Chapter 23.

537 84 8
                                    

Naging abala ang buong institution dahil sa araw na ito mismo gaganapin ang huling yugto ng pagsusulit.
Sa limangdaang kalahok ay naging isandaan na lamang.
Sa isandaan dalawampu lamang ang maaaring magpatuloy at maging ganap na estudyante ng Dragon Heart Institute.
Sa dalawampu na magiging estudyante ay hahatiin pa ito sa lima.
Ang bawat limang estudyante ang kabilang o magiging miyembro ng naturang faction.
Ito ang inner, core,outer,at conclave.
Maaari din ito magbago kung sakaling mayroong kukuha sa kanila na kabilang sa ibat ibang Sect ng kaharian.
At mapabilang sila sa ganitong sistema ay kinakailangan nila ipakita sa lahat na karapat dapat sila sa mga titulong ito.

Sa ilang araw na rin ang lumipas ay walang ibang ginawa si Zeuros kundi ang magsanay sa kanyang pambihirang kayamanan.
Kasalukuyang nasa loob siya ng dimensional ring.
Kasama niya ang libo libong mga mythical beast.
Naroon na rin si Ariston at si Black na pinapanuod siya nito habang nagsasanay.
Hindi rin mawala ang presensya ni Minerva na isang earthworm serenade.
Kasama din nito ang isang batang fox ito ay si Jero.
Ang Purple Nova Tailed Fox.
Pinapanuod din siya nito habang kasama ang ina nito.
Ang kabuuang anyo at awra ni Zeuros ay binabalutan ng gintong liwanag habang sa kanyang kamay ay hawak nito ang isang mahaba at matulis na sandata.
Ito ang legendary weapon.
Ang Silver night Spear.
Ang sandatang ito ay isa sa mga kayamanan na kanyang nakuha mula sa kanyang totoong magulang.
Kaya ito ay nagustuhan dahil iba ang pakiramdam niya sa sandatang ito.
Mayroon itong taglay na spirit power.

Pawisan at tumagatak ang pawis ni Zeuros pero hindi niya ito alintana.
Patuloy siya sa pagwasiwas pataas,patusok at paikot ng kanyang Silver night Spear.

"[Nigtangle speed Art]"
"Destroyer Evolution!"

Ito ang sigaw at isang malakas na enerhiya ang kanyang pinakawalan galing sa Silver night Spear at lumikha ito ng pagsabog sa kung saan.

"Woosshh!!"Bang!"

Ito lamang umaalingawngaw sa buong paligid.
Humihingal si Zeuros sa pinakawalan niyang skills na hindi pa niya masyado napag sanayan ng maayos.
Kailangan pa niya ng panahon upang maperpekto ito.
Pagkatapos ay naghanap siya ng lugar upang magnilay at pataasin pa ang kanyang antas na ranggo.
Pumuwesto na si Zeuros sa madamong lugar at umupo ng palutos.
Ipinikit nito ang kanyang mata at inumpisahang hinigop ng natural na essence sa paligid.
Masagana sa ibat ibang essence sa lugar na ito kaya hindi siya nagsayang ng oras.
Maraming mga bilog liwanag ang isa isang pumasok sa loob ng kanyang katawan na magsimula ng balutin si Zeuros ng nakakasilaw na anyo.
Ilang minuto ang lumipas ay maraming nabuong enerhiya sa loob ng katawan ni Zeuros at handa na niya itong pakawalan.
"Wwwooossshhh!!!"
Nahliliparan ang mga nagkalat na dahon upang tangayin ito sa kung saan.
Marahas na hangin ang pumapaikot sa buong katawan ni Zeuros ay nagkalat ito sa buong paligid.
At kumawala na ang naipong enerhiya nito.

"Rumble!"
"Rumble!"
"Rumble!"
"Rumble,!"
"Rumble!"

Ito lamang ang kanyang narinig matapos kumalat at kumawala ang enerhiya mula sa kanya.
Hindi naman naapektuhan ang mga nakakita sa nangyari sa kanya.
Marahil ay kontrolado na nila ang lugar na ito.
Matapos ay idinilat nito ang kanyang mata at tumayo.
Naramdaman niya ang pagtaas ng kanyang ranggo na Heaven Lord Rank level 10 mula sa dating level 5.
Sa susunod niyang pagsasanay ay malapit na siya makaapak sa susunod na ranggo.
Itinago pa rin niya ang totoo niyang ranggo bilang isang Pinnacle Rank level 10.
Sinadya niya ito upang hindi siya agaw atensyon ng lahat.

Mabilis lumipas ang ilang araw at ito ang araw ng huling pagsusulit na gaganapin sa loob ng institution.
Sa malawak na bahagi ng institution ay makikita ang isang pabilog na field arena na kung saan ay makikita naman sa gitna nito ang isang pabilog din na entablado.
Sa entabladong ito gagawin ang dwelo sa pagitan ng dalawang magkatunggali.
Tama ang huling pagsusulit ay sukatan ng lakas,tibay ng pangangatawan at higit sa lahat ang kakayahang taglay ng bawat kalahok.
Binibigyan din sila ng pagkakataon upang gumamit ng mga sandata hanggat kaya nila ito gamitin.
Bawal ang pumatay at kinakailangan nila itong pasukuin upang malaman na tapos na ang kanilang laban.
Kaya naman ay abala ang pamunuan ng institution sa magaganap na bahagi sa huling pagsusulit.
Marami ang dumalo upang saksihan ang prehistityusong pagpili at pagtanggap ng bagong estudyante.
Hindi na dumalo si Haring Demetrius Ivory dahil kailangan na nitong bumalik sa White Palace.

Ang isandaan na kalahok ay magpapakitang gilas at ipamalas sa huling pagkakataon.
Ito ang kailangan nilang gawin upang patunayan nila sa kanilang sarili.
Ang bawat Sect sa kaharian ay narito kahit ang city lord sa bawat lugar ay dumalo na rin.
Malawak ang pwesto na kinaroroonan ng mga mahalagang bisita na mayroong sariling upuan ang mga ito.
Syempre ang nasa pinakagitna nito ay ang institution master na si Clyde Edwards.
Hindi rin mawawala ang mga elder guro,at ilang manggagamot na magresponde kung sakaling may masamang nangyari sa bawat kalahok.
Hindi rin mawawala ang presensya ng Ten Slayer Council.

Ang panuntunan sa huling pagsusulit ay kailangan nilang pumili isang kulay na makikita sa harapan ng tagapasalita.
Marami silang makikitang tela na nakasabit at ibat ibang kulay ito.
Maaari lamang sila pumili ng isang kulay at doon nila malalaman kung sino ang magiging kalaban nila.
Dahil nakasulat doon ang pangalan ng bawat kalahok.
At kung sino man ang matalo sa isa kanila ay hindi na ito maaaring lumaban na at awtomatikong tanggal na sa naturang pagsusulit.
Maraming mga kabataan ang narito na mga estudyante na ng institution at ilang clan na dumalo upang suportahan ang kanilang pambato.
Narito sila upang saksihan at malaman kung sino ang natatanging kalahok ang makikitaan ng potensyal.

Halos handa na ang lahat ay oras na upang simulan ito.
Maraming paalala ang tagapasalita sa bawat kalahok bago ito tawagin ang kalahok na lumaban.
Mayroon siyang hawak na papel at nakalagay dito ang pangalan ng isandaang kalahok na kasali sa huling pagsusulit.
Tumunog ang ugong ng trumpeta na katunayan ay nagsimula na ang laban.
Habang umaalingawngaw ang ugong ng trumpeta sa buong arena ay abala naman lahat na may kanya kanya silang komento.
"Institution Master Clyde Edwards,sa tingin mo sino sa kanila ang makikitaan ng pambihirang talento!"
Ito ang tanong sa kanya ni Pavilion Peak Sect Anacleto Samuel.
Agad b naman lumingon si Institution Master Clyde Edwards sa katabi nitong Patriarch ng Sect.
"Sa ngayon ay masasabi ko na isang sorpresa sa atin kung sino man sa kanila,ang mahalaga ay nagawa nila ang kanilang parte sa pagsusulit na ito!'"
"Gayunpaman ay may isa sa sumagi sa akin at ito ay ang binatang walang kinabibilangan na Clan!"
"Pero masyado pang maaga upang bigyan siya ng importansya!"
Ito lamang ang sinabi ni Institution Master Clyde Edwards.
"Ha ha ha,di ka talaga nagkakamali sa iyong sinabi,!"
"Ganoon din ang pakiramdam ko sa binatang ito!"
"Misteryoso at magaling!"
Ito lamang ang nasabi ni Patriarch Anacleto Samuel bago tumingin ito sa kabataang makikita sa baba ng entablado.

Matapos ang tunog ng trumpeta ay agad tinawag ng tagapasalita ang sasabak sa unang laban.
"Eldon Yuri ng Eden Valley Clan!"
Sigaw nito.
Matapos nito tawagin ay agad naman umaakyat sa entablado si Eldon Yuri.
Pumunta siya sa ibat ibang kulay na tali at hinatak niya ito.
Pagkatapos ay ibinigay ito sa tagapasalita.
Matapos makita at malaman ay tinawag na nito kung sino ang makakalaban ni Eldon Yuri.
Pero bago umalis si Eldon Yuri para pumunta sa gitna ng entablado ay sinabihan ito na huwag hahayaang makuha sa kanya ang tali na kanyang nakuha dahil ibinigay ito sa kanya ulit ng tagapasalita.
Hindi man niya ito naintindihan ay sinunod niya ito at itinali niya ito sa kanyang baywang.
Ang nakuhang tali ni Eldon Yuri ay kulay puti.
Umakyat naman sa entablado ang magiging kalaban nito walang iba kundi si Jek Allay ng Burning Palm Clan.
Ang antas ng ranggo ng dalawa ay parehong nasa Pinnacle Rank level 5 kaya naman ay pantay lang ang dalawa.
At kung sino man ang mananalo sa dalawa ay pasok na ito ayon sa panuntunan ng pagsusulit.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon