Chapter 31.

500 91 6
                                    

Matapos ang pagpataas ng antas ni Eldon Yuri ay naramdaman ito ni Zeuros sa kabilang kwarto.
Masaya siya para rito pero hindi pa ito sapat kaya kailangan parin nito ng ibayong pagsasanay at pagnilay.
Masyadong manipis ang essence dito sa lugar na ito.
Pero mabisa din ito kaso mabagal ang ganitong sistema o paraan.
Binigay niya ang enhancing breakthrough pills kay Eldon Yuri para lumakas ito.
Marami siyang paraan para tumaas ang kanyang antas.
Sa ngayon ay kailangan niya itago ang totoong lakas niya na kahit sa mata ng iba ay mayroong nagdududa.
Ibuhos na lamang niya ang kanyang oras sa pagsasanay sa dimensional ring.
Sa ngayon ay kailangan niya pag aralan ang kabuuang lugar ng sekta na ito dahil sa hindi niya kabisado ang ilang lugar.
Nang sa gayon ay maging pamilyar siya dito.

Si Eldon Yuri ay ganap ng multiple gold rank level 1 mula sa dating Pinnacle Rank level 5.
Mas mataas siya ng isang ranggo kay Zeuros na lingid sa kaalaman ng lahat ay isang heaven lord  rank level 10 si Zeuros at isang hakbang na lang patungo sa heavenly rank.
Nang matapos ang pagpapataas ng antas na lakas ni Eldon Yuri ay pinagtutuunan naman nito ang isang kanipisang libro na kasama sa kahon ng binigay sa kanila.
Ito ay mga pagsasanay tungkol sa swordmaster technique.
Ang swordmaster technique at skills ay mayroong bilang ng antas.
Gaya nitong Sword Destroyer Slash,
na mayroong limang stage.
Kailangan mo muna sanayin ang unang stage bago sa susunod hanggang sa mapag aralan mo lahat.
Binasa nya lamang ito at tinandaan ang bawat aspeto nito.
Sa ngayon ay hindi niya ito masasanay dahil sa wala siyang sandata.
Pinag aralan lamang niya kung paano ito gagawin at ang paggalaw sa bawat pag atake.

Kung abala si Eldon Yuri sa kanyang pagsasanay ay ganito din ang nangyayari sa kabilang kwarto.
Walang inaksayang oras si Zeuros at agad ito pumasok sa lob ng isang lagusan .
Ito ang Dimensional ring na kanyang kinontrol upang magkaroon ng lagusan na natutunan niya kumakailan lang.
Sa kanyang pagpasok ay sumalubong agad sa kanya si Black at dinidilaan nito ang kanyang pisngi.
"Ha ha ha,black na miss mo na ba ako?"
Tanong nito sabay himas sa ulo nito na ikinayuko naman ni Black.
Nagustuhan nito ang ginagawa sa kanyang ng kanyang panginoon.
Nilibot niya ang buong paligid pero di niya makita si Ariston,marahil ay nasa ibang lugar ito at naglibot.
Kahit si Minerva at ang batang fox ay wala din.
Tinungo na lamang niya ang isang lugar na kung saan nandoon ang Energy Vines Stone.
Nilakad lamang niya ito habang nakasunod sa kanya si Black.

Ang Energy Vines Stone ay paikot ikot ito sa kanyang pwesto.
Nang makita ito ni Zeuros ay agad niya ito kinontrol at tumigil ito.
Agad umupo si Zeuros sa gitna at sinimulan ang paghigop ng mga essence sa paligid.
Sa sobrang kapal ng essence na narito ay madali lamang tumaas ang kanyang antas na lakas.
Ipinikit niya ang kanyang mata at pinakiramdaman ang buong paligid.
Nagsimula na siya sa pagsagap ng mga essence sa paligid.
Bahagyang lumiwanag ang kanyang katawan at ang bawat halaman,puno,damo,mga bato,at kahit mga bulaklak ay naglabas ito ng mga enerhiya patungo kay Zeuros.
Mabilis bumulusok ang mga bilog na liwanag at isa isa itong pumapasok sa loob ng katawan ni Zeuros.
Habang nakapikit ang mata ni Zeuros ay nararamdaman niya  na unti unting dumadami ang enerhiya sa loob ng kanyang katawan.
Naglabas na rin ng puting liwanag na bumabalot sa buong katawan niya.
Sa patuloy na pumapasok ang mga essence sa kanya ay hindi na nito mapigilan ang tila ba gustong kumawala sa kaloob looban niya.

