ay biglang sumulpot ang nagtutugis sa kanila.
Kahit mayroon silang takot sa lugar na pupuntahan nila ay inalis nila ito para sa kanilang kaligtasan.
Lalo na sa anak nila na si Arak.
Masyado pa itong bata upang sumabak sa labanang hindi dapat mangyari.
Binuhat nito si Arak at mabilis ang takbo nila papasok sa loob ng kagubatan.
Kahit naguluhan ay nakuha pa ni Arak ung tanungin ang kanyang ama.
"Ama,saan po tayo pupunta at bakit dito tayo sa loob ng gubat?"
Tanong nito sa kanyang ama.
"Anak,wag nang maraming tanong kailangan natin makaalis dito dahil mayroong humahabol sa atin!"
Malalaman mo rin sa oras na ikaw ay malakas!"
"Ang mahalaga ay mailayo kita dito at hindi mapapahamak!"
Ito naman ang sagot ng kanyang ama.
Kahit sa mukha ng kanyang ina ang pagkatakot dahil sa maaaring mangyari.Wala silang kamalay malay dahil nasa unahan na ito nila ito at inaantay ang kanilang pagdating.
Naningkit ang mga mata ni Rubio dahil sa kanyang natanaw.
Hindi niya lubos akalain na ganito kabilis ang pagkilos ng kanyang tiyuhin upang tuluyan silang paslangin.
Wala silang pagpipilian kundi ang lumaban hanggang sa kamatayan.
Ang tangi nilang gawin ay itakas si Arak patungo sa kwebang pinagmulan nito.
Ang bilang ng kasama nito ay halos nasa sampung nasa Multiple Gold Rank level 5.
Mayroong nagiisang Platinum rank,ito marahil ang kanilang Elder.
Naging alerto naman si Mercedes sa oras na sumugod ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...