Ang pagpasok ni Zeuros sa Sacred Azure Sect ay hindi naging madali sa mga ilang kadahilanan.
Hindi maiiwasan ang ilang panghahamak at pangungutya na umiiral kahit saang sekta.
Pero ito ay isinawalang bahala ni Zeuros.
Dahil alam niya kung ano ang nararapat niyang hakbang.
Hanggat walang manakit sa kanya ay hindi niya ito lalabanan o papatulan.
Sa kagaya nilang baguhang disipulo ay tatawagin silang mga junior brother habang senior brother naman ang mas matagal sa sekta.
Sa mga kalalakihan ay ganito ang tawagan nila.
Habang sa kababaihan naman ay junior sister sa baguhan at senior sister sa matagal na.
Ang kasunod naman dito ay mga elder,master, grandmaster at ang kanilang Patriarch.
Ang pagpasok niya sa sektang ito ay upang ilayon at magkaroon ng kakaibang karanasan sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Isa itong malaking bagay ng sa gayon ay makilala niya ang bawat ugali,pananaw at kakayahan ng bawat indibidwal.Sa kalidad ng kabayong may dalang karwahe ay naging mabilis ang kanilang paglalakbay hanggang sa tumambad sa paningin nina Zeuros at Eldon Yuri ang malaking tarangkahan na maraming mga mataas na kawayang kahoy sa paligid ng pader.
Mayroong mga apat na bantay sa labas ng tarangkahan na makikita ang malaking karatula na kung saan nakalagay ang Sacred Azure Sect.
Naging mabilis ang kilos ng apat na bantay upang alamanin kung sino ang nasa loob ng karwahe.
At nang malaman nila na ang patriarch ang nakasakay ay agad ito nagbigay galang habang nakayuko ang mga ulo.
Pagkatapos ay binuksan ang malaking pintuan ng tarangkahan.
Sa kanilang pagpasok ay bumungad
sa kanila ang maraming mga presensya.
Maganda din ang loob ng sektang ito at marahil ay mas malawak pa ito kapag nalibot nila.Samantala sa loob ng bulwagan na kung saan ay nagtitipon tipon upang hintayin ang pagdating ng kanilang patriarch.
Ayon sa nakuha nilang impormasyon ay dalawang disipulo ang nakuha nito na imposibleng mangyari.
Mula itinatag ang sektang ito ay tanging isa lamang ang nakuha nilang baguhang disipulo sa pagpipili dahil ito ay naaayon sa panuntunan.
Pero ngayon ay tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa impormasyong ito.
Gayunpaman ay hintayin na lamang nila ang pagdating ng kanilang patriarch dito sa Holy Azure Hall.
Ilan sa mga narito ang apat master at dalawang grandmaster at ilang disipulo na nasa mataas na bilang sa bawat master na may hawak sa kanila.
At sila ang mga faction master.
Mayroong apat na faction sa loob ng Sacred Azure Sect.
Ito ang outer,core,inner at ang conclave faction.
Ang bawat faction ay may nakatalagang mga master.
Halimbawa ang outer master at katuwang nito ang isang grandmaster.
Kaya ang master elder ay mapasailalim sa kapangyarihan ng isang grandmaster.
Ang patakarang ito ay upang lalo pang mahubog ang mga disipulo dahil sa gabay ng kanilang master at grandmaster.Nagkaroon ng taunang paligsahan sa loob ng sektang ito upang malaman kung sinong disipulo na hawak ng kanilang master at grandmaster .
Ang gawaing ito ay nasa panuntunan nila .
At kung sino ang disipulong hawak ng kanilang master at grandmaster ang may makitaan ng potensyal sa angkin nitong kakayahan ay ito din ang maging kandidato upang isabak sa paligsahan ng pangkalahatang sekta
Sila ang ipapadala upang ilahok sa paligsahan ng bawat sekta.
Pero bago mangyari ito ay kailangan nila matutunan ang ilang patakaran sa loob ng sekta at magsanay.
Sa loob ng Sacred Azure Sect ay mayroong grupo na umiiral.
Ito ang Dragon Fearless Disciples.
Ang Dragon Fearless Disciples ay lamang sa isang organisasyon ng mga kabataang may taglay na lakas at kakayahan.
Kaya binuo ang faction na ito dahil dito nakasalalay ang hinaharap ng kanilang sekta.
Binubuo ng sampung malakas na disipulo na nagmula sa ibat ibang
Master at grandmaster.
Sa sumakatuwid ang grupo na ito binuo at pumili ng kabataan upang ipakita ang abilidad nito at katapangan.
Bukod sa katapangan ay talino at may angking disiplina sa sarili.Ang bawat sekta sa buong kaharian ng Dragon Heart Kingdom ay binubuo lamang ng isang grupong disipulo.