Malawak ang dimensional ring.
Para isa itong mundo na binubuo ng mga malawak na kapatagan,bundok, kagubatan,dalampasigan,talampas,
mga ilog,bulkan at halamang damo na dito lamang makikita.
Lahat na ito ay tila isang paraiso na walang ibang nilalang na nakatira maliban sa mga mythical beast at si Ariston kasama nito si black.
Isa na rin dito ang naging kaibigan niya na si Minerva at Jero.
Marami pang lugar sa loob ng dimensional ring ang hindi pa niya nalibot.
Makapangyarihan talaga ang ama ni Zeuros dahil nakabuo siya ng ganitong kayamanan.
Ang lakas na enerhiya na nagmumula kay Zeuros ay hindi ito nakaligtas sa malayong lugar na kung saan naroon sina Black at Ariston.
Kasama nito ang mga mythical beast.
Mabilis ang naging kilos ng mga ito upang alamanin kung saan galing ang enerhiyang naramdaman nila.
Mabilis silang lumipad sa himpapawid.

Ang malakas na enerhiya ay mabilis matukoy ng mga mythical beast.
Sa taglay nilang kakayahan ay agad nila ito narating.
Sa isang iglap ay sumulpot na rin sina Black at Ariston.
Sa kanilang pagdating ay agad nila nakilala kung sino ang pinagmulan ng malakas na enerhiya.
Ilang metro ang layo nila mula sa kinaroroonan ni Zeuros ay gumawa agad na matibay na harang si Ariston.
"Wwwooossshhh!!!Bang!!"
Isang pagsabog ang naganap at nagkaroon ito ng shockwave na tinangay ang mga halaman at punong kahoy na nagsitumba.
Halos kalahati sa buong lugar ay rumagasa ang shockwave.
Ilang minuto ang lumipas ay humupa na ang malakas na enerhiya at naging payapa ang paligid.
Nanatiling nakapikit ang mata ni Zeuros at ito lamang ang kanyang narinig.
"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!"

"Rumble!"

Tumaas ng anim na beses ang kanyang antas na lakas.
At ngayon ay isa na siyang Heavenly Rank level 6.
Naramdaman niya ang kakaibang pagbabago sa kanyang sarili.
Isang saglit ay idinilat niya ang kanyang mata matapos ay nilibot ang tingin sa buong paligid.

Samantala ay ipinawalang bisa ni Ariston ang harang at nagpakita sila sa kanilang panginoon.
At naramdaman ito ni Zeuros ang ilang presensya mula sa di kalayuan.
Mabilis lumipad si Black at sumulpot ito sa harap ni Zeuros.
Pagkalapag nito sa lupa ay agad ito dinamba si Zeuros upang mapahiga ito sa damo.
"Ha ha ha Black!!"
"Ang kulit mo,kumusta ka na?"
"Na miss mo agad ako?"
Tanong ni Zeuros dito habang hinihimas nito ang ulo ng dragon.
Dinilaan naman nito ang pisngi ni Zeuros.
Kahit napuno na ito ng laway mula kay Black ay hindi man lang nandiri dito si Zeuros.
Lumapit din sa kanya si Ariston.
Nakita din nito sina Jero at Minerva na nasa likuran.
"Narito kayong lahat!"
"Masaya ako at nagkita tayo dito!"
Binalingan nito si Minerva.
At mayroon itong tinanong.
"Minerva,,,gaano ba kalawak ang lugar na ito at sa tingin ko ay mas marami pang ganitong lugar kung ikutin natin ito?"
Ito ang tanong niya dito.
Pero sa mukha ni Minerva ay medyo nadismaya ito.
Saglit ay yumukod ito sa kanya.
Hindi ito makatingin ng diretso.

Sa pagyukod ni Minerva ay nakaramdam ng pagkabahala Zeuros.
Lumapit siya dito at pinatayo ng maayos.
"Panginoon,patawad pero di ko masasagot ang iyong mga katanungan'"!
"Ang lugar na ito ay sadyang malawak at mahiwaga.
Maraming mga harang ang nakapalibot sa buong lugar."
"Isa pa panginoon marami na kami na magtangka upang wasakin ang haraang sa bawat sulok subalit bigo kami dahil sa kakaibang harang dito.!"
"Marahil ay mahina pa kami at hindi namin magawang sirain ito.
Ito lamang ang paliwanag ni Minerva.
Bahagyang tumango si Zeuros.
Sinabi ni Zeuros sa kanila na huwag silang mag aalala at gagawin niyang sirain ang harang na ito upang malaman kung ano ang nasa loob ng harang na kasalukuyang hindi nila alam kung ano ang nasa loob nito.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon