Azsarel Kingdom;
Dalawang pigura ang lumabas sa isang lagusan at makikita sa kanila ang nakakatakot na awrang naramdaman.
Lumabas sila sa lagusan at nilinga ang buong paligid
Mula ng nasa ibang mundo o lugar sila ay ngayon lang nila ulit nasilayan ang lugar na ito
Ang Dragon Heart Kingdom.
Ang dalawang ito ay sina Ginoong Rubio at Gng.Mercedes.
Ang dalawang ito ay naabot na ang
pagiging heavenly lord rank level 3.
Ito na ang limitasyon ng kanilang kakayahan sa pagsasanay.
Hindi naging madali para sa kanila ang maabot ito dahil tinanggalan din sila ng ilang alaala sa nakaraan upang makapagsanay sila ng maayos.Ang lagusan ay lumitaw sa isang malawak at liblib na lugar na isa rin sa kinatatakutan ng lahat.
Ito ang Daredevil Forest.
Tinahak ng dalawa ang daan patungo sa isang lugar na kung saan ay pamilyar sa kanila pero di nila ito masyado matandaan.
Tila ba mayroong nag uutos sa kanila upang puntahan ito.
At sa ilang minutong paglalakad nila ay tumambad sa kanila ang isang bulubundunduking mga bato.
Naramdaman din nila na mayroong formation na nakalagay sa mga batong kuweba.
Isang saglit ay ikinumpas nito ang kanilang kamay at bumukas ang harang sa harapan nila.
Agad sila pumasok sa loob.
Pagpasok nila ay isa itong magandang tahanan na puno ng mga kagamitan.
Maya maya ay lumitaw sa harapan nila ang isang nilalang.Sa paglitaw ng nilalang ay agad yumukod ang dalawa.
"Lord Crunos,!"
Bati ng dalawa matapos nilang Makita ito.
"Maligayang pagbabalik dito sa inyong mundo!"
"Gayunpaman ay kailangan ninyo maisakatuparan ang inyong misyon!"
"Protektahan ang inyong munting panginoon na naging bahagi ng inyong buhay sa nakaraan!"
"Maging malakas kayo sa hinaharap at protektahan ang nasasakupan!"
"Bumuo ng sariling angkan upang harapin ang mapagmataas na angkan at pigilan ang mga balak nito!"
Ito ang paliwanag sa kanila ni lord Crunos matapos ay lumitaw sa harapan nila ang kayamanang nakalaan para sa kanila.
Halos manlaki ang mga mata ng dalawa dahil sa nakita nila.Bulubundunduking gintong pera,mga librong may kauganayan sa pag papalakas,potion at mataas na kalidad na mga pills,mga armaments at skills na naglalayong baguhin ang pundasyon ng isang adventurer.
Hindi pa ito natatapos ay binigyan sila nito ng tatlong singsing.
Ito ang interspatial ring, conceling ring at ang dimensional ring.
"Ngayon ay nagibigay ko na ang mga dapat ninyong kailangan ay oras na para gawin ninyo ang inyong misyon sa mundong ito!"
"Ang kayamanan sa inyong harapan ay kasangkapan at gamitin ito na naaayon sa inyong mga plano!"
"Alam na ninyo ang inyong gagawin at lagi ako sa paligid upang magmatyag!"
"Paalam!"
Pagkatapos ay naglaho ito at hindi na nila naramdaman ang presensya nito.
Hanggang sa hindi na nila maramdaman ang presensya ni lord Crunos.
Matapos nila maayos ang lahat na mga kayamanan ay itinago nila ito sa
interspatial ring.
Inayos nila ang mga sarili at bago nilisan ang lugar.
Unang destinasyon nila ay ang capital city bilang mga merchant.
Ito ang kanilang unang pakay.Capital City;
Mga nagtataasang gusali at ibat ibang clan ang makikita sa lugar na ito.
Narito ang Auction House, Adventurer Guild at naglalakihang mga kilalang Merchant.
Syempre hindi mawawala ang prehistityusong paaralan na isa sa ipinagmamalaki ng lahat.
Isang ordinaryong karwahe ang patuloy na tumatakbo sa maingay at magulong city na ito.
Ang una nilang pakay ay ang kumuha ng ilang impormasyon tungkol sa binebentang lupain upang pagtayuan nila ng kanilang magiging teritoryo.
Hindi naman nabigo ang dalawa at nakita nila ang lugar na pakay nila.
Ito ang lugar na kung saan ay dito nanirahan ang city lord ng capital city.
Hindi rin naging madali sa kanila ang makapasok agad dahil sa maraming mga gwardiya ang nagbabantay sa malaking tarangkahan.Ang kakayahan at kapangyarihan ng city lord ay hawak nito ang kabuuang pwersa ng city.
Siya din ang nakakaalam tungkol sa lupaing binebenta.
Sa isang malawak na silid ay mayroong nakaupong matanda na at abala ito sa kanyang pagbabasa ng mayroong biglang pumasok at ito ang kanyang mensahero.
"Magandang araw My lord,mayroon pong dalawang merchant sa labas at kailangan daw po kayong makausap tungkol sa lupaing binebenta!'"
Ito ang ulat sa kanya ng kanyang mensahero.
Saglit ay ibinaba niya ang kanyang binabasa upang harapin ang sinabi ng kanyang mensahero.
"Kael,papasukin mo sila dito,ang mga kagaya nila ay isa itong pambihirang pagkakataon at dapat natin ito bigyang ng importansya!"
Ito ang pahayag ni City Lord Dalle Pan.
Medyo my katandaan na ito pero may taglay pa ring lakas na makikita sa kanyang katauhan.
Sa edad na limamput siyam na taon ay nasa mababang ranggo bilang isang Legends rank level 5.
Hindi na nito nagawang pataasin ang kanyang antas dahil sa laging abala ito sa pagpapatakbo ng kanyang tungkulin.Sa kinaroroonan nina Ginoong Rubio at Gng.Mercedes ay nakita nilang bumalik ang mensahero at pinapasok sila sa loob nito.
Hindi na rin nag aksaya ng oras ang dalawa at agad ito pumasok sa loob saka sinundan ang mensahero.
Narating nila ang isang malaking gusali at pumasok sila.
Isang silid ang nabungaran nila at doon nila nakita ang matandang nakaupo sa isang lamesa na mayroong dalawang upuan sa harapan nito.
Nang makita sila ay agad ito tumayo upang salubungin sila.
"Magandang araw Ginoo at Binibini,ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
Ito ang tanong nito habang nakangiti.
Bago sila sagutin ang tanong nito ay pinaupo sila nito at bumalik sa kanyang lamesa saka sila hinarap.
Nakaupo na ang tatlo habang ang mensahero ng city lord ay nasa likod nito.Naging mabilisan lamang ang kanilang negosasyon at kailangan nila magbayad ng kabuuang halaga na hindi bababa sa isang limanglibong milyong ginto bilang kabayaran sa lupang gusto nilang pagtayuan ng magiging teritoryo.
Mayroong ipinakitang mapa si city lord Dalle Pan sa kanila at ito ay dulong bahagi ng capital city na halos kagubatan na
Malawak ang sakop ng kagubatang ito at ayon sa impormasyon ay marami ang sumuko upang bilhin ito dahil sa masyadong malayo sa kabahayan.
Mayroon din daw ilang mabangis na vicious beast ang nanirahan dito.
Hindi na nagdalawang isip ang dalawa at agad nila ito kinuha na lalong ikinagulat ni city lord Dalle Pan.
Maraming beses na niyang subukan ibenta ito sa mga mayayamang mangangalakal at clan pero nabigo siya dahil sa may kamahalan ito at nakakatakot ang lugar.
Pero ang dalawang merchant na kanyang kaharap ay kakaiba at interesado sila sa lupang gustong bilhin nito .
Kaya naman ay maayos ang kanilang kasunduan at binigay sa kanila ang kabuuang mapa ng lupa kasama ang titulo nito.
Binayaran agad nila agad na ayon sa napagkasunduan na presyo.Ang lupang binili nina Ginoong Rubio at Gng Mercedes ay malaki at malawak.
Halos kasinglaki ito ng Daredevil Forest.
At ngayon ay nabili na nila ang lupa ay kailangan naman nila ng mga tauhan upang isagawa ang pagpapalinis sa naturang lugar.
Agad nilisan ng dalawa ang teritoryo ni city lord Dalle Pan.
Hinatid pa sila nito na masaya dahil sa magandang araw ang pumasok sa kanya.
Mayroong din itong pinagsama na mga tauhan upang ihatid sila sa mismong lupang binili nila.
Sinabihan din sila nito na kung mayroong kailangan ay huwag mag atubiling lumapit sa kanya.
Na sinangayunan naman ng dalawa.
Sumakay ulit sila sa nakuha nilang karwahe at umalis na nakasunod ang mga tauhan ng city lord.
Sinabihan nito ang may ari ng karwahe na ihatid sila sa nasabing lugar.
Sa una ay medyo nag alinlangan pa ito kalaunan din ay pumayag ito dahil sa magiging doble ang ibabayad sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Fiksi SejarahHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...