Ang kasalukuyang sitwasyon sa loob ng institution ay may kasamang tensyon dahil na rin sa isa itong magandang palabas na makikita nila ang bagong kabataan sa henerasyong ito.
Dito nila malalaman kung ano ang pagkakaiba sa mga nakaraang pagsusulit.
Gayunpaman ay mas lalo nilang nakuhaan ng interes sa naglalaban sa gitna ng entablado.
Ang agwat ng isang ordinaryong clan at noble clan ay masyadong malayo sa isat isa at pagkakaiba.
Kahit pumapangalawa lamang sa bilang ng mga noble ang Burning Palm Clan ay hindi rin sila pwedeng maliitin dahil na mayroon silang kakayahan na hindi makikita sa ibang clan kaya ay dapat din sila katakutan.Kung nagkaroon ng tensyon sa loob ng institution ay lalong naging abala naman ang mga taong magtatabaho sa malawak na lugar.
Sa maikling oras at araw na nakalipas ay halos kalahati ng bahagi nito ang naging malinis at patag na.
Wala na ang naglalakihang mga punongkahoy at madawag na damo.
Dahil sa kanilang paglinis ay lalo itong naging malawak na matatanaw ng sinumang nakakita malapit sa kalsada.
Ang dulong bahagi ay makikita naman ang bundok na sakop ng kagubatang ito pero hindi pa nila ito napuntahan at inuuna ang bukana ng lugar na ito.
Halos hindi makikitaan sa kanila ang pagod dahil sa maayos ang pagbigay ng pasweldo sa mga trabahador.
Habang sina Ginoong Rubio at Gng Mercedes ay marinig binabantayan ang bawat kilos o galaw ng mga taong narito dahil para sa kanila ay di kailangan ibaba ang depensa nila.
Alam nila na nakatawag na ito ng masyadong atensyon sa lahat kaya di maiiwasan na mayroong espiya upang magmatyag sa kanila.Sa bilis at magandang samahan ng bawat trabahador ay naging maayos ang kanilang gawain.
Halos naubos na nilang putulin ang mga punongkahoy at hawanin ang nagtataasang mga damo.
Tila isa itong malaking palayan kung ito ang plano nila.
Subalit hindi ito ang gusto ng may ari ng lupang ito.
Patatayuan nila ito ng mga ibat ibang gusali na naaayon sa plano nila.
Mula sa malayo na kung saan ay nakatayo ang dalawa habang tinatanaw nito ang hindi mabilang na mga trabahador na mabilis ang mga kilos nito sa paggawa.
Sinisipat nila ng maayos ang bawat narito upang malaman kung mayroong kahina hinalang kilos at hindi sila nagkamali sa iniisip nila.
Agad nila pinatawag sa taong pinagkatiwalaan nila upang papauntahin ito sa kanilang pwesto.Samantala kung nalaman na nina Ginoong Rubio at Gng Mercedes ang taong tinutukoy nito ay siya namang hindi ito mapakali sa kanyang ginagawa.
Nagbalatkayo siya bilang isang trabahador upang makakuha ng ilang impormasyon tungkol sa may ari ng lupaing ito.
Pero sa ilang araw niya dito ay kahit ni katiting na impormasyon ay wala siyang nasagap kahit sa kapwa niya trabahador.
Naging mailap ito sa kanila sa tuwing tinatanong nila kung sino at saan ito nagmulang angkan.
Tila hindi naging maganda ang pakiramdam nila dahil sa kilabot na bumalot sa buong katawan nila.
Sa bilang nila na lima at sa estado ng kanilang lakas ay wala silang laban sakaling matuklasan na ipinadala sila ng Early Vermilion clan upang mag espiya.
Dahil isa lamang sa kanila ang tagasilbi kaya wala silang lakas na loob upang tumanggi lalo nat isa pinakamalakas na clan ang Early Vermilion clan sa buong Capital City.Nasa kamay ni Merton Cruze ang kabuuang plano ng itatayong gusali.
Pinagmamasdan niya itong maigi at sobra siyang namangha sa nalaman.
Kakaiba ito sa mga gusaling makikita dito sa Capital City.
At sa paanan ng bundok ang pinakamalaki sa lahat.
Sa kaliwang bahagi ay parehong gusali din ang itatayo kagaya na rin sa kanang bahagi.
Sa gitna nito ay isang malawak na espasyo na mayroong malaking fountain at may mga pathway sa bawat gusali.
May mga nakatanim din na ibat ibang uri ng halamang namumulaklak.
Sa harapan nito ang malaking gusali na matatabunan ang kabundukan.
Kung matatapos ito ay maganda ang magiging kalalabasan ng lugar na ito.
Nawala ang ilang pagpapantasya ni Merton Cruze ng kalabitin siya sa isa niyang kasama.
Sinabi nito na kailangan siya makausap ng may ari nito.
Hindi siya nag dalawang isip at agad niya ito pinuntahan.Sa kinaroroonan nina Ginoong Rubio at Gng Mercedes ay natanaw niyang papalapit si Merton Cruze.
Pero hindi nila inalis ang tingin sa limang espiya at kailangan nila ito makausap kung ano ang pakay nila.
Alam nila na mabuti itong tao at sumusunod lamang ito sa pinag uutos ng kanilang amo at wala silang nakikitang masamang ikinikilos.
Nasa harapan na nila si Merton Cruze ay yumukod muna ito bago magtanong kung mayroong kailangan sa kanya.
Sinabi naman nito agad ang dahilan at agad ito kumilos upang kunin at puntahan ang ipinag uutos sa kanya.
Dahil sa bilis ng kilos ni Merton Cruze ay wala pang isang minuto ay nasa harapan na nila ang limang lalaki na hindi katandaan at mga pawang binata pa ito.
Marami ang nakakita sa nangyari kaya naman ay nagtataka sila.
Gayunpaman ay wala silang karapatan upang manghimasok sa mga bagay na hindi dapat.Ang limang trabahador ay lumuhod sa harapan ni Merton Cruze at sinabi nito na napag utusan lamang sila upang kumalap ng impormasyon pero wala silang intensyon na gumawa ng gulo.
Nasa loob sila ng isang maliit na kubol di kalayuan sa ginagawang gusali.
Sinabi nito ang lahat lahat na mga dahilan at ang nasa likod nito ay ang Early Vermilion clan.
Naroon na rin sina Ginoong Rubio at Gng Mercedes.
Narinig nilang lahat ang paliwanag nito at para sa kanila ay hindi ito mabigat na dahilan.
Sinabihan niya si Merton Cruze na alukin itong regular na trabahador at doblehin ang pasweldo nito sa isang kondisyon.
Hindi na ito babalik sa angkan ng Early Vermilion clan.
Noong una ay nagdalawang isip ang lima pero ng malaman na mas doble ang sweldo nila kaysa sa Early Vermilion clan ay agad ito pumayag.
Isa pa nasa proteksyon sila ng may ari ng lupang pagawaan.Kung abala ang lahat na mga tao sa Hunter Forest ay kasabik sabik naman ang nangyayari sa loob ng Dragon Heart Institute.
Sa gitna ng entablado magkaharap ang isang ordinaryong clan at noble clan na sobrang layo kung pagbasehan ang estado nito.
Pero ang kanilang antas na ranggo ay pareho lamang bilang Pinnacle Rank level 5.
Sumenyas na ang tagapasalita upang simulan ang isa sa huling pagsusulit.
Nang maitaas ang kamay ng tagapasalita ay agad kumilos ang dalawa at sinalubong ang bawat atake nila.
Sa pagbanggaan na kanilang atake ay halos gumawa ito ng malakas na hangin matapos nilang saluhin ang suntok ng kanilang kanang kamay.
Nagkadikit ang kamao nila sa isat isa.
Parehong napabitiw ang dalawa at umatras ng ilang metro.
Pero hindi pa ito natatapos ay muli sumugod si Jek Allay na may kasamang malakas na enerhiya sa buong katawan niya.
Nakita naman agad ito ni Eldon Yuri ay agad din siya gumawa ng pangdepensa upang protektahan ang kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...