Ang bawat grupo na ito ay dito sinusukat ang mga disipulo na mayroong potensyal na kayang tapatan ang bawat disipulo sa magkakaibang sekta.
Mayroong batas ang bawat faction at depende ito sa sektang kinabibilangan nila.
Sa Sacred Azure Sect naman kapag nasa isang faction ka na ay mahigpit ipinagbabawal ang umagabrayado ng iyong kapwa disipulo ng walang kabuluhang rason.
At kapag nasa faction ka o alinmang master at grandmaster ang kinabibilangan mo ay magkakaroon ka ng prebiliheyo at benepisyo.
Kabilang na dito ang libreng librong gagamitin sa pagsasanay.
Mga buwanang pills at armaments.
At ang hindi makakalimutan ay ang benepisyong matatanggap ng iyong clan kapag nakapasok ka na sa alinmang sekta.
Magkakaroon sila ng kayamanan at proteksyon galing sa sekta.
Ang lahat ng mga ito ay hindi kailangan ni Zeuros.
Ang kayamanang mayroong siya at isa sa mga sekreto niya at hindi niya ito ipinagmamayabang.Pagdating nila sa Holy Azure Hall ay marami silang nadatnang mga tao sa loob at base sa kasuotan ng mga ito ay mayroong katungkulan sa sektang ito.
Naunang humakbang ang kanilang patriarch at nasa hulihan silang dalawa ni Eldon Yuri.
Naramdaman ko ang kabang naramdaman ni Eldon Yuri kaya naintindihan ko siya.
Tinapik ko siya sa balikat at ningitian na medyo ikinagulat niya.
Sa ngayon pa kasi ay hindi pa nila lubos kilala ang isat isa.
Yumukod ang lahat ng makita nila si Patriarch Verson Goh.
"Maligayang pagbabalik patriarch!"
"Binabati po namin sa ngalan ng ating sekta ay matagumpay na nagkaroon tayo ng bagong disipulo na magiging bahagi ng ating sekta!"
Ito ang sabi ng isang may katandaan na pero bakas parin sa mukha nito ang lakas na taglay.
Binigyan nito ng puwang na daanan si Patriarch at pinaupo ito sa pinakagitnang upuan nito.
Kami naman ni Eldon Yuri ay pumunta sa gilid.Pinakiramdaman ni Axel ang bawat lakas na narito at medyo nadismaya siya sa kanyang natuklasan.
Mayroong dalawang legend rank ,apat na epic rank at ang nag iisang nasa heaven rank.
Kundi ang kanilang Patriarch.
Si Patriarch Verson Goh ay isang heaven rank level 5.
Ang dalawang nasa Legends rank ay level 2 at 3.
Samantala ang apat na epic rank ay nasa level 5 din,marahil ito ang mga elder sa magkakaibang bilang.
Nang makaupo na sa upuan si Patriarch Verson Goh ay bumaling ang tingin nito sa aming dalawa ni Eldon Yuri.
At saka kinuha ng lahat ang atensyon nito.
"Maraming salamat sa pagbigay ng inyong atensyon, mayroon akong mahahalagang bagay na dapat nating paguusapan!"
"Hindi naman lingid sa inyong kaalaman ang pagkaroon natin ng bagong disipulo at higit pa ito sa aking inaasahan!"
"Mga Master,at GrandMaster ng ating sekta ay gabayan at turuan ang ating bagong disipulo!"
"Bigyan sila ng sapat na oras at atensyon sa pagsasanay!"
"Ang lahat na ito ay ipaubaya ko sa inyo dahil ilang buwan ako mawawala at nasa sengklusyon ako!
"Ipakilala ko sa inyo ang dalawa nating disipulo!"
"Si Eldon Yuri ng Eden Valley Clan, bagamat nasa ordinaryong clan lamang siya pero malaki ang kanyang potensyal na magiging malakas sa hinaharap!"
"Ang kasama naman nito ay si Zeuros Cress!"
"Mga Master at Grandmaster kayo na Ang bahala sa dalawa!"
Matapos nito sabihin ay tumayo ito at lumapit kay Zeuros.
Mayroon itong sinabi na sila lamang dalawa ang nakarinig at nakaintindi.
Tumango naman si Zeuros at yumukod bago umalis si Patriarch Verson Goh.
Lumabas na ito sa Holy Azure Hall at tanging sila lamang ang naiwan.
Sa pag alis nito ay doon lamang nagtataka ang apat na Master at ang dalawang grandmaster.
Nakikita nila kasi ang kakaibang kilos nito sa isang bagong disipulo.
Na tila ba binigyan ito ng espesyal na pag trato.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...