Ang Kikimoro Tree ay biglang nagliwanag at lumabas doon ang isang nilalang na matagal ng namuhay loob ng daang libong taon.
Matagal na ring panahon na binabantayan niya ang lugar na ito at walang nangahas upang pasukin ito.
At sa pagkakataong ito ay mayroong nilalang na hindi niya maiiwasan mangamba na ito ba ay kalaban o kakampi.
Subalit hindi niya ito binigyan ng kaukulang pansin.
Ang gusto niyang malaman kung ano ang pakay nito sa teritoryo niya.
Naramdaman din niya ang mga kabataang nagkalat sa buong bahagi ng Dark Grass Land.
Maraming mga nilalang na nakatira dito sa Dark Grass Land at hindi ito basta basta nagpapakita sa mababang uri o hindi nila kagaya.
Pero ngayon ay iba ang kanyang pakiramdam sa binatang ito na nakasalampak sa damuhan at nakapikit ito.
Sa kanyang pagpikit ay nagsilitiwan ang mga bilog na liwanag galing sa Kikimoro Tree.
Para itong bilog na kristal at patungo ito sa kinaroroonan ni Zeuros.Ang buong pangyayari ay nakita ito ng nilalang na nakatira sa Kikimoro Tree.
Namangha siya subalit napasimangot din dahil alam niya kung ano ang mga ito
"Mmmph',nasa kasalukuyang pagsusulit ito pero ano ang kanyang ginawa?!"
"Balak ba niyang magpataas ng antas sa kasagsagan ng pagsusulit?!"
Ito lamang ang nasabi niya sa kanyang isipan.
Alam niya na mayroong pagsusulit dahil mayroon din siyang kaