Chapter 30.

492 83 7
                                    

Ang Holy Azure Hall ay bahagyang may kaunting tensyon sa pagitan ng mga Elder,master at ang dalawang bagong disipulo.
Naunang humakbang ang dalawang Grand Master na nasa Legends rank.
Lumapit ito sa kinaroroonan nina Zeuros at Eldon Yuri.
Sumunod naman dito ang isa sa apat na Elder.
"Maligayang pagdating sa Sacred Azure Sect!"
"Ikinagagalak namin ang inyong pagdating at naway maging komportable kayo dito!"
"Bago ang lahat ay nais ko ipakilala sa inyo ang magiging elder ninyo!"
"Siya ay si Outer Faction Master Zakaria Paloma at kayong dalawa ay nasa kanyang pamumuno!"
"Dahil baguha pa lamang kayo ay nasa ilalim kayo ng outer elder!"
Gayunpaman ay narito na rin kami upang gabayan kayo!"
"Ako si Grandmaster Ben Kuri at ito naman si GrandMaster Allysa Henry!"
"Ang tatlong Master naman ay isa dito si Core Master Edward Grimm,Inner Master Han Zu,at si Conclave Master Ameron Huston!"
Matapos nito ipinakilala sa kanila ang bawat isa ay mayroon itong inabot sa dalawa.
Dalawang kahon na di naman kalakihan .
Tinanggap naman ito ng dalawa at niyaya siya ni Outer master Zakaria Paloma upang ituro ang magiging kwarto nila.
Sumunod naman sila dito.
Yumukod muna sila sa ibang elder at master bago umalis.

Sa labas ay tinahak ng tatlo ang daan patungo sa tinutuluyan ng mga disipulong outer.
Sa pangunguna ng kanilang elder ay nasa likuran sila nito.
Marami silang nakakasalubong na mga disipulo at binabati nito si outer master Zakaria Paloma.
Mayroon ding mga mata ang direktang nakatingin sa kanila pero di nila ito pinansin.
Nang makarating sila sa kanilang tinutuluyan ay marami ang sumalubong sa kanila.
Ang gusali ng para sa mga disipulong outer ay mayroong tatlong palapag lamang.
Ang bawat palapag ay mayroong sampung kwarto na pahaba ang sukat nito nasa gitna ang pasilyo o daanan.
Ang bawat kwarto ay magkatapat ang pintuan magkabilaan.
Sa likuran naman nito makikita ang magiging kusina nila at paliguan.
Binigay sa dalawa ang susi sa magiging kwarto nila.
Ang bawat kwarto ay isang disipulo lamang ang umuokupa dito.
At nasa dalawang palapag ang kwartong nakalaan para sa kanila.
Magkatabi ang kwarto Nina Zeuros at Eldon Yuri.

Matapos silang ihatid sa magiging kwarto nila ay agad pumasok ang dalawa upang ayusin ang silid nila.
Nagpaalam sa isat isa sina Zeuros at Eldon Yuri.
Agad nila inayos ang mga dala nilang damit at iba pa.
May kaliitan ang kwarto nila at tamang tama lang ito para sa isang tao.
Mayroong kama,upuan para sa lamesa at aparador para sa damitan.
Binuksan ni Zeuros ang bintana at tanaw nito ang magandang tanawin sa labas.
Matapos niya ayusin ang mga damit at iba pa.
Ay agad niya binuksan ang kahong ibinigay sa kanila ng kanilang Master,
At ang laman ng kahon ay isang libro,limang pills,at isandaang pilak na pera.
Tungkol naman sa pills ay ito ang enhancing breakthrough pills.
Ito ang pills upang tumaas ang antas na lakas ng isang adventurer.
Kinuha niya ang libro at naglalaman ito patungkol sa pagsasanay at skills.
Itinabi niya ang libro at ang pilak na pera.
Kinuha niya ang pills at lumabas na kwarto.

Sa mga oras na ito ay inaayos na rin ni Eldon Yuri ang kanyang mga dalang gamit.
Masaya siya dahil nakapasok siya sa isang sekta at higit sa lahat ay mayroong proteksyon ang clan nila.
Hindi kasi lingid sa kanya na mayroong gustong makuha ang lupain nila sa isang Clan.
Ito ang Feather Fist Clan.
Isa itong aristocrat clan na gustong kamkamin ang lupain nila dahil sa isang bagay.
Diumanoy mayroong nakabaong kayamanan sa village nila.
Ito ay hindi pinaniniwalaan ng kanilang Chief Village Elder.
Ang gusto nilang mangyari pag nakuha ang lupain nila ay lalong lalakas ang pwersa nila at may posible na maging isang noble clan sa hinaharap.
Kinuha niya ang kahon ni binigay sa kanila ng elder nila.
Binuksan niya ito at namangha siya sa nakita.
Mayroong isang libro,isandaang pilak na pera at limang pills.
Ang enhancing breakthrough pills.
Malaki ang maitutulong nito sa kanya upang tumaas ang kanyang antas.

Tila nananaginip si Eldon Yuri sa kanyang nakita.
Binuklat niya ang libro at naglalaman ito ng patungkol sa pagsasanay sa pakikipaglaban at mga skills.
Pero bago ito ay kailangan muna niya pataasin ang kanyang ranggo pagkatapos ay magsanay.
Nawala ang kanyang iniisip ng biglang mayroong kumatok sa kanyang kwarto.
"Tok,tok,tok!"
Ito ang kanyang narinig matapos ang tatlong katok sa pintuan.
Iniwan niya ang kahon sa lamesa at nagtungo sa pintuan upang buksan ito.
Sa kanyang pagbukas ay tumambad sa kanya ang pigura ni Zeuros.
"Ikaw pala Zeuros,may kailangan ka ba?'
Tanong ni Eldon Yuri na nagtataka kung bakit narito si Zeuros.
May dala itong kahon at ito din ang kahon na ibinigay sa kanila ng kanilang elder.
Niyaya niya ito sa loob upang pumasok.
Paupuin nya sana ito pero tumanggi si Zeuros sa kanyang paanyaya.
"Maraming salamat pero hindi na din ako magtatagal!"
"Narito lamang ako upang ibigay ito sayo!"
"Hindi ko kasi kailangan iyan,at mas kailangan mo ito para sa iyong pagpapalakas!"
Matapos nito sabihin ay binuksan ang kahon at ang laman ay ang limang enhancing breakthrough pills.
Inabot niya ito kay Eldon Yuri.
Nag aalinlangan naman na tanggapin ito ni Eldon Yuri.

Kahit mayroong pagtataka sa mukha ni Eldon Yuri at sapilitan parin na binigay ni Zeuros ang kahon.
Ipinaliwanag niya kung bakit niya ito ibinigay sa kanya.
"Hindi ko kailangan ang mga iyan,higit sa lahat ay mas kailangan mo ito upang lumakas ka pa para sa iyong angkan!"
"Isipin mo na lang na isang regalo ko sayo iyan!"
"Saka wala akong kaibigan dito ay maaari bang maging kaibigan kita?"
"Brother Eldon?"
Ito ang sabi ni Zeuros na hindi parin mawala ang pagkabigla nito.
Tila nahimasmasan niya at tinanggap nito ang kahon Saka inilapag sa lamesa.
"Oo naman Brother Zeuros,,wala din akong kaibigan dito bukod sa baguhan pa lang tayo dito!"
"Saka mahirap pakisamahan ang iba lalo at bago ka pa lamang!"
"Oo nga pala bakit mo hindi kailangan ang mga pills!"
"Malaki ang maitutulong nito sayo upang malagpasan mo ang kasalukuyang ranggo mo?"
Ito ang pahayag ni Eldon Yuri kay Zeuros.
Umiling lamang si Zeuros at nagpaalam na ito upang bumalik sa kanyang kwarto.
Naiwang malalim na napaisip si Eldon Yuri.

Ilang minuto ang lumipas mula ng nakaalis si Zeuros ay hindi na nagsayang ng oras si Eldon Yuri at agad nilapag ang kahon na naglalaman ng pills.
Agad siya umupo ng palutos at nagsimula magnilay.
Kinuha niya ang isang enhancing breakthrough pills ay isinubo nito sa kanyang bibig.
Nilunok niya ito at dumaloy ang enerhiya sa kaugat ugatan niya hanggang sa sumama ito dinadaluyang ng kanyang dugo.
Naramdaman niya ang enerhiyang bumabalot sa buong katawan niya.

"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!"

Matapos niya itong marinig ay kumuha siya ulit ng isa pang pills at nilunok niya ito.
Gaya ng nauna ay dumaloy ito sa dugo niya at sumabog ang enerhiya sa buong katawan niya.

"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!'

Ganito parin ang kanyang narinig.
Tumaas ang kanyang antas ng anim na beses.
Masaya siya sa nangyari at nalagpasan niya ang ranggong matagal na di umusad.
Ito ang naging problema niya noon dahil sa wala silang kakayahang bumili ng mga pills na pampataas ng antas dahil na rin sa estado ng kanilang buhay.
Ngayon ay nagagalak siya sa resulta nito.
At gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya.
Masaya din siya dahil nakatago siya ng kapwa disipulo na hindi nag atubili upang tulungan siya kahit na may pagkamisteryoso ang katauhan nito.
Sa di kalauna'y ay makilala din niya ito ng lubusan.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon