Chapter 51.

363 57 6
                                    

Ang laban sa pagitan ng dalawang magkaiba ang antas ay nakapagbigay ng isang magandang laban para sa lahat.
Pero ang mas nakakagulat ay ang narinig ng lahat.
Hindi naman sila bingi upang hindi nila ito marinig ng maayos.
Malinaw sa pandinig ng lahat ang kusang pagsuko ng isang disipulo mula sa Outer Faction.
Tama ang narinig ng lahat.
Sumuko si Yum Amelek kay Hanz Ruyin ng Dragon Fearless Disciples.
Hindi nila lubos maisip kung bakit sumuko si Yum Amelek na alam ng lahat na kaya pa nitong lumaban.
Ganoon pa man ay desisyon niya ito at nirerespito ito ng lahat.
Para naman sa kanilang master ay nauunawaan niya ang kabuuang sitwasyon ng laban.
Tama lang ang ginawa ng kanyang disipulo hindi sa kaduwagan o walang kakayahan upang lumaban bagkus ay iniisip nito ang kanyang kaligtasan at marami pang pagkakataong maulit ang ganitong laban.

Para naman kay Zeuros ay tama lang ang naging desisyon ng kanyang Senior brother.
At naiintindihan niya ito.
Habang si Hanz Ruyin ay mapagmalaking ipinakita sa lahat na hindi sila kaya.
At sa pagkanalo nila ay tila nagkaroon ng agam agam sa lahat kung sino ang susunod sa natirang miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Sa ngayon ay tatlong miyembro ang natira at kailangan matapos ang labang ito upang opisyal na babaguhin ang bilang nito.
Muli ay ipinapatuloy ang paghamon at sa daming mga pangalan ang lumutang sa itaas at isang pangalan ang tumingkad.
At nang makita nila ang pangalang ito ay nag ingayan ang mga disipulong nanunuod dahil ito ay mula pa rin sa Outer Faction.
Lumitaw ang pangalan ni Zeuros Cress.
Marami ang nag alinlangan sa labang ito at sa tingin nila ay wala itong kabuluhan o di kaya ay hindi rin patas.
Sino ba ang mag aakala na kailangan labanan ng isang nasa Epic Rank ang nasa Heaven Rank.
Kung ang isang nasa Legends Rank ay hindi ito kayang labanan paano pa kaya ang isang kagaya niya na halos dalawang ranggo ang agwat nito.
Habang nag iingay pa rin ang iba ay hindi nagsayang ng oras si Zeuros at agad umakyat ito sa entablado na ikinagulat ng lahat.

Samantala sa itaas ng entablado sa kinauopuan nina Patriarch Verson Goh at ang dalawang Grandmaster ay nagkagulo ang mga manunuod.
Gusto kasi nila pigilan ang laban dahil para sa kanila ay labis itong hindi kaaya aya sa lahat.
Habang si Outer Faction Master Zakaria Paloma ay nag aalala siya para kay Zeuros pero mayroong siyang naramdaman na kakaiba pero para sa kanya lamang ito.
Kahit si Eldon Yuri ay ganito din ang naramdaman sa kanyang kaibigan na tila isa itong misteryosong tao.
Kahit ang kapwa niya disipulo mula sa Outer Faction ay nag aalala din.
Sa gitna naman ng entablado ay bakas sa mukha ni Zeuros ang pagkalmado nito sa kabila ng tensyon sa bawat manunuod.
Nilibot niya ang tingin hanggang sa tumigil ang kanyang tingin sa limang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect.
Isang makahulugang ngiti ang ipinakita ni Zeuros sa kanila na hindi naman ito nakaligtas sa kanilang mata.
At ang ngiting ito ay nakita ng lahat.
Sumenyas na ang tagapagsalita upang pumili si Zeuros kung sino ang kanyang hahamunin sa laban.
Dahil sa itaas ng entablado ay mayroong dalawang nasa Heaven Rank level 1,at ang nag iisang nasa level 6.
Mabilis tinuro ni Zeuros ang nasa pangatlo at pangalawa.
Dahil dito ay lalong nagkagulo ang mga manunuod at lalo na ang kanyang Faction Master.
Ang gustong mangyari ni Zeuros ay hindi isa kundi dalawa ang kanyang labanan.

