Chapter 39.

437 89 6
                                    

At gaya nga sa nais mangyari ay nagsimula na ang laban sa pagitan ng dalawang faction.
Taglay na kakayahan at lakas ang ipinakita ng lahat.
Sa panig ng Conclave Faction ay masasabing sila ang nakaungos sa labang ito.
Sa angking bilis ng isang legends rank level 5 ay walang magawa ang dalawang nasa epic rank mula sa Core Faction.
Bukod sa bilis nito ay mayroong kakayahang lumipad at maglaho.
Hindi parin nakitaan ng pagsuko ang nasa core faction.
Lumipas ang ilang minuto ay halos nauubusan ng lakas at enerhiya ang disipulo ng core faction.
Ang antas sa pagitan nila ay malayo kaya madali lamang sila magapi at sa huli ay ang conclave faction ang nanalo matapos na wala ng kakayahang lumaban pa ang nasa core faction dahil sa sobrang pagod.

Ang sumunod na laban ay tinawag ng tagapasalita sa nabunot nitong pangalan at ang Inner Faction ang lalaban pero ang makakalaban nila ay ang Conclave Faction ulit.
Hindi na magawang bumaba sa entablado ang disipulo mula sa Conclave Faction at hinihintay nila ang limang disipulo mula sa Inner Faction.
Alam ng lahat na ang Inner Faction ay pumapangalawa sa malakas na faction sa buong Sacred Azure Sect.
Ang limang disipulo ng inner faction ay binubuo ng apat na epic rank level 5 at isang legends rank level 1.
Masasabing halos pantay lang ang kanilang ranggo.
Isa itong magandang laban dahil pareho lamang ang antas ng kanilang lakas.
Dito din malalaman kung paano at ano pa ang ipakita nilang kakayahan.
Mabilis umakyat ang disipulo mula sa Inner Faction at agad hinarap ang limang disipulo ng conclave faction.
Sa bawat taon ay mayroong kompetisyon sa apat na faction at kung sino ang mananalong faction ay makukuha nito ang isang jade token ng Sacred Azure Sect.
Ang Jade Token,ay isang malaking prebiliheyo at benepisyo kung sino ang mayroong hawak nito.
Gaya ng malaya sila makalabas pasok sa sekta na hindi na kailangan pang magpaalam.
Higit sa lahat mga kayamanang hindi kailangan bayaran gaya ng pills,potion,at armaments na depaende sa kung anong uri ito.
At ang may hawak ng Jade Token ay nasa kamay ng conclave faction dahil sila ang nangunguna sa lahat.
Kaya gayon na lamang ang asam ng nasa Inner Faction na makuha nila ang Jade Token sa tuwing mayroong kompetisyon.

Hindi na pinatagal ng tagapasalita ang oras at agad sinimulan ang laban.
Binigyan sila nito ng tamang tyempo at saka nilisan ang entablado.
Ang bawat limang disipulo sa dalawang faction ay magkaharap at wala pa ni isa sa kanila ang gumalaw at kumilos.
Unang gumalaw ang nasa conclave faction at ito ang may mataas na ranggo sa kanila.
Ang nasa Legends rank level 5.
Umangat ito paitaas at agad nagpakawala ng kanyang kakayahan.
Mayroong namuong pwersa sa kanyang palad at puntirya nito ang nasa ibaba.
Sa disipulo ng inner faction.
Dahil sa kanyang kilos ay mabilis din ang reaksyon ng isang nasa Legends rank level 1 sa inner faction at gumawa agad ito ng isang barrier upang hindi matamaan ang kanyang mga kasama.
Nagtagisan ang pwersa sa magkabilang panig.
Pero sa huli ay nanaig parin ang lakas ng mga disipulo mula sa Conclave Faction.
Isang nakakabinging pwersa ulit ang pinakawalan ng nasa panig nila upang mawalan ng pagkakataong lumaban pa ang mga disipulong mula sa Inner Faction.
Dahil dito ay muling nanalo ang conclave faction.

Ipinagpatuloy ang laban at wala ng ibang lalaban kundi ang natirang faction.
Ito ang Outer faction.
Alam ng lahat na ito ang pinakamahina sa lahat na faction.
Marami ang pumapasok sa isipan ng lahat kung mananalo ba ang Outer faction mula sa Conclave Faction na halos tinalo nito ang dalawang katunggali.
Sa agwat ng kanilang antas na lakas ay masyadong malayo ito.
At sa tingin ng lahat ay walang pag asang manalo ito sa kanilang laban.
Gayunpaman ay hindi naman sila pwedeng umatras lalo't nat ang outer faction ang nanalo mula sa unang eliminasyon.
At ito ang pinag ugatan mg lahat sa maagang dwelo na marami ang nagprotesta at pinaratangang nandaya ang mga disipulo mula sa outer faction.
Hindi na pinatagal at agad tinawag ang natirang faction upang harapin ang disipulo ng conclave faction.
Hindi na rin nila inantay upang tawagin ang pangalan nila dahil alam naman nila na sila ang susunod na lalaban sa entablado.
Maraming mga bulung bulungan sa paligid pero hindi nila ito pinansin pa at mabilis umakyat sa entablado sina Zeuros kasama ang dalawang senior brother nila at iba pa.
Hindi napili si Eldon Yuri at suportado niya ang kapwa disipulo nito.

Magkakaharap ang maglalaban sa gitna ng entablado at nagkaroon agad ng tensyon sa pagitan nila.
Isang mapanghamak na tingin ang ipinukol ng mga disipulo mula sa Conclave Faction.
Ibinalewala lamang nila ito.
Sa kabuuan ay mas lamang parin ang nasa panic mula sa Conclave Faction kung sa antas na lakas ang pagbabasehan at ito ay nakikita naman ng lahat.
Nasa gitnang bahagi si senior brother Yum Amelek na katabi naman ito ni Zeuros.
Makikita sa mukha nito ang seryoso habang kaharap nila ang nagiisang legends rank level 5.
Aminado na dehado sila sa dwelong ito pero gagawin na lamang nila kung ano ang nararapat.
Habang nagsusukatan ng tingin sa magkabilang panig ay isang lihim at hindi nila nakikitang liwanag ang pinakawalan ni Zeuros patungo sa kanyang mga kasama.
Binalot nito ang buong katawan nila.
Ang apat ay nakaramdam naman ng kaginhawaan at nagtaka naman sila dito dahil sa naramdaman nila na tila lumakas sila.
Pero hindi nila ito pinansin.
Sa panig ng Conclave Faction ay agad na din ito kumilos upang simulan ang kanilang laban.

Mula naman sa itaas ng entablado ay nararamdaman nila ang tensyon sa dalawang faction.
Sa tingin ng dalawang grandmaster ay walang pag asang manalo ang outer faction mula sa kamay ng conclave faction.
Pero para sa kanilang Patriarch na isang ngiti ang sumilay sa labi nito.
Ngayon niya malalaman ang misteryosong mangyayari.
Habang ang si Outer Faction Master Zakaria Paloma ay nangangamba sa maaaring mangyari sa kanyang disipulo.
Sa loob ng mahabang panahon ay lagi sila natatalo sa faction na ito.
Alam nila ang kapasidad at kung ano ang kayang gawin ng nasa conclave faction.
Ang isang legends rank level 5 sa hanay ng conclave faction ay mabilis nito pinangunahan ang galaw upang kumilos na din ang apat nitong kasama.
Agad nagpakawala ito ng malakas na pwersa upang puntiryahin ang isa sa malakas na disipulo ng Outer Faction.
Isang nasa epic rank level 10 at malapit na ito sa pagiging legends rank.
Sa hanay ng limang disipulo sa Outer faction ay naging alerto sila sa paparating na pwersa.
Dalawang nasa epic rank,isang platinum rank,isang profound rank at isa na dito si Zeuros na nasa multiple gold rank level 2.
Ang kabuuang antas ng kanilang lakas ay sobrang layo kung ito ihahambing.
At masyadong malaking layo ang kanilang agwat sa isat isa.

Ang liwanag na pinagsamang pwersa mula sa disipulo ng conclave faction ay mabilis bumulusok patungo sa kinatatayuan nina Zeuros.
Nakikita nila na nasa itaas ang nag iisa nitong legends rank at ang mga enerhiyang nagmumula sa kanya ay galing sa apat niyang kasama upang suportahan siya.
Dahil dito ay lalong nag aalab ang enerhiya nito upang makagawa ng ganitong marahas na pwersa.
Sa mata ng mga manunuod kabilang na dito ang apat na Master ay walang ligtas ang nasa hanay ng outer faction at magdudulot ito ng malaking pinsala sa kanila.
Ang paparating na rumaragasang pwersa ay mabilis at halos na harapan na nina Zeuros.
Kahit si senior brother Yum Amelek ay nanlaki ang mats at hindi agad nakagawa ng hakbang upang pigilan ito.
Subalit bago ito tumama sa kanila ay isang sorpresang nangyari na ikinagimbal ng lahat.
"Wwwooossshhh!!!Bang!!"
Sa isang kisapa mata ay biglang nawala ang pwersang tatama sana sa kanila.
Bigla itong nawala sa isang hawi ng kamay ni Zeuros.
Dahil dito ay napatayo ang apat na faction master sa nakita maging ang mga disipulo nakakita at nagulat at hindi sila makapaniwala.
Kahit ang kasamahan ni Zeuros ay hindi makapagsalita lalo na si senior brother Yum Amelek.
Napanganga lamang ito.
Si Patriarch Verson Goh ay kalmado lamang at parang wala lamang sa kanya ang mga nangyari.
Ito ang kanyang hinihintay na makita ang kakayahan ng nagiisang disipulo na misteryoso parin ang pagkatao nito at hindi siya nagkamali sa iniisip.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon