Ang tagpong ito na makikita sa itaas ng entablado ay isa na namang kapana -panabik na laban para sa lahat at marami ang nagaabang kung ano ang mangyayari sa labang ito.
Dalawang Heaven Rank sa pagitan ng isang Epic Rank.
Hindi ito patas sa alinmang aspeto kung pagbabatayan.
Agad pumorma ang dalawang kalaban ni Zeuros at lumitaw sa kanilang kamay ang mga sandata nila.
Ito ang Twin Double Blade Swords,na isang top tier.
Ang sandatang ito ay sobrang talas at sinanay ito ng dalawa.
Habang si Zeuros ay walang inilabas na sandata at pinalamigan niya ng tingin ang sandata ng dalawa.
"Mahusay,dahil sa inyong sandata ay mukhang pahihirapan ninyo ako!"
"Sapat na ang aking sarili upang protektahan sa inyong pag atake!"
Ito ang binitawang salita ni Zueros.
"Pah!,Tingnan natin kung saan ang iyong kumpyansa!"
"Isa kang hambog at ito ay magdadala sa iyong pagkatalo!"
Ito ang sinabi ng dalawa.
Sina Edison at Edward Fangs.
At agad inihanda ng dalawa ang kanilang sandata at pasugod ito sa kinaroroonan ni Zeuros.
Hindi nagpatinag si Zeuros sa kanyang kinatatayuan at hinihintay ang dalawa patungo sa kanya.Sa mga nakakita ng ganitong senaryo ay nakakakilabot lalot may kalamangan ang may hawak na sandata kung ikumpara sa wala.
Ang buong Outer Faction ay halos hindi mapakali sa kanilang pwesto lalot sobrang bilis ang kilos nina Edison at Edward Fangs habang nakatutok ang kanilang sandata patungo kay Zeuros.
Matikas pa ring nakatayo si Zeuros at wala itong balak iwasan ang dalawang sandata na paharap na nakatutok sa kanya at anumang oras ay magkakaroon siya ng malubhang pinsala kapag hindi niya ito iiwasan.
Nakakahabol ng hininga ang bawat manunuod sa nakita nilang sitwasyon sa itaas ng entablado.
Ilang pulgada na lamang ang layo at malapit na sa mukha ni Zeuros ang dalawang espada.
Gumalaw ang kanang kamay ni Zeuros at mayroong nabuong enerhiya sa palad nito.
Ang enerhiyang ito ay kakarampot lamang pero nakapagbigay ito ng kilabot sa dalawa.
Nanginig ang kanilang kamay pati ang dalawa nilang espada.
Hindi sila makakilos dahil pinipigilan ni Zeuros upang hindi matamaan ang kanyang mukha.
Tuluyan ng bumigay ang kanilang sandata at nabitawan nila ito.
Hinawi ito ni Zeuros patagilid at mabilis tumilapon ang mga sandata palayo.
Sa kanilang pagkabigla ay hindi sila nakagawa ng anumang hakbang at ang mukha nila ay mayroong namuong mga pawis na sinundan ng bilis sa pagkilos ni Zeuros at mabilis nitong inatake ang dalawa gamit ang kanyang pisikal na lakas.Hindi makapaniwala ang lahat dahil sa isang hawi lamang ng kamay ni Zeuros at tumilapon ang kanilang sandata sa ibang direksyon.
Higit pa rito ay mabilis gumawa ito ng hakbang upang sila ay atakehin ng harapan na hindi agad makagawa ng anumang kilos dahil sa pagkabigla.
At dito sinamantala ni Zeuros ang pagkakataon upang atakehin ito.
Gamit ang kanyang pisikal na lakas ay binigyan niya ito ng magkasabay sa suntok sa tiyan.
"Ahhhh!!"
"Blag!"
Sigaw ng dalawa at napaatras ito ng ilang hakbang.
Pakiramdam nila ay hinambalos sila ng bakal dahil sa bigat ng pwersa mula dito.
Pareho silang nasa Heaven Rank pero wala silang lakas upang despensahan ang mga sarili nila sa isang hamak na Epic Rank.
Isa itong malaking sampal sa dalawa.
Ngayon ay ramdam pa rin ng dalawa ang pinsalang natamo nila mula kay Zeuros.
Ayaw nila magpatalo na kahit nakaramdam sila ng kirot ay agad sila kumilos at pilit na ipakita sa lahat na kaya pa nilang lumaban.Sa kabilang banda ay isang ngiti ang sumilay sa labi ni Zeuros dahil sa kanyang nakita.
Hindi susuko ang dalawang ito at ito ang gusto niyang mangyari.
Ang malaman kung mayroon pa itong natitirang lakas upang lumaban at labanan siya.
Gumalaw ang dalawa na tila ba mayroon itong unawaan sa isat isa.
Ito ang hinihintay ni Zeuros.
Habang sina Edison at Edward ay agad ipinakita sa lahat ang kanilang huling alas.
Ang skills na sila lamang nakakaalam.
Agad gumalaw ang dalawa na ayon sa kanilang ritwal.
'[Double Distraction Art Skills],
"Dancing of Fire Phoenix"!!!
Ito ang sigaw ng dalawa at bigla silang lumutang na mayroong hugis na ibong nag aapoy sa buong katawan nila.
Mabilis ang naging galaw ng dalawa at sumugod ito patungo sa pwesto ni Zeuros.
Bagamat hindi ito inaasahan ni Zeuros na agad nakagawa ng ganitong kakayahan ang dalawa.
Malinaw niyang nakikita na medyo delikado ang ganitong kapangyarihan pero hindi ito banta sa kanya.
At handa niya itong labanan.Dahil sa skills na ipinakita ng dalawang kambal ay nagkaroon ng kaunting pag asa na manalo sila na kabaligtaran naman sa panig ng Outer Faction.
Kahit ang limang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect ay nasorpresa sila sa kanilang nakita.
Ang ganitong kakayahan at pambihirang makikita kahit saang secta gayunpaman ay hindi sila nag aalala para rito.
Ang kanilang atensyon ay sa kalaban ng dalawa mula sa Outer Faction.
Nahihiwagaan sila sa pagkatao nito.
Isang Epic Rank laban sa dalawang nasa Heaven Rank ay masyadong malayo ang agwat kung pagbabatayan.
Nakita din nila kung paano ito gumalaw at pulido ang bawat kilos sa pag atake na tanging pisikal na lakas lamang ang ipinakita nito.
Isa pang nakakagulat kung paano nito napigilan ang dalawang epada ng dalawang kambal na tanging daliri lamang ang gamit nito.
At sinuman ang makakita nito ay masasabing halimaw ang disipulong ito mula sa Outer Faction.
At mayroong itinatagong sekreto ito kagaya nila.
At ito ang gusto nilang malaman at masaksihan.
Hindi sila nagmamadali at kailangan din nila makita ang pinakamataas na level sa parehong ranggo.Mas lalong kapanap-panabik ang laban dahil ipinakita ng dalawang kambal ang kanilang double transfusion na mas lalong tumibay ang kanilang pundasyon sa kabila ng natamo nilang pinsala sa pisikal na aspeto.
Naging marahas ang kanilang galaw at bawat kampay ng kanilang pakpak sa likuran ay nag aapoy ito at ang bawat apoy na ito at patungo sa kinaroroonan ni Zeuros.
Dahil dito ay hindi naman nagpabaya si Zeuros at mayroong lumutang sa kanyang harapan at isang saglit ay isang bagay ngayon ang kanyang hawak sa kamay niya.
Isang matulis na bagay at mahigpit niya itong hawak.
Ito ang "Silver Night Spear".
Iniwasiwas niya ito ng paikot upang sanggain ang mga apoy sa kanyang harapan na kahit isa ay walang nakalusot dahil sa bilis ng kanyang galaw.
At nang makakuha siya ng pagkakataon ay doon na siya nagbitiw ng kanyang skills.
Ang delikadong skills na baka ang entablado ay hindi ito kakayanin at baka tuluyan itong masira.
Hindi na nagsayang ng oras si Zeuros at bumuka ang kanyang bibig at matikas siyang nakatayo habang ang kanyang paa ay unti unting umaangat paitaas.
At malinaw ng lahat na lumulutang si Zeuros paitaas at naramdaman nila ang malakas na enerhiya mula sa kanyang katawan patungo sa hawak niyang sandata upang kumislap at nagliwanag ito.
At bigla niya lamang itong inihagis sa dalawa at isang sigaw ang pinakawalan nito sabay bigkas mula sa kanyang bibig.
"[Nigtangle Speed Art]"
"Destroyer Evolution"!!!
At ang kanyang sibat ay patusok itong patungo sa dalawa at isang malakas na pagsabog ang kasunod.
Sa pagsabog ay hindi malinaw kung ano ang kasunod na nangyari.
Agad naman nagkaroon ng barrier sa bawat manunuod upang hindi sila madamay sa pagsabog.
Naging malabo at wala silang makita dahil sa alikabok sa buong entablado.
Tahimik ang lahat at tutok ang kanilang mata sa entablado na hanggang ngayon ay wala silang makita.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Ficción históricaHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...