Sa pabilog na entablado ay napapalibutan ito ng mga manunuod mula sa apat na Faction.
Hindi mawala ang ingay ng bawat disipulo at maraming mga di magandang salita ang narinig ni Zeuros para sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
Kahit ang tagapagsalita ay walang imik at tila sinusukat ang tapang ni Zeuros.
Itinaas ni Zeuros ang kanyang kamay upang patahimikin ang kapwa niya disipulo.
At nagsalita ito.
"Tama ang inyong nakita at siguro hindi naman kayo bulag upang hindi ninyo mauunawaan ito!"
"Dalawa ang nais kung kalabanin at wala itong nilabag na panuntunan tama ba ako elder?"
Ito ang paliwanag ni Zeuros na sinangayunan naman ito.
"Kung gayon ay hinahamon ko ang nasa pangatlo at pangalawang pwesto at tungkol naman sa unang pwesto ay mayroon siyang kalalagyan!"
Ito ang patamad na paliwanag ni Zeuros na lalong ikinagalit ng tatlong miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Para sa kanila ay nagyayabang lang ito at mapanghamak nila itong tiningnan.

Nanggagalaiti sa galit si Erwin Fayssan dahil sinabi sa kanya ni Zeuros.
Gusto niya itong sugurin at durugin ng pinung pino pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
Hindi ito banta sa kanya dahil para sa kanya ay basura lamang ito lalot sobrang layo ang agwat ng kanilang antas na lakas.
Habang ang dalawa nitong kasama ay ganoon din ang nararamdaman.
Pero binigyan sila ng paalala na huwag magkaapekto sa ipinapakitang ugali ni Zeuros.
Tatapusin nila agad ang laban lalot hindi nila kapantay ito sa antas na lakas kung pagbabatayan.
Ang dalawang ito ay parehong magpinsan at nagmula sa kilalang clan bilang mga noble.
Sa Capital City ay kilala ang Fangs Clan.
Ang dalawang binatang ito ay sina Edward Fangs at Edison Fangs.
Magkapatid ang kanilang ama.
At bilang isang Fangs Clan ay mayroong kaugnayan ang kanilang kakayahan sa isang Tigre.
Ang kakayahan nila ay liksi at bilis na parang hangin.
Sa mga nakaraang paligsahan ay walang gustong labanan ang dalawang ito dahil sa oras na gamitin nila ang kanilang kakayahan ay humahaba ang kanilang kuko sa kamay na tila pangkalmot ng isang tigre.
Isa ito sa kanilang abilidad mula sa kanilang Clan.

Sa kabila ng pag uugaling ito ni Zeuros ay nabahala ang kanyang kapwa disipulo.
Hindi sa wala silang tiwala pero para sa kanila ay mayroong mali at ito ang sobrang layo ng kanilang agwat sa antas na lakas kung pagbabatayan.
Isa pa malakas ang loob nito upang hamunin ang nasa Heaven Rank at kung iba ito ay hindi mag isip na sumuko na lamang.
Hindi na nagalinlangan ang dalawang miyembro ng Dragon Fearless Disciples at mabilis ito lumipad patungo sa entablado.
Sa paglapag ng kanilang paa sa sahig at lumikha ito ng kaunting lamat at alikabok.
Masama agad ang tingin nito kay Zeuros.
Ang tinging nakakamatay at tila hinahalukay ang kaloob looban ng kanilang kalaban.
Sa kabilang banda ay kalmado lamang SI Zeuros at nagawa pa niyang sulyapan ang limang disipulo sa ibaba.
Ito ang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect.
Kahit may kaunting kalayuan mula sa kanilang pwesto ay mabilis nila nakuha ang kilos nito.
Para sa kanila ay sobrang hambog ang disipulong ito mula sa Outer Faction at naghahanap ito ng kamatayan.
Gayunpaman ay ayaw nila gumawa ng anumang bagay na makakasira sa kanilang imahe.
Narito sila upang magmasid at makakuha ng ilang impormasyon.
Ang tagapagsalita ay kumilos na din upang simulan ang laban ng tatlo na hanggang ngayon ay nangingitngit ang kalooban ng dalawa kay Zeuros.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon