Sumabak na nga ang Inner Faction.
Pinangunahan ito ng mas mataas sa antas ng ranggo sa faction nila.
Walang nakakaalam kung ilang baitang ang Cloud Thousand Steps hanggat may makikita ka ay ito ang pinagbatayan nila.
Sa minutong lumipas ay halos kalahati ang nalagas sa kanila at ang limang mga senior ay malayo na ang narating nito na sinundan naman ng mga profound rank at platinum rank.
Masaya si Inner Faction Master Edward Grimm dahil nalagpasan nito ang naitalang rekord ng Core Faction na wala pang sampung minuto ang lumipas.
Hindi na rin nagprotesta ang ilan sa nakakita dahil malinaw at malinis ang bawat hakbang ng limang nangungunang disipulo ng inner faction habang sumusunod naman dito na kahit nahihirapan ang ilan sa kapwa nila disipulo.Mabilis lumipas ang minuto at umabot ito sa labingisang minuto at dito na tumigil ang lima sa nanguna dahil nakaramdam sila ng panginginig ng tuhod at katawan at bigla lamang sila tumalsik.
"Bang!"
Ito lamang ang narinig ng lahat na ikinagulat nila sa nakita.
Nawala ang katawan nila at nasa ibaba na silang lima.
Umabot sila sa siyamnaput siyam na baitang at isang hakbang na lamang para maabot nila ang isandaang baitang.
Hindi na masama dahil sila ang mas mataas na naitalang rekord sa naunang faction.
Agad naman sinunod ang faction na susubok at pinangunahan ito ni Inner Faction Master Edward Grimm upang bunutin ang maitim na kahoy at inabot ito sa kanilang grandmaster.
Binasa naman agad nito at ang Conclave Faction ang susunod.
Ito ang pinakaabangan ng lahat ang nangunguna sa lahat ng faction sa Sacred Azure Sect.
Dahil halos narito ang mga malakas na disipulo na kahit ang kanilang master at grandmaster ay nalagpasan kung sa antas na ranggo ang pagbabatayan.Ang conclave faction ay mayroong apat na epic rank level 10 at isang legends rank level 5.
Sa apat na epic rank ay nasa tuktok na ito sa pagiging legends rank.
Sila din ang mas maraming bilang ng disipulo na nasa limampu.
Agad naman ito kinuha ni Conclave Faction Master Ameron Huston ang itim na kahoy at itinago ito.
Hinarap niya ang kanyang limampung disipulo.
"Makinig ang lahat!"
"Ipakita natin sa lahat na tayo parin ang nangunguna sa bawat faction na narito!"
"Pero hindi ibig sabihin ay magkaaway tayo dahil iisang sekta parin tayo!"
"Ang gusto ko lang mangyari ay hindi tayo matatalo at tayo parin ang manguna sa lahat!"
"Inaasahan ko ang inyong kooperasyon!"
"Maliwanag ba?"
Ito ang pahayag at paalala ni Conclave Faction Master Ameron Huston sa lahat lalo na sa Lima nitong senior disipulo.
Agad din ito kumilos at humakbang paakyat sa Cloud Thousand Steps Bridge.Sa umpukan ng mga disipulong nasa Outer faction ay marami ang nakaramdam ng kaba sa mga oras na ito dahil sila ang panghuling susubok upang akyatin ang Cloud Thousand Steps Bridge.
Sa antas ng kanilang lakas ay wala na silang pag asa upang manalo.
Wala pa sila sa pagsubok pero karamihan sa kanila ay nakaramdam na ng kawalang pag asa.
Ito ay hindi nakaligtas sa pandama ni Zeuros.
Naramdaman niya ito at alam niya na ang iba ay tuluyan ng susuko.
Tumayo siya at niyaya si Eldon Yuri upang puntahan ang kanilang senior brother na si Yum Amelek.
Na kahit may pagtataka si Eldon Yuri ay sumunod lamang siya dito.
Nakarating sila sa pwesto nina senior brother Yum Amelek at kasama nito ang kanilang Outer faction master na si Zakaria Paloma.
Yumukod ang dalawa bilang pagbati.
Agad naman sila sinalubong at ipinakilala ito sa kapwa nila disipulo na ngayon lamang nila nakilala at nakita.Naging mainit ang pagtanggap sa dalawa at nakaramdam sila ng kaginhawaan dahil hindi naman pala mahirap pakisamahan ang kapwa nila disipulo.
Nagpalitan sila ng mga komento kung ano ang dapat gawin at paalala sa kanilang lahat na huwag ng subukang pilitin pag hindi na kaya.
Agad naman sinangayunan ng lahat para sa kaligtasan nila.
Natigil ang kanilang diskusyun dahil sa nag ingay ang ilan sa mga disipulo ng ibang faction.
"Tingnan nyo!"
"Nasa dalawang daang baitang ang isa sa kanila at sumusunod dito ang apat pa nitong kasama!"
Ito ang sigaw ng nasa Inner Faction na mga disipulo.
Napatingin naman ang lahat lalo na sa Outer faction.
Matiim ito tiningnan ni Zeuros at hindi niya maiwasan na magbitiw ng salita kahit ito ay mahina lang.
"Tssk!"Basura!"
Dahil sa sinabi nito ay napatingin sa kanya ang lahat.
"Junior brother may sinasabi ka ba?"
Tanong nito sa kanya ni Senior brother Yum Amelek dahil malapit ito sa kanya gayundin si Eldon Yuri.
"He he he,wala senior brother!"
Sabi ni Zeuros pero malinaw ito narinig ni Eldon Yuri at hindi lamang ito kumibo.
Ipinagpatuloy lamang nito sa panunuod sa nangyayari sa Cloud Thousand Steps Bridge.Lumipas ang mahigit na labing limang minuto ay nakarating ang nag iisang nasa Legends rank sa dalawang daan at walumput isang baitang.
Ang apat na kasama nito ay nasa dalawang daan at limamput apat na baitang lamang.
Masundan din ito ng dalawa pa nilang kasama na nasa isandaan at tatlong baitang sa loob ng labinglimang minuto na kahit napahaba ang minuto nila ay mas mataas parin ang naitalang rekord nito.
Tumigil na sila sa bawat baitang at bigla naglaho ang kanilang katawan dahil sa hindi na nila makayanan ang sobrang bigat na grabidad sa loob nito.
Sinalubong sila ng kapwa nila disipulo lalong lalo na ang kanilang faction master.
Nagsaya sila dahil wala ng maaaring makatapat sa kanila.
Alam din ng lahat na ang susunod ay ang Outer faction at ito ang pinakamahina sa lahat.
Kaya hindi na sila aasa na malagpasan ang naitalang rekord ng tatlong faction na tapos na sa pag subok.Gaya ng inaasa ng lahat ay sumabak na ang huling faction at ito ang Outer faction na marami ang kumutyang mga mata at tila ba sinasabi nila na sumuko lamang.
Ang isa sa Grandmaster na ang bumunot ng kanilang itim na kahoy at ibinigay ito sa kanilang master pagkatapos ay itinago nito.
Hinarap naman nito ang lahat na mga disipulo at marami itong hinabilin sa kanila.
"Alam ko gagawin ninyo ang lahat pero gaya nga ng inaasahan at sinasabi ng lahat na suntok sa buwan kung mayroong lumusot isa man lang sa atin!"
"Ngayon pa lamang ay huwag ninyong pilitin kapag hindi na ninyo kaya pang lumaban!"
"Gayunpaman ay binabati ko kayong lahat dahil isa itong malaking pagkakataon upang magkaroon ng karanasan at pagsasanay bilang mga disipulo!"
Pagkatapos nito sabihin ay nilibot niya muna ang tingin sa lahat ng kanyang disipulo.Pinangunahan ito ni Senior brother Yum Amelek at ang isa pa nilang senior brother na nasa epic rank level 10.
Nagsitahimik ang lahat at inaabangan nila ang mangyayari sa huling faction.
Nauna nang umakyat ang dalawa nilang senior at sinundan ito ng limang nasa Platinum Rank,apat na nasa profound rank at sumunod na silang mga nasa multiple gold rank.
Nasa huli naman ang mga gold rank at Pinnacle Rank.
Sabay na umakyat sina Zeuros at Eldon Yuri silang dalawa ay magkasanmang umakyat.
Wala pang kalahating minuto at nasa tatlumput isang baitang na ang dalawa nilang senior at brother.
Nasa hulihan parin sina Zeuros at Eldon.
Nang malapit na sila sa limampung baitang ay naramdaman ni Zeuros na tila nahihirapan na ang kanilang dalawang senior upang umusad sa susunod na baitang at ang mga kasama nito.
Maging si Eldon Yuri ay tumigil na muna saglit dahil nanghihina ang tuhod nito.
Tinapik ito ni Zeuros ang balikat ni Eldon Yuri at dumaloy sa buong katawan nito ang enerhiya na galing kay Zeuros.
Nakaramdam ng ginhawa si Eldon Yuri at nawala ang bigat na naramdaman nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...