Sa loob parin ng dimensional ring ay tila nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Zeuros at sa nilalang na hindi mawala ang pagkagulat nito.
Lalo ito nagulat at hindi makapagsalita dahil sa biglaang paglitaw nina Ariston at Minerva.
At kahit sa pagdating ng dalawa ay medyo nagulat din sila at bahagyang umatras saglit at yumukod sa harapan ni Zeuros.
Nagbigay galang sila dito.
"Maligayang pagbabalik,munting panginoon!"
Ito ang bati ng dalawa na lalong ikinalito ng nilalang na kasama nila.
Sumulyap naman si Ariston sa nilalang at hinarap ito.
"Sadyang maliit ang mundo o di kaya ay malawak!"
"Banak,Hindi ko akalain na muli tayong nagkita?"
"Sa loob ng mahabang panahon ay hindi na ako umasa na masilayan kang muli at dito ka lang pala nagtatago?"
Ito ang kanyang sinabi sa nilalang na Banak,ang pangalan.
Humarap muli si Ariston kay Zeuros ay sinabi nito tungkol sa nilalang na kasama nila.
"Munting panginoon,huwag kayong mag aalala dahil kilala ko ang taong ito,matagal na kaming magkasama noong nasa hidden realm pa kami!"
"Isa din siya sa napiling tagapasalita sa palasyo ng iyong ama at dahil sa pananakop ng Dark Demon ay nagkahiwalay kami!"
"Si Banak ay masugid ko ding kaibigan noong mga panahon na iyon!"
"Patawad munting panginoon dahil sa hindi ka nito nakilala!"
Bahagyang yumukod ulit si Ariston.
Pinandilatan nito ng mata si Banak upang gayahin ang kanyang ginagawa.Nasa ganoong sitwasyon si Banak ay hindi parin niya makuha at maiintindihan kung bakit tinatawag itong munting panginoon ang binatang nasa harapan nila.
Gayunpaman ay sumunod parin siya kahit mayroong alinlangan sa sarili.
Kilala niya si Ariston dahil sa halos higit pa sa kaibigan ang turing nila sa isat isa.
Habang tumatagal ay mayroon siyang napansin sa binatang nasa harapan niya at huli na niya ito natuklasan.
Hindi alam ni Banak ang gagawin dahil sa kanyang natuklasan.
"Panginoon?"
"Ikaw na ba iyan?"
"Pa_paanong nangyari at bumata kayo ng ganyan?"
Marahan pa itong lumapit kay Zeuros na ikinabigla naman ni Ariston sa inasta ni Banak.
"Buhay ka panginoong Zeus?"
Ito lamang ang lumabas sa bibig ni Banak.
Lumapit sa kanya si Ariston ay itinulak sa isang tabi.
"Alis,ano ba ang pinagsasabi mo Banak?"
"Palibhasa kasi puro pagtatago ang ginawa mo kaya wala kang alam sa nangyari!"
"Hindi mo ba nakikita ng iyong mata?""Siya ang anak ng ating panginoon,siya si munting panginoon Zeuros!"
Ito ang sabi nito kay Banak.
Umismid naman si Banak sa kanya.
"Eh,bakit ka naman nanunulak?"
"Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita!"
"Hmph!"pa papel ka talaga kahit kailan!"
Ito ang bungad sa kanya ni Banak.
Nagbangayan na ang dalawa sa harap ni Zeuros.
Maging sina Minerva at Black ay pinagmasdan lamang ang dalawa.
Sumenyas si Zeuros na iwanan na lamang ang dalawa at mabilis ito lumipad patungo kay Black na agad naman umalis ang tatlo kasama si Minerva.
Naramdaman naman ng dalawa ang pag alis nila kaya natigil ang bangayan ng dalawa.Ang tatlo ay lumapag sa malawak at patag na damuhan.
Ito ang lugar na kung saan ay maraming mga mythical beast.
Nang maramdaman ito ng mga mythical beast ang presensya ng kanilang munting panginoon ay agad sila nagsiyuko at nagpugay.
"Maligayang pagbabalik,munting panginoon!"
Ito ang sabay nilang pagbati.
Dumating naman ang dalawa na sina Ariston at Banak na nagbangayan parin hanggang ngayon.
Dahil dito ay pumagitna na si Black bsa kanila.
"Ayaw nyo ba magsitigil?"
"Gusto nyo sunugin ko na lang kayong dalawa ng matahimik na?"
Dahil sa sinabi ni Black ay tumigil ang dalawa ay humingi ng paumanhin kay Zeuros.
Tahimik lamang ito dahil alam niya na naninibago pa si Banak kaya naintindihan ito ni Zeuros.
Sinabi niya sa lahat na aalis muna siya at babalik sa ibang araw.
Habilin sa lahat ay magkasama na walang away sa isat isa.
Napailing lamang si Zeuros dahil kahit mga mythical beast ay magkakaroon din ng di pagka unawaan.
Naglaho si Zeuros at nasa loob sya ng kanyang kwarto lumitaw.
Inayos niya ang kanyang sarili dahil ito ang araw ng dwelo sa pagitan ng bawat faction.Sa isang malawak na espasyo at pabilog ang hugis nito.
Sa bawat gilid ay mayroong kanya kanyang pwesto ang bawat faction na pinangunahan ng kanilang faction master.
Sa likuran naman nito ang kanilang mga disipulo habang nasa harapan naman ang limang napiling kandidato sa naturang dwelo.
Habang ang dalawang grandmaster ay katabi nito ang kanilang Patriarch sa gitna ng nakahilerang mga faction master.
Sa harapan ng pabilog na hugis ay naroon ang kanilang tagapasalita at hawak nito ang apat na mahabang itim na kahoy na kung saan ay nakasulat doon ang mga disipulo sa ibat ibang faction.
Bawat faction ay mayroong pwesto .
At gaya nga ng nangyari ang bawat faction disipulo ay agresibo.
Ang conclave faction ay ayaw magpatalo ay sa oras na itinakda ay gagawin nila ang lahat.
Ang bawat isa ay nakaramdam ng tensyon sa buong paligid.
Dahil ito ang araw na itinakda upang mapatunayan ang lakas ng bawat disipulong lalaban sa dwelo.
Ito ay sukatan ng lakas at kakayahan sa pakikipaglaban.
Ito din ang pamantayan upang mapili at makapasok sa kwalipikadong kandidato sa isang kompetisyon sa buong sekta na malapit ng idaos.Samantala sa isang bahaging lugar pa rin na kung saan ay nakapwesto ang isang faction at tahimik itong nakikinig sa bawat sinasabi ng tagapasalita.
Ito ang Outer Faction.
Sa pangunguna ni Outer Faction Master Zakaria Paloma.
Kasama naman nito sa likuran ang limang napiling disipulo na lalaban sa dwelo.
Ang limang napili sa Outer Faction ay isa na dito si Zeuros.
Kasama ang apat nitong kasama na halos senior brother na.
Isa si Yum Amelek.
Si Eldon Yuri ay hindi napili pero mayroong posibilidad na makuha ito sa biglaang sitwasyon.
Ang tagapasalita ay handa na upang tawagin kung sino ang unang magdwelo sa gitna na entablado at binasa nito ang nakalagay sa hawak niyang mahabang itim na kahoy.
"Ang unang maglalaban ay mula sa Conclave Faction at ang magiging katunggali nila ay mula sa Core Faction!"
"Ang limang kalahok sa bawat faction ay maaari ng umakyat sa entablado!"
"Lima laban sa lima ito ang magiging panuntunan sa dwelong ito!"
"Lakas ng katawan,kakayahang taglay ito ang magiging sandata ninyo!"
"Ipinagbabawal ang pag gamit mg sandata,at patayin ang kapwa disipulo!"
"Ang kusang susuko sa bawat panig ay doon ang batayan kung sino ang panalo!"
"Maliwanag ba?"
Ito ang paliwanag sa kanila ng tagapasalita bago tuluyan na umpisahan ang laban.
Sa bilang ay sampung disipulo ang makikita sa malaking entablado at sabay sila maglaban.Ang sampung disipulo sa dalawang faction ay magkaharap na mayroong tatlong metro ang layo nito.
Magkaharap sila at bawat isa sa kanila ay inaasam ang pagkapanalo.
Subalit para sa mata ng lahat ay alam na nila kung sino ang mananaig sa labang ito.
Sa panig ng Conclave Faction ay mayroong apat na nasa epic rank at isang legends rank level 5 habang ang Core Faction ay mayroong dalawang epic rank, dalawang platinum rank at ang isa ay profound rank.
Kung pagbabasehan ay malayo ang agwat ng kanilang antas.
Pero hindi sila susuko at ito ang kanilang pagkakataon upang ipakita sa lahat ang kaya nilang gawin.
Ayaw nila mapahiya sa kapwa nila disipulo at sa kanilang master.
Sa panig naman ng conclave faction ay kampante na sila ang mananalo sa pagkakataong ito.
Gusto nila ipakita sa lahat ng faction na walang makakatalo at makapantay sa kanila.
Ang hindi alam ng lahat ito din ang oras nila upang magapi at malapit na ito mangyayari.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Ficción históricaHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...