Chapter 15.

507 90 9
                                    

Ang senaryo sa loob ng Dragon Heart Kingdom ay mainit ang tensyon sa pagitan ng mga kabataan na magkakaiba ang estado sa buhay.
Sa libo libong kabataan ay halos iilan lamang ang natira sa nakapasa.
Marami din sa noble clan ang nakapasa at hindi naman magpahuli ang nasa aristocrat clan.
Samantala ay iilan lang ang nakapasa sa mga ordinaryong clan.
Ang Ten Slayer Council ay hindi nila pinapalagpas ang pagkakataong ito dahil dito nila malalaman kung sino ang intersanteng mag aaral magiging karibal nila sa darating na panahon.

Sa paghakbang si Wendell Pierce ay nasa harapan na ito ng Emerald Iron Stone at sinimulan nito ang kanyang gagawin.
Itinapat nito ang kanyang palad sa bato at lumabas sa kanyang kamay ang liwanag na kulay dilaw na naglabas ng marahas na pwersa.
Nagkaroon ng mahinang bugso ng hangin at unti unting nabibitak ang ilang bahagi ng bato.
Nakatayo parin ito at kalmadong presensya.
Maya maya ay nawala ang liwanag at lumitaw ang papel patungo sa tagapasalita.
Hindi tuluyan nasira ang bato pero nagkaroon naman ito ng pinsala.
Pagkatapos ay muli ito nabuo at bumalik sa dating anyo.
Nakakuha ng pitumput walong puntos si Wendell Pierce at pasado ito.

Nagpatuloy ang pagsusulit at iilan na lamang at matatapos ito.
Sa ngayon ang may hawak na pinamataas na puntos ay mula sa Catclaw Clan sa pangunguna ni Wendell Pierce.
Masusing pagpili sa bagong mga estudyante ang kanilang ginawa upang ihasa ang talentong taglay nito.
Hindi parin tinatawag di Zeuros at tila nakalimutan nila ito.
Maya maya ay narinig niya ang numerong tinawag at ito ay ang pang apat na numero na wala namang ibang hawak nito kundi siya lamang.
Agad siya kumilos upang pumunta sa gitna na kung saan ay naroon ang Emerald Iron Stone.
Nagsimula nag ingay ang mga tao sa loob dahil sa kanya.
Hindi rin nito pinapansin ang ilang salitang naririnig niya.
Nagpatuloy lamang siya sa paghakbang at ang layunin niya ay matapos agad ito.

Maraming mga mata ang nakatutok kay Zeuros lalo na ang Institute Master at ang dalawang elder nito.
Hindi rin nagpahuli ang Ten Slayer Council at gusto nila malaman ang kakayahan ng nag iisang nilalang na walang clan na kinabibilangan.
Hindi lang sila ang matang nakatingin dito dahil mayroon ding isa sa kanila ang gustong makita kung mayroong ibubuga ito.
Isa na dito ang nakasagutan ni Zeuros walang iba kundi ang anak ng Early Vermilion clan.
Hindi pa ito tinatawag upang isabak sa pagsusulit.
Dahil dito na kahit maraming mga matang nakamasid kay Zeuros ay hindi niya ito binigyan ng kahulugan.

Nasa gitna na si Zeuros upang simulan ang pagsusulit.
Ayaw niya magtagal sa gitna dahil sa maraming matang nakatingin sa kanya.
Agad niya ipinatong sa Emerald Iron Stone ang kanyang palad at walang enerhiya o liwanag na lumabas sa kanyang kamay.
Isang ordinaryong tanawin lamang ang nakikita ng lahat.
Kaya naman ay kanya kanyang komento ang lahat sa nakita.
Kahit ang institution master ay nagtataka din kung ano ang nangyari.
At isa lang ang pumasok sa kanilang isipan ito ay hindi talentado ang binatang ito at hindi makapasa sa pagsusulit lalo na't walang kinabibilangan na clan ito.

Sa pagkakataong ito ay walang ginawa si Zeuros kundi ang simpleng pagkontrol nito sa bato na nasa harapan niya.
Ang enerhiyang nagmumula sa batong ito ay kusang hinigop ng kanyang palad at mabilis ito naglaho ng walang nakakaalam.
"rumble!"
"rumble"
Ito lamang ang kanyang naramdaman dahil sa enerhiyang pumapasok sa loob ng kanyang katawan.
At ito ay ang essence na nagmumula sa Emerald Iron Stone.
Dahil ang essence na nagmumula sa bato ay nagpapatibay ng pundasyon at pangangatawan.
Tumaas ng dalawang beses ang antas ng kanyang ranggo.
Sa nawalang enerhiya galing sa bato ay naging ordinaryo lamang ito tingnan at hindi magtatagal ay masisira ito.
At tuluyan nga nasira ang bato at madurog ito at naging buhangin na ang ilan ay nilipad ng hangin kasabay ang paglitaw ng papel patungo sa tagapasalita.

Lahat sa nakakita ay nanlaki ang mga mata at hindi prin sila makapaniwala sa nangyari.
Malinaw nilang nakikita na walang enerhiyang pinakawalan ang binatang ito pero paano nasira at halos naging buhangin lamang ang matibay na bato.
Tila ba dinaya sila ng kanilang mga mata.
Naramdaman din nila na tumaaas ng dalawang beses ang level ng ranggo nito .
Hindi mawala sa isipan ng lahat kung paano niya nagawa ito na nasa kasalukuyang pagsusulit ay nagawa pa nitong pataasin ang kanyang level.
Kahit ang institution master at kasama nitong elder ay namangha sa binatang ito.
Maging ang mga manunuod at kabilang na dito ang Ten Slayer Council ay ganun din ang nagiging reaksyon nito.

Nahawakan na ng tagapasalita ang papel upang basahin at malaman kung ilang puntos ang nakuha ni Zeuros.
"Ang nakuhang puntos ni Zeuros Criess ay ,,?"
Hindi niya maituloy ang pagbasa nito at nanlaki ang kanyang mga mata.
Hindi mawala ang tingin nito sa papel na hawak niya.
Tila natauhan naman ito at muli niya binasa kung ano ang resulta.
"Isandaang puntos ang kanyang nakuha kaya naman ay pasado siya at siya lamang ang bukod tangi naka perpekto ng puntos!"
"Binabati kita,bata!"
Ito lamang ang sabi nito at pagkatapos ay yumuko si Zeuros upang bumalik sa kanyang pwesto.
Marami pa ang sumunod sa kanya at sa bandang huli ay tinawag na rin ang binatang noble ng Early Vermilion clan.
Humakbang ito patungo sa gitna.
Pero bago nito nilisan ang kanyang pwesto ay isang matalim na tingin ang ipinakita nito kay Zeuros.
Hindi naman ito pinansin ni Zeuros dahil sa tingin niya ay hindi ito dapat bigyan ng oras.

Oras na rin upang simulan ng nobleng binata ang kanyang pagsusulit.
Ito ay walang iba kundi si Erris  Faysan ng Early Vermilion clan.
Tinitigan niya muna ang emerald Iron Stone bago ito isagawa ang gagawin.
Itinapat niya ang palad nito sa bato at isang marahas na enerhiya ang kanyang pinakawalan.
Nagliwanag ang palad nito at sinakop ng liwanag ang kabuuan ng bato.
Nagkaroon ng lamat ang bato at nabiyak ito sa dalawa.
Tuluyan nga ito nasira pero hindi ito nadurog o napulbos.
Pagkatapos nito ay lumitaw ang papel at pagkawala nmn ng enerhiya ni Erris Faysan na bigla siya napaluhod dahil sa nanghihina siya.
Hindi biro ang pinakawalan niyang enerhiya upang kontrolin at labanan ang enerhiyang nagmumula sa bato.
Ayaw niya mapahiya sa nakakita sa kanya lalo't kilala ang clan nila sa buong capital city.

Nakapasa si Erris Faysan sa puntos na labingsiyam at limang puntos.
Siya ang pumangalawa sa bilang na nakakuha ng mataas na puntos.
Dito narin natapos ang unang pagsusulit at mayroon pa itong kasunod.
Muli ay inanunsyo sa lahat ang pangalawang pagsusulit sa susunod na araw.
Kailangan muna ng pahinga ang mga nakapasa dahil sa hindi rin biro ang nawalang enerhiya sa katawan nila.
Binigyan din sila ng matutuluyan sa loob ng paaralan.
Ipapaalam na lamang sa kanila kung kailan ang pangalawang pagsusulit.
Wala pang anumang detalye kaya hindi nila alam kung ano at saan ito gaganapin.
Isang malaking gusali ang nakalaan para sa kanila na pumasa.
Sa libo libong sumubok sa pagsusulit ay limandaan lamang ang binigyan ng tsansa at nakapasa ayon narin ito sa puntos na kanilang nakuha.
At tumatak sa isipan nila ang puntos ng isang kalahok na ngayon lang naitala sa kasaysayan ng paaralan.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon