Chapter 17.

529 94 7
                                    

Dark Grass Land;
Limang daang kalahok ang kasalukuyang narito sa malawak na lugar na kung saan ay dito gaganapin ang pangalawang pagsusulit.
Pinagisipan at pinagaralan ito ng mabuti ng institution master ayon sa kasunduan ng Royal clan.
Tama ang nasa likod ng ideya na ito ay ang Royal clan.
Ipinaliwanag ito ng institution master sa kanilang pagpupulong.
Lahat ay sumangayon dahil wala silang lakas na loob upang tumutol dahil sa kautusan ng kanilang Mahal na Hari.

Maraming grupo,indibidwal at mataas ng clan ang narito upang mapanuod ang pagsusulit.
Isang beses lamang ito kada taon kaya naman ay sinulit nila lalo't narito ang kanilang Mahal na Hari upang saksihan ang napabalitang mayroong kalahok na nakapasa at ayon sa impormasyon ay wala itong kinabibilangan na Clan.
Ngayon lang ito nangyari sa kasaysayan ng pagsusulit.
Sa harapan ng malawak na lugar ay nakapwesto ang mahahalagang tao sa ibat ibang City.
Inimbitahan na rin ng kanilang institution master ang mga mataas na katungkulan sa magkaibang city.
Ang bawat city ay pinamunuan ito ng mga city lord.
Sila ang kumakatawan sa buong city na nasasakupan nila.
Ang bawat namumuno naman sa ibat ibang clan ang tawag sa kanila ay Grand master at Grand elder naman ang mas mataas na mga elder na sinundan ito ng elder Master.

Ang pwesto na kung saan ay maraming grupo gaya ng noble clan, aristocrat clan at ordinaryong clan ay nakahanay paharap sa malawak na kapatagan.
Kung isasalarawan ay para isa itong koliseyum gayunpaman ay makikita parin ang ilang kabundukan at nagtataasang mga damo.
Sa malaking entablado ay nasa kalagitnaang pwesto ang nakaupong mahal na Hari ng Dragon Heart Kingdom kasama ang mga ministo at kawal nito.
Habang katabi naman nito ang institution master at ang city lord ng capital city.
Narito na rin ang presensya ng mga ibat ibang Sect sa kaharian.
Pangalawang pagsusulit pa lamang ito subalit malalaking tao at mataas ang estado nito sa buhay ay imbitado lahat upang masaksihan ang pambihirang kompetisyon.
Ngayon lamang ito nangyari sa tuwing may pagsusulit ang Dragon Heart Institute.

Hudyat na rin upang simulan ang pangalawang pagsusulit.
Lumipad sa itaas ang tagapasalita na ipinaliwanag nito kung ano ang pagsusulit na gagawin nila.
Pero bago sinimulan ang pagsusulit ay ipinaalam ito sa lahat ng mga kalahok na magbigay pugay sa mahal na Hari.
Tumalima naman ang limangdaang kalahok at yumukod ito paharap sa mahal na Hari.
Tumayo naman ang mahal na Hari at sumenyas ito ng sangayon.
Mula sa malayo na kung saan ay nasa hanay si Zeuros ng mga kasama niyang kalahok.
Magkakasama ang lahat kahit magkakaibang clan.
Katabi ni Zeuros ang isa sa ordinaryong clan na nakapasa sa unang pagsusulit at napalagayan niya ito ng loob.
Ito ay si Eldon Yuri ng Eden Valley.
Sreyoso ito habang nakatingin sa malayo.
Ramdam ni Axel ang tensyonado ito.
Isinawalang bahala lamang niya ito at muling tumingin sa unahan na kung saan ay nakaupo ang mga mahahalagang tao sa pagsusulit.

Ang buong lugar ng Dark Grass Land ay ibat ibang presensya at awra ang mararamdaman ng bawat kalahok.
Hindi rin sila naapektuhan nito kahit nakalabas ang mga ito dahil bago pa lamang isagawa ang pagsusulit ay nilagyan agad ito ng formation para protektahan ang bawat kalahok.
Maraming mga legends rank at epic rank ang naramdaman ni Zeuros sa mga bisitang narito.
Hindi niya Kilala ang mga ito dahil sa may kalayuan ang pwesto niya.
Gayunpaman ay makikita sila nito ng malinaw dahil sa kapangyarihang taglay nila.
Kahit malayo ang pagitan nila ay makikita parin sila.
Matapos nila yumukod sa mahal na Hari at iba pa ay umaalingawngaw ang tunog ng mga trumpeta hudyat nagsimula  na ang pagsusulit.
Sa pagpapaliwanag ng tagapasalita ay kailangan lamang nilang gawin ay hanapin ang kakaibang kayamanan sa lugar at kolektahin ito.
Marami silang pagpilian na may kaugnay sa mga bagay gaya ng armaments,medicinal herbs,pills,at maaaring libro patungkol sa ibat ibang skills.

Matapos maipaliwanag sa kanila at binigyan sila nito ng limang oras na palugit hanggang sa matapos ang Oras na nakalaan dito.
Kailangan nila makakolekta ng higit sa sampung kayamanan.
Ipinaalam din sa kanila na hindi naging madali ito dahil mayroong vicious beast sa loob ng dark Grass Land.
Ang bawat kayamanan ay mayroong pagmamay ari nito at kailangan nilang labanan at pasukuin ito.
Isa pa ang ikinabahala ng lahat ay ang hamog na nakabalot sa buong lugar.
Mahihirapan sila makita ang madadaanan nila dahil dito.
Kahit ganito ang senaryo ay walang umatras sa kanila at desidido sila na tapusin ang pagsusulit.
Ikinumpas ng tagapasalita ang kamay at hudyat na ang opisyal na pagsimula.
Isa isa nagsilaho sa paningin ng bawat manunuod ang mga kalahok.

Sa paglaho ng mga kalahok ay napunta sila sa ibat ibang bahagi ng Dark Grass Land.
Naghiwalay ang mga ito at hindi nila alam kung nasaan sila ngayon pero ito ay bahagi parin ng Dark Grass Land.
Kabilang na dito si Zeuros na napunta sa madamong lugar at sobrang kapal ng hamog at halos hindi niya makikita ang kanyang dinadaanan.
"Shattering eyes!"
Bigkas ni Zeuros at luminaw ang kanyang paningin.
Naging normal ang buong paligid dahil sa ginamit niyang skills.
Para sa walang kakayahan nito ay mahihirapan sila dahil sa hamog na nakikita nila.
Ang buong pangyayari ay nakikita ng lahat na mga manunuod at alam nila ang bawat galaw at kilos ng mga kalahok.
Walang makakaligtas sa mga ito dahil mataas na rin ang ranggo ng bawat nilalang na may mataas na katungkulan sa kaharian gaya ng mahal na Hari, institute master,mga elder,city lord at ang patriarch.

Ang buong bahagi ng Dark Grass Land ay nagkalat ang mga kalahok habang patuloy nito tinatahak ang daanang mahamog at nahihirapan ang ilan sa mga ito.
Sa kinaroroonan ni Zeuros ay naging madali lamang sa kanya ito habang binabaybay ang daan.
Natanaw ni Zeuros ang bahaging mayroong mga punong kahoy.
Kakaiba ang punongkahoy na ito dahil maraming kumikinang na bagay na nakapalibot dito
Naramdaman ni Zeuros ang makapal na essence sa punong ito.
Isa itong pagkakataon sa kanya upang magnilay at higupin ang essence ng punongkahoy na ito.
"Kikimoro Tree,ang tawag sa punongkahoy na ito.
At ayon sa impormasyon na pumasok sa kanyang isipan ay pinamamahayan ito ng mga nilalang na mayroong taglay na mahika o elemento.
Sila din ang tinaguriang mga unang nilalang bago nabuo ang ibat ibang mundo.

Habang papalapit si Zeuros sa Kikimoro Tree ay naramdaman naman ito ng nilalang na nakatira sa punongkahoy na ito.
Naramdaman niya ang awra ng binatang patungo sa tahanan niya.
"Isang nagkatawang mortal?"
Ito lamang ang nasabi niya sa kanyang isipan.
Naramdaman nya kasi ang awrang taglay ni Zeuros na hindi kabilang dito sa Mortal Realm.
Naramdaman niya ang taglay ng lakas nito na makikita lamang sa mundo ng mga immortal at diyos.
Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang pandama.
Ilang libong taon na siya naninirahan sa mundong ito at ngayon lang niya ulit nadama ang ganitong presensya.
Ang lugar na ito ay kinatatakutan ng bawat nilalang o tao dahil sa kayamanang nakapaloob dito.
Ang bawat kayamanan ay katumbas ng iyong buhay.

Isang metro na lamang ang layo ni Zeuros mula sa puno ng Kikimoro Tree ay pasalampak itong umupo paharap sa punong ito.
Kahit ang lahat na mga manunuod ay nagtataka sila sa ginawa ni Zeuros.
Kung ang mga kalahok ay hindi nila makikita ng malinaw ang buong paligid dahil sa hamog na nakapaloob dito pero ang mga manunuod ay makikita nila ng malinaw kung ano ang nangyayari sa loob ng Dark Grass Land.
Wala silang nakikitang hamog sa lugar kundi ang maayos at normal lamang sa paningin nila.
Kaya naman ang bawat galaw at kilos ng mga kalahok ay nakikita nila.
Gaya nga lang sa nakita nila kay Zeuros na nakasalampak itong nakaupo sa damuhan habang nakaharap sa punongkahoy.
Ito ay hindi rin makaligtas sa paningin nina Institution Master Clyde Edwards at ang mahal na Hari na si Haring  Demetrius Ivory.
Si Haring Demetrius Ivory ay isang Heaven rank level 3,kaya naman ay tama lamang na siya ang pinakamalakas sa buong kaharian ng Dragon Heart Kingdom.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon