Ang apat na faction ay binubuo din ng mga bilang sa kanilang antas na lakas.
Halimbawa sa Outer faction ay pinangunahan ito ni Senior brother Yum Amelek kahit siya ang mas mababa ng level sa ranggo ay sa kanya pinagkatiwala ang patnubay sa kapwa niya disipulo at sinundan ito ng pareho niyang ranggo kahit na mas mataas ito sa kanyang ng dalawang level.
Si Senior brother Yum Amelek ay epic rank level 8 samantala ang isa pa niyang senior brother ay epic rank level 10 na.
Gayunpaman ay hindi ito hadlang sa kanilang samahan.
Binubuo din sila sa grupong The Ten Outer Hidden Disciples.
At ang mapabilang sa grupong ito ay hindi madali dahil kailangan mo labanan ang kapwa mo disipulo kahit ito ay mga senior brother/sister.
Ipakita mo ang iyong kakayahan kahit isa pa lamang na baguhan.
Gayunpaman kahit may ganitong patakaran ay iniiwasan din ang magkaroon ng alitan sa bawat isa.
Dahil sa huli ay iisang faction parin ang tahanan nila.Nagpatuloy ang kaunting diskusyun sa loob ng Holy Azure Hall.
At napagkasunduan ng lahat na pipili sila ng limang disipulo sa bawat faction at ang limang ito ay magkatunggali sa iba pang limang disipulo ng bawat faction.
Hindi naman nagtagal at lahat sa apat na faction master ay inaprubahan ang kasunduang ito.
Mayroong ngiti sa labi ni Conclave Faction Master Ameron Huston.
Alam niya at kumpyansa na ang faction parin nila ang manaig sa lahat.
Hindi naman nagpahuli ang ibang mga faction master at ganito din ang nasa isipan nila.
Habang si Outer Faction Master Zakaria Paloma ay kalamado lamang.
Hindi na siya nakipagkopetinsya sa kapwa niya faction master.
Naniniwala siya sa kakayahan ng kanyang mga disipulo.
At mayroong pumasok sa kanyang isipan na hanggang ngayon ay naging palaisipan sa kanya.
Nakaalis na ang lahat at nasa loob parin siya ng Holy Azure Hall.Ang dalawang grandmaster ay kasalukuyang nag uusap prin sa mga nangyari tungkol sa Cloud Thousand Steps Bridge.
Hind parin mawala ang pagkapanalo ng outer faction na nakikita naman nila ang kasalukuyang sitwasyon o estado ng bawat disipulo.
Alam nila na ang Cloud Thousand Steps Bridge ay mayroong bagay na nakabalot ditong formation array na tanging ang kanilang Patriarch ang may gawa nito.
Walang sinumang nakakaalam sa formation array na ito dahil wala namang formation master sa sekta na ito kundi ang tanging patriarch lamang nila.
Nasa ganitong pag iisip ng dalawa ng mayroong malakas na enerhiya at presensya ang biglang sumulpot sa harapan nila.
At sa mga oras na ito ay nakaalis na si Outer Faction Master Zakaria Paloma.Ang dalawang grandmaster ay napatayo sa kanilang upuan dahil sa presensyang bigla na lamang lumitaw.
At agad nila ito nakilala kung sino.
Mabilis silang yumukod at bumati dito.
"Maligayang pagbabalik Patriarch!"
"Ikinagagalak namin ang inyong tagumpay!"
Ito ang pambungad bati nila sa kanilang Patriarch.
Naramdaman din nila na nagtagumpay ito sa pagtapak sa ranggong matagal ng inaasam.
Ang pagiging isang heaven rank.
Ngayon ay ganap ng heaven rank level 6 ang kanilang Patriarch.
Sadyang nasorpresa sila kahit mayroon ng edad ito ay makikita parin ang lakas nito.
"Ha ha ha!!!"
"Maraming salamat sa inyong dalawa at nagtagumpay ang unang pagsubok sa apat na faction!"
"Naramdaman ko ang inyong pag aalala at ito ay huwag ninyong masyadong isipin!"
"Sadyang mayroong henyo sa ating sekta at ito ang magbibigay sa atin ng tagumpay!"
"At ito ay inaasahan ko na mangyari dahil sa disipulong ito!"
"Ha ha ha,hindi ako nagkamali sa kanya at hindi rin siya nagkamali dahil siya mismo ang pumili sa ating sekta kaysa sa Pavilion Peak Sect!"
Ito ang paliwanag sa kanila ni Patriarch Verson Goh pagkatapos ay umupo ito sa kanyang upuan.Nang makaupo na ang kanilang Patriarch ay hindi parin maliwanag sa kanila ang sinabi nito.
Lalong gumulo sa kanila kung ano ang nais ipabatid nito.
Hayaan na lang muna nila na manggaling sa kanilang Patriarch ang buong katotohanan.
Bumaling ito sa kanila at saka ipinagpatuloy ang kanyang sinabi.
"Marahil ay nagtaka kayo kung bakit nanalo ang Outer faction sa kabila na halos nasa mababang antas ang kanilang lakas!"
"Inaasahan ng lahat na ang conclave faction parin ang mananalo dahil sa antas ng ranggo na kanilang disipulo!"
"Dahil sa nangyari ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at nauwi ito sa maagang dwelo!"
Gayunpaman ay walang mali sa nangyari, sadyang matalino at mabilis ang galaw isa sa kanila at nagawan ito ng paraan upang hindi sila matalo sa sitwasyong nasa panganib na ang lahat!"
"Ito ang hinahanap natin sa ating mga disipulo!"
"Hindi ipagyabang at ipagmalaki dahil sa iyong antas na lakas!"
"Bagkus ay kailangan natin ng isang natatanging katangian,kakayahan at taglay nitong talino!"
Ito ang paliwanag sa kanila ng kanilang Patriarch na hanggang ngayon ay hindi parin nila nakuha ang ibig sabihin nito.Matapos maipaliwanag sa kanila ni Patriarch Verson Goh ang lahat ngayon ay naunawaan nila.
Sinabi din nito na ang baguhang disipulo sa Outer faction ay kailangan nilang subaybayan at protektahan.
Alam nila na misteryoso ang pagkatao nito dahil sa nakaraang pagsusulit ay nagawa nito ang isang natatanging kayamanan ng kanilang sekta na kahit sinong disipulo dito ay walang nakakaalam kung paano matutunan ang cloud thousand steps at aksindinteng nakita niya ito sa isang binatang kasalukuyang nasa outer faction ito.
Pagkatapos masabi ng kanilang Patriarch ang lahat ay agad nag paalam ang dalawa upang ayusin ang dwelong mangyari.
Hindi parin mawala sa isipan nila kung sino ang tinutukoy nito.
Alam nila na dalawa ang baguhang disipulo sa Outer faction.
Alin sa dalawang ito ang tinutukoy ng kanilang Patriarch.Sa ikalawang palapag na kung saan ay makikita ang dalawang silid na inokupahan ng dalawa.
Sina Zeuros at Eldon Yuri ay nasa loob ng kanilang mga silid upang magsanay.
Pagkatapos ng unang pagsubok ay kailangan nila ng isang araw upang magsanay at magpataas ng kanilang lakas.
Binigyan sila ng isang pills upang makatulong ito sa kanila.
Subalit ang pills na ito ay binigay lamang ni Zeuros kay Eldon Yuri.
Marami siyang mga pills at higit pa dito ang kalidad kaya hindi niya ito kailangan.
Kahit mayroong guhit sa mukha ng pagtataka si Eldon Yuri ay tinanggap niya ito dahil malaki ang maitutulong nito upang tumaas pa lalo ang kanyang antas na ranggo.
Kailangan na mapili silang dalawa upang mapabilang sa limang disipulo na makipagtunggali sa Dragon Fearless Disciples.
Alam na mahirap ito pero kailangan nilang gawin ito.Sa loob ng dimensional ring ay walang ibang ginawa si Zeuros kundi ang maglibot upang malaman kung gaano kalawak ang taglay nitong kakayahan.
Magkasama sila ngayon ni Black at nakasakay siya sa likod nito habang nasa himpapawid.
Hindi nila nakasama ang iba marahil ay nasa ibang bahaging lugar ito.
Nalagpasan nila ang isang gusali na maraming palapag dahil pangalawang palapag pa lamang ang napasukan ni Zeuros.
Ipinagpatuloy nila ang paglibot at nakakita sila ng isang di kataasang bundok at nasa ilalim nito ay makikita ang malinis na katubigan o isang ilog.
Pumili sila ng isang patag na lugar at saka lumapag ang dalawa.
Maganda ang lugar na ito.
Tahimik at naggagandahang mga halaman ang narito.
Hindi sila nakaramdam ng anumang mayroong nilalang dito.
Ang tubig na dumadaloy ay galing sa bundok na kanilang nakita kanina.
Nasa paanan sila ng bundok at makikita ang sobrang linaw ng tubig na mayroong naglalanguyang mga ibat ibang uri ng isda.Samantala mula sa mayabong at nagtataasang mga puno ay kampanteng nakaupo ang nilalang na ito sa isang sanga.
Ito ang kanyang teritoryo at mayroong kuweba sa bahagi ng kabundukang ito.
Sa kanyang pag iisa ay itinuring niya itong sariling mundo mula ng ito ay mapadpad dito.
Libong taon na rin ang nakalipas at maraming mga angkan o pamilya ang nagkawatak watak dahil sa kagagawan ng Dark Demon.
Nagkaroon ng isang lagusan at hinigop siya nito kaya itong lugar agad ang kanyang nakita.
Nasanay na siya sa kanyang pag iisa at Wal siyang ginawa kundi ang palakasin ang kanyang antas na lakas dahil sa pambihirang kayamanan na narito.
Puno ng maraming essence sa paligid at mabilis ang kanyang pag taas ng lakas.
Sa kanyang pag iisip ng kung ano ano ay nakaramdam siya ng presensya malapit lamang sa kinaroroonan niya.
Hindi lang iyon dahil naramdaman niya ang lakas nito na halos kasing pantay lamang niya.
"Isang heavenly rank?!"
"Isang mythical vicious beast?!"
"Sino ang mga ito?"
Ito lamang ang tanong nito.
Sa tagal niya sa lugar na ito ay kahit isang nilalang o hayop ay wala siyang naramdaman o kahit nakita pero ngayon ay ramdam niya na malapit lang ito mula sa kanyang pwesto.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...