Chapter 13.

491 94 9
                                    

Ang isang malawak na lugar na kung saan ay okupado na ito ng mga kabataang kukuha sa pagsulit upang maging isang ganap na estudyante ng Dragon Heart Institute.
Nag iisa lamang ang paaralang ito sa capital city dahil itinatag ito ng dating Hari at Reyna ng Dragon Heart Kingdom.
Sa kasalukuyang kaharian ang namumuno nito ay ang unang prinsipe at kasama nito ang dalawa niyang kapatid na pawang mga prinsipe din.
Itinaguyod niya ng maayos ang pamumuno sa kaharian at isa na dito ang kanyang prayoridad ay ang pagtanggap at pagtuklas ng mga bagong kabataan para sa hinaharap.
Kaya isa na dito ang paaralang itinatag ng kanyang yumaong amang Hari at inang Reyna.
Kaya naman ay suportado niya ang Dragon Heart Institute at lagi siya sumusubaybay sa mga aktibidad nito maging sa maraming Sect.

Ang bawat sect na namumuno sa ibat ibang bahagi ng kaharian ay naging pundasyon ito upang maging matatag at protektahan ang kaharian.
Subalit hindi maiiwasan na mayroong alitan ang bawat isa sa kadahilanang ayaw magpatalo at gusto mangingibabaw ang isa dahil sa taglay nitong lakas at kapangyarihan.
Kaya naman ay nagkaroon ng paligsahan sa bawat pinamunuang sect at sino mang estudyante na mapipili mula sa Dragon Heart Institute ay malaking karangalan at benepisyong matanggap nito.
At sa limang sect na binubuo sa bawat teritoryo nito ay tanging nangunguna parin ang Pavilion Peak Sect.
Hindi pa ito nakakamit ng pagkatalo sa ilang taon paligsahan at lagi sila nangunguna.
At walang nagtatangkang kalabanin o hamunin ang mga ito.
Mayroon itong limandaang disipulo at sa limandaang ito at tanging sampung disipulo lamang kanilang isinasabak sa bawat paligsahan.

Ang pinuno o namumuno sa bawat sect ay may mataas na estado,pundasyon at higit sa lahat ang ranggong pinagsikapan nila na maabot upang protektahan ang nasasakupan.
Mga kayamanan na kanilang iniingatan at reputasyon ng kanilang itinatag na sect.
At ang mga talentadong kabataan ang kanilang sandata para sa tagumpay na inaasam ng lahat.
Gayunpaman ay isinaalang alang din nila ang kapakanan ng bawat clan ng mga kabataang nagiging disipulo ng kanilang sect.
Binibigyan din nila ito ng proteksyon at benepisyong matanggap.

Samantala ang mga kabataan ay nasa maayos na linya.
Mayroong tatlong linya na pahaba halos hindi bababa sa isang libo ang bawat linya na kinabibilangang clan.
At sa tatlong linyang ito ay mayroong nagbubukod tangi na nag iisang binata ang nakatayo ng matuwid at hindi niya alintana ang ipinupukol nitong mga salitang galing sa kapwa niya kabataan.
Hindi ito pinapansin ni Zeuros at seryoso ito nakatingin sa tatlong nilalang sa kanilang harapan.
Napansin naman siya agad nito at medyo nagulat sila ng kaunti dahil sa ilang taong ginagawa nila sa pagbubukas ng bagong pagsusulit ay ngayon lamang nagkaroon ng isang kabataan na walang kinabibilangan na clan.
At ang ibig sabihin nito ay maaari na wala na ang clan na ito o maaari din itinakwil siya nito
Pero ayaw nila ito husgahan at base sa kasuotan nito maaaring galing ito sa mayamang clan.

Naging maayos na ang lahat at kailangan na nila simulan ang unang pagsubok sa pagsusulit upang makausad ito sa susunod iliminasyon.
Ipinaliwanag ng dalawang elder kung ano ang dapat nilang gawin.
Binigyan din sila nito ng mga numero ng sa gayon ay hindi malito ang tagapagtala kung sino ang makapasa.
Isa din itong paraan upang malaman at makilala kung saang clan ka nabibilang.
Mayroong apat na numero sa panuntunan ito ay ang numero isa,dalawa tatlo at ang panghuli ay apat.
Ang unang numero ay para sa mga noble clan.
Ang pangalawang numero ay para sa aristocrat clan at ang pangatlo sa numero ay para sa ordinaryong clan.
Habang ang pang apat na numero ay nagbubukod tangi sa lahat dahil ito ang unang nangyari sa buong kasaysayan ng paaralang ito ang nagkaroon ng walang kinabibilangan na clan.
At ito ay para sa nagiisang binata na para sa pang apat na numero.
Madali lamang nila nakuha ang mga numero dahil na rin sa gabay at tulong ng mga guro dito.

Samantala sa itaas ng pasilyo ay mayroong mga nilalang o matatawag na sila ay mga estudyante din ng paaralang ito at gusto nila saksihan ang mga bagong kabataan na papasok at kukuha ng pagsusulit.
Sa libo libong kabataan na narito ay isandaan lamang ang kailangan makapasa at sa isandaan ay limampu ang kwalipikadong maging ganap na mag aaral ng Dragon Heart Institute.
At gaya ng mga estudyanteng ito ay dumaan din sila sa ganitong senaryo.
Kaya naman ay naabot nila ang mapabilang sa sampung listahan na malakas at henyong mag aaral dito.
Tinagurian silang Ten Slayer Council.
Binubuo sila ng sampung bilang at kada taon ay nagkaroon ng patimpalak upang hamunin ang kanilang posisyon.
Malaki ang mapakinabangan nilang binepisyo pag sila ay mapabilang sa Ten Slayer Council.
Sa kanilang bilang ay tanging nagbubukod at nag iisa ang mas mataas na ranggo sa kanila.
At ito ang nasa unang pwesto na kung saan ay isa na itong Epic Rank level 10 at malapit na ito sa pagiging legends rank.

Ang Ten Slayer Council ay mayroong limang Profound Rank at apat na Platinum Rank at isang Epic rank.
At kung pagbabatayan ang kanilang estado sa buhay ay magkakaiba.
May nasa noble clan, aristocrat clan at ordinaryong clan.
Pero hindi ito naging sagabal sa kanila sa kadahilanang mayroon silang dapat responsibilidad at mga pamantayan na dapat sundin.
Hindi rin sila pwedeng manakit ng kapwa estudyante at kung mangyari ito ay mapatalsik sila sa Council.
Ang una sa bilang ng Ten Slayer Council ay kabilang sa pangatlong noble clan sa capital city.
Ito ang Tiger Thunder Clan.
Kilala sa taglay na kakayahan bilang manipulahin ang kidlat at mabagsik na tigreng awra nito.
Sa edad na labing siyam ay isa ng Epic Rank level 10.
Ito ay si Ted Bundy.
Hindi niya inalis ang tingin sa isang binata na nakatayo sa gitna at kinikilatis niya kung sino ito.

Habang kinikilatis ni Ted Bundy si Zeuros at ang mga kasama nito ay naramdaman ni Zeuros ang mapanuring tingin ng grupong estudyante sa itaas ng pasilyo.
Naramdaman nito ang tingin na tagos sa kanyang kabuuan.
"Tsssk!"iling lamang ni Zeuros.
Naramdaman din nito kung anung rank ang grupong ito.
Sa buong kinasasakupan ng paaralang ito ay mas marami ang bilang ng mga nasa Pinnacle Rank sinundan ito ng Multiple Gold Rank at bihira ang nasa Platinum at Profound Rank.
At mayroong nag iisang nasa Epic Rank at hindi magtagal ay maabot nito ang Legends rank.
Nagkaroon tuloy ng interes si Zeuros sa grupong ito.
Ang hindi alam ni Zeuros ito ay ang grupong malakas sa buong Dragon Heart Institute.
Nananatili sila sa paaralang ito at kahit mayroong ibat ibang Sect na gustong kumuha sa kanila ay tinanggihan nila ito.

Ang hindi alam ng lahat na ang kasalukuyang ranggo ni Zeuros ay nasa heaven rank.
Pero itinago nya ito at ibinaba sa pinnacle rank level 10 ng sa gayon ay hindi magkaroon ng pagdududa at agaw pansin.
Isa rin itong paraan upang protektahan ang kanyang sarili.
Matapos ang ilang pagmuni muni ay umaalingawngaw ang isang boses sa buong paligid.
"Simulan na ang unang yugto ng pagsusulit!"
"Ang tatawaging numero ay umabante sa gitna upang magsimula!'"
Ito ang pahayag ng tagapasalita.
Ang institution master at dalawang elder ay nakaupo na ito sa kanilang pwesto.
Lumapit din ang sampung estudyante dahil mayroong nakalaang upuan sa kanila.
Kada taon ay hindi mawawala ang kanilang presensya upang saksihan ang mga bagong talentadong kabataan.
Sa pangunguna ni Ted Bundy at mga kasama nito ay malaking paghanga ang naramdaman ng bawat estudyanteng narito.
Pero para kay Zeuros ay hindi ito mahalaga sa kanya.

At sa unang hanay na tinawag ay ang numerong tatlo ay kabilang ito sa ordinaryong clan.
Ang Eden Valley Clan.
Isa lamang ito na maliit na clan at binubuo ito ng higit limangdaan na miyembro kasama at Head clan at elder nito.
Sila din ay mahusay sa larangan ng paggawa ng ibat ibang halamang gamot at ito ang tanging ikinabubuhay nila dahil sa lugar kung saan sila nakatira.
Mahusay din sila sa kalikasan dahil ito ang taglay nilang kapangyarihan.
Depende ito sa kabataang may taglay nito.
Umabante ang isang binata na nasa edad na labinganim na gulang at taglay nito ang maitim na buhok at maitim din ang mga mata nito.
Isa siya sa henyong kabataan sa lugar nila dahil naabot nito bilang isang Pinnacle Rank level 5 at kwalipikadong upang sumubok na mag aral sa paaralang ito.

Sa pag abante at pag akyat nito sa entablado ay nagkaroon ng pagbabago sa gitna nito.
Isa itong sorpresa sa gustong kumuha ng pagsusulit at hindi ito ipinaalam sa kanila kahit ang Ten Slayer Council ay hindi alam ito.
Mayroong lumitaw na isang malaking bato sa gitna at naguumapaw ang enerhiyang taglay nito.
Dahil dito ay napatingin si Zeuros dito.
"Emerald Iron Stone?"
Ito lamang ang kanyang nasambit na ikinalingon ng lahat dahil sa medyo napalakas yata ang kanyang pagkasabi.
Kahit ang mga noble, aristocrat at ordinaryong clan na kabataang narito ay hindi nila alam kung ano ang bagay na bigla lamang lumitaw sa harapan ng binatang nasa Eden Valley Clan.
Kahit siya ay hindi alam at kung ano ang bagay na ito.
Pero nakita niya na isa itong bato.
Ipinaliwanag ng tagapasalita kung ano ang gagawin sa batong nasa harapan niya.
At agad niya nakuha kung ano ang dapat gagawin.
Ito ay labanan ang enerhiyang taglay nito at kailangan masira at mabasag ang batong ito.
Kahit masira at madurog ang batong ito ay muli itong mabubuo dahil gawa lamang ito sa ilusyon.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon