Chapter 5.

669 103 6
                                    

Ang Azsarel Kingdom ay isang mundo ng mga vicious beast.
Ibat ibang uri at magkakaibang taglay na katangian at lakas.
Bago nangyari ang mundong ito ay magkakasama ang mga mortal at vicious beast at namuhay ng payapa.
Subalit dumating ang panahon na nagkaroon ng samot saring sa panimula ng mga mortal na mayroong mataas na kapangyarihan.
Pinagpapaslang ang mga vicious beast upang magsilbing kayamanan nila.
Sa panahong ang mga vicious beast ay walang kakayahang lumaban at magsalita dahil sila ang mga hayop na hindi kontrol o hawak ang pag iisip nito.

Dahil sa nangyaring ito ay hindi maatim ng isang immortal upang pagsamahin ang mababang uring nilalang sa mga vicious beast dahil nagbabadyang maubos ito.
Kaya sa taglay niyang kapangyarihan ay inalis niya ang mga vicious beast sa mundo ng mga mortal.
Gumawa siya ng isang mundo na para sa mga vicious beast pero mayroon itong kontrata.
Ang kontratang ito ay magiging katuwang sila sa sinumang mortal upang tulungan ito na lumakas at lumaban sa mga Demon.
At dahil na rin sa lakas ng kanyang essence ay nakabuo siya ng isang supling kahit wala itong kasiping na babae.
Ang essence  sa kanyang katawan upang gumawa ng supling at katumbas ng ilang libong cultivation.
Dahil dito ay nanghina siya at kailangan niya ito punan sa loob ng mahabang panahon.

Ang supling na ito ay magbabalik sa takdang panahon at panahong iyon ay pangunahan niya ang malawakang digmaan sa hinaharap.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana at natuntun siya ng mga demon at sinakop ang buong lugar upang pagharian ito.
Marami ang nagbuwis nagbuwis ng buhay at dumanak ang dugo.
Dahil sa nangyari ay kailangan niya iligtas ang kanyang supling na kasalukuyang natutulog ito sa isang lubid na enerhiya.
Nakabalot ito ng lubid.
Inilagay niya sa loob ng lubid na parang duyan ang isang supot.
Gumawa siya ng isang lagusan at ibinigay ang sanggol sa isang vicious beast.
Magulo at maingay ang paligid dahil sa walang tigil na patayan.
Ang kinalalagyan niya ay ito ang Hidden Realm.

Binuhos niya ang kanyang kapangyarihan upang labanan ang mga Demon.
Maraming mga vicious beast at kagaya niyang immortal ang lumaban subalit dahil sa nanghihina siya ay nagapi siya nito.
"Anak,magpalakas ka upang maghatol sa hinaharap!"
"Bawiin mo ang Hidden Realm!"
"Hanggang dito na lang ang kaya ko ibigay sayo!"
Ito ang nasa isipan niya bago malagutan ng hininga.
Naglaho ang katawang lupa niya pero isang bilog na enerhiya ang lumabas sa katawan nya at mabilis itong naglaho.
Walang nakakaalam kung saan ito patungo.

Ang demon ay tuso at hindi patas kung lumaban.
Lalo na ang Demon Lord.
Isa din siyang immortal pero dahil sa ambisyon nito ay nagawa niyang mapaslang at makuha ang mundong pinakaasam asam niya.
Ang Hidden Realm.
Lumipas pa ang ilang libong taon ay lalong lumakas ang kanilang pwersa at walang sinumang makapantay pa sa kanila.
At ang isang plano nila ay sakupin ang mundo ng Mortal Realm.
Matagal na nila ito pinag aaralan at kaunting panahon na lamang ang kanilang gugulin upang masakop ito.
Masyadong mahina ang namumuno sa mundong ito.
At kung masakop nila ito ay isusunod nila ang Upper Realm,Celestial Realm,Goddes Realm,at ang Divine Realm.

Magagandang bahay at kalsada ang bumungad sa paningin ni Arak habang nakasunod ito kay lord Crunos.
May ilan siyang nakikitang kabataan na kaedad niya at mapanuring mata agad ang kanyang nakita.
Nakarinig din siya ng ilang salita mula rito.
"Isang mortal?"
"Paano nakarating iyan dito at labag ito sa panuntunan ng ating panginoon!"
Ang lahat na ito ay narinig ni Arak at bumaling siya sa mga batang nakita niya sa daanan naglalaro ito.
Hindi niya ito pinansin ang kanilang mga pasaring.
Naramdaman din ni Arak na hindi pangkaraniwan ang mga batang ito.
Hindi sila mga mortal.
Sadyang mataas lang ang kanilang uri.

Patuloy lamang ang kanilang lakad.
Ang itsura ng lugar na ito ay pareho sa kinalakhan niyang lugar.
Naalala niya ang Centro na kung saan ay marami ding mga gusali at tao.
Ibat ibang paninda ang makikita sa bawat daanan.
Nananatili siyang nakasunod kay lord Crunos at hindi man lang siya nakaramdam ng pagod.
Hanggang sa isang bahay ang nabungaran nila.
At base sa itsura nito ay maliit lang ito pero maganda ang kinalalabasan.
"Nandito na tayo!"
"Sumunod ka sa akin at mayroong akong mahahalagang sasabihin sayo!"
Sabi nito kay Arak.
Pumasok na sila sa loob at kabaliktaran ito sa kanyang inaasahan dahil sa malaki at malawak ang espasyo sa loob.

Seryoso ang mukha nito ni Crunos upang ipaliwanag kay Arak ang mahalagang bagay.
Nakaupo sila ngayon sa isang mahabang upuan na yari sa isang bato.
Magkaharap ang dalawa.
Katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa.
"Arak,ang totoo mong pangalan ay Zeuros Cress!"
"Ikaw ay nagmula sa mundo ng Hidden Realm!"
"Ang iyong ama ang namumuno sa mundong iyon subalit napaslang sya ng isang Demon lord at sinakop ang buong Hidden Realm!"
"Nanghina at hindi nakayanang labanan ng iyong ang demon sa kadahilanang binuo ka niya sa pamamagitan ng kanyang essence!"
"Upang protektahan ka ay ibinigay ka niya sa akin upang itago sa mundo ng mga mortal!"
"Isa sa mga rason kung bakit nandoon ka at natagpuan ng mag asawang inaakala mo ay mga totoo mong magulang!"
Malinaw niya naiintindihan ang lahat sa pagpapaliwanag nito.

Sa Azsarel Kingdom ay  si Lord Crunos ang namumuno dito.
Bukod sa pagiging gabay niya at bantay sa mundong ito ay mayroon din siyang itinalagang bantay sa bawat sulok ng kaharian.
Mula hilaga,kanluran,timog at silangan lahat ay mayroong nakatalagang bantay dahil sa lagusan na maaring magbukas sa darating na panahon.
Sa pagbukas ng lagusan ay maaring matuklasan ito ng mga adventurer sa mortal realm.
Magkaroon ng pagbabago sa mundo ng mortal realm dahil sa mga vicious beast dito.
Maaari nila ito paslangin at gawing kayamanan o magiging kakampi.

Mabilis ang oras dahil umiikot ito at gaya sa panahong hindi mo akalain ay matagal na dumaan.
Sa panahong iyon ay walang ginawa si Arak o Zeuros Cress sa tunay na buhay ay puro pagsasanay ang kanyang ginawa at pagbabasa sa librong naiwan ng kanyang ama.
Mabilis ang kanyang pagtuto sa mga bagay bagay ay mabilis din ang kanyang paglaki.
Sa kanyang paglaki ay nagbago ang pisikal niyang anyo at mukha niya.
Ang lahat na ito ay nakikita ni Lord Crunos.
Naging kamukha nito ang kanyang ama sa batang bersyon nito.
Ang mga magulang nito na sina Ginoong Rubio at Gng Mercedes ay maayos at magaling na ang kalagayan nito.
Pero nasa loob pa rin sila ng spatial ring dahil sa mayamang enerhiya sa loob nito.
Mabilis ang pag galing nila at wala na ang pinsala sa kanilang katawan.

Sa pagbabago ni Arak ay mas lalo niya naramdaman ang kanyang paglakas kung dati ay isa siyang Multiple gold rank level 5 ngayon ay isa na siyang Profound rank level 5 sa edad na anim na taong gulang.
Dahil na rin sa isang taon na ang lumipas.
Marami siyang natutunan sa librong iniwan sa kanya ng kanyang ama.
Ang pagkontrol ng kapangyarihan at pag higop ng ibat ibang essence sa pamamagitan ng pag cultivate.
Pag gamit ng pills at mga sandatang ibat iba ang uri.
Pinag aralan din niya ang mga skills at technique.
Sa mga singsing naman na iniwan sa kanya ay hindi pa niya ito nasuri at pati ang kwintas.

Malawak ang mundo ng Azsarel kingdom.
Kamangha mangha ang gawa ng kanyang ama at nais niya ito tularan kahit hindi pa niya ito nakikita.
Gusto niya maging katulad nito.
Isa pa ang napapansin niya ang mundong ito ay kagaya din sa mundo ng Mortal Realm.
Namuhay ng normal ang mga vicious beast kahit nasa anyong tao ito.
Ang pagkakaiba mas hamak na malakas ang vicious beast kaysa sa normal na nilalang lalot kung nasa totoo silang anyo.
Ang mundo na ito ay puno ng hiwaga at kakaibang daloy ng enerhiya.
Nakakapagpagaling ng anumang pinsala sa sinumang nilalang na makapasok dito.
Higit pa dito ang kayamanang nakuha mo sa ibang mundo.

Samantala ay laging abala si Lord Crunos sa pag aasikaso sa mga kauri niya.
Hindi rin niya namalayan na isang taon ang lumipas at mabilis din ang pagbabagong naganap sa buhay ni Arak.
Oras na rin upang lisanin ni Arak ang mundong ito at harapin ang mundong nakalaan sa kanya.
Ang harapin ang totoong hamon sa buhay.
Ang kanyang mga magulang ay mabilis ang kanilang paggaling at nagsasanay din ito sa spatial ring.
Lalong tumaas ang antas nila sa loob dahil sa mayaman ito sa enerhiya.
Kung dating nasa Pinnacle ang ranggo nila ngayon ay nasa Epic rank at nasa level 9th ito malapit na sa pagiging legends rank
Malaki ang pasalamat nila dahil nabuhay sila sa kakaibang mundo na ito.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon