Sa loob ng labinglimang araw ay nagawa at natapos na ang araw ng kanilang pagsasanay.
At ito din ang araw upang magkaharap harap ang mga disipulo sa apat na faction.
Dito malalaman kung sino ay may ipapakitang abilidad sa nakalipas na labinglimang araw.
Dito nila mapapatunayan na karapat dapat silang lumaban at labanan ang mas malakas sa kanila.
Sa kanilang paglakas ay hindi naman nagbayad o nagpahuli ang grupong ito.
Ang Dragon Fearless Disciples.
Alam ng lahat kung gaano ito kalakas at lalo ngayon na binigyan pa ito ng pagkakataon upang magpalakas ng bawat isa sa kanila
Pero syempre limitado lamang ito dahil na rin sa kailangan nila ng sapat na oras at kayamanan.
Isa rin itong natatanging paghahanda para sa paligsahan sa hinaharap.
Umasa man sila sa hindi ay dapat magkaroon ng pagbabago kahit ito ay malabong mangyari.Ang apat na faction ay handa na upang harapin ang dwelong ito.
Kahit handa sila ay malaki pa rin ang agwat kung sa kabuuang lakas ang Dragon Fearless Disciples.
Pero mayroon pa rin umaasam na kahit sa huling pwesto nito ay kanilang makuha at mapatalsik ito sa kanyang pwesto.
Ayaw nila magpakumpyansa.
Sa isang malaking bilog at malapad na espasyo ay nakapalibot at nagkalat ang mga disipulo sa apat na faction.
Handang handa na ang lahat.
Naunang dumating ang Inner Faction na pinangunahan ng kanilang faction master.
Sadyang ayaw magpahuli ang faction na ito dahil mayroon silang maipagmmalaki.
Nakuha ng lahat ang atensyon sa isang disipulo nito.
Dahil sa pagbabago sa kanyang antas na lakas.
Kung noon isa itong nasa Legends rank level 1 ngayon ay nasa level 9 na ito.
Ito ang kanilang senior sister.
Ang apat na senior brother na noon ay nasa epic rank level 5 ngayon ay ganap na silang legends rank level 5.
Ang ang sinundang limang kasama nito ay pawang nasa nasa Epic rank level 9.
At ang ilang sa hindi kasama sa mga napili ay maraming Epic rank na mababa ang level ,at kakaunti ang nasa profound rank.
Nalagpasan na nila ang limitasyon nito.
Agad sila pumuwesto sa lugar na nakalan sa kanila.Ang sumunod na dumating na faction ito ay ang Core Faction.
Na nasa unang hanay ang kanilang faction master.
Sinundan ito ng sampung disipulo na napili.
Kasunod dito ang mga kasamahang disipulo sa likuran nila.
Ang dating dalawang senior brother nito na nasa epic rank level 5 ngayon ay nasa Legends rank level 2 na ito.
Sinundan naman ito ng walong nasa epic rank na magkaiba ang level.
Ito na ang hanay sa sampung napili sa kanila.
Maraming mga nasa profound rank at platinum ang kasama nitong disipulo.
Mabilis ang kanilang pagtaas sa maikling panahon.
Dahil narito na ang dalawang faction.
Dalawa na Lang ang wala pa.
Di nagtagal ay naramdaman nila ang awra na palapit sa kanila.
Ito ang itinuturing na malakas sa apat na faction.
Ang Conclave Faction.
Nasa unahan ang kanilang faction master na sinundan ito ng sampung disipulo na napili sa kanila.
Kasunod naman nito ang maraming disipulo na kasama nito.
Kung sa pagbabago naging mabuti ang kanilang pagsasanay at nakikita sa kanila na ayaw nila matalo sa pagkakataong ito.Ang Conclave Faction ay mayroon ng nag iisang nasa Heaven Rank level 1.
Isa itong malaking pagbabago.
Ang dating nasa Legends rank level 5 ay ganap ng isang heaven rank.
Sinundan ito ng apat nasa Epic rank level 10.
At limang Epic rank level 5 at halos maraming nasa epic rank.
Mangilan ngilan lamang ang nasa profound rank at platinum.
Sa kabuuan ay sila na ang nagbubukod tangi sa lahat na faction .
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang Outer faction matapos nakapwesto ang Conclave Faction sa kanilang lugar.
Sa pagdating ng Outer faction ay marami ang natuwa,at panghahamak ang ilan sa iba.
Gayunpaman ay tikom ang bibig ng iba.
Pinangunahan ito ng kanilang faction master na sinundan ito ng kanilang dalawang senior brother.
Si senior brother Yum Amelek ay isa ng legends rank level 3 mula sa dating epic rank level 8.
Habang si August So ay legends rank level 9 sa dating Epic rank level 10.
Habang si Harold Silver Wood ay nasa Epic Rank level 9.
Mayroon pa silang nasa epic rank level 5 at kasama na dito si Eldon Yuri.
Naabot ni Eldon Yuri ang ranggong ito sa walang tigil niyang pagsasanay mula sa multiple gold rank level 1.
Malaki ang kanyang pag angat.
Pero mayroong nag iisa na hindi nila malaman at makita kung ano ang ranggo nito at halos lahat sila ay natulala sa naramdaman nitong awra.Nakapwesto na ang Outer faction at oras na upang malaman kung anong faction ang manguna.
Sa itaas ng entablado ay makikita ang kanilang Patriarch at ang dalawang grandmaster.
Na nasa gitnang bahagi ito.
Sa magkabilaang upuan ay nakaupo dito ang sampung kabataan.
Ito ang grupong Dragon Fearless Disciples.
Lima sa kaliwa at lima sa kanan.
Kung pagbabago ang paguusapan at mas lamang dito ang grupong ito.
Isa na dito si Erwin Faysan na tumaas na din ng ilang level sa kanyang ranggo mula Heaven Rank level 2 patungo sa level 6.
Mayroong lima na nasa Heaven Rank level 1 sa dating legends rank level 10.
Nasundan naman ito ng isa ding legends rank level 10 mula sa dating level 5.
At halos mga legends rank lahat ng mga kasama nito na tumaas ng isa o dalawang beses.
Ang ganitong lakas ay sapat na ito upang paghahanda sa darating na malawakang kompetisyon ng bawat sekta.
Nasa itaas silang bahagi ng entablado at tanggapin nila ang hamon sa apat na disipulo ng faction.
Ang sinumang matalo sa kanila ay matatanggal sa kanilang grupo.
Gayunpaman kahit matanggal sila ay mayroong pa rin silang kalalagyan at ito ang babalik kung saang faction sila galing .
Ito ang magiging patakaran.Halos narito na ang lahat at maraming mga disipulo ang nandito upang saksihan at panuorin kung sino ang makapagbigay sa kanila na tatak sa kanilang isipan.
Sa isang sulok na ay tahimik lamang si Zeuros at nagmamasid sa kapaligiran.
Nakasama siya sa kompetisyong ito dahil sa binago niya ang kanyang antas na lakas bilang isang Epic Rank level 1.
Sapat na ito upang kwalipikado siya.
Isa pa ring lihim ang pagiging Heavenly Rank level 9 niya.
Ayaw niya ito ipaalam sa lahat lalo't mayroon siyang ipanaghahandaan para rito.
Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman ng lahat ang kabuuan niyang lakas.
Masaya siya sa kanyang kaibigan at magkasama pa rin sila.
Kahit mas mataas ito ng ilang level sa peke niyang ranggo ay natuwa siya sa pagbabago nito.
Sa apat na faction ay tanging ang Inner Faction ang mayroong nag iisang nasa Heaven Rank.
At ito ang kalamangan nila sa lahat.
Magbabago lamang ito kapag nasa ganap na labanan ang lahat.
Ito na ang malaking pangyayaring naganap sa loob ng Sacred Azure Sect.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Ficción históricaHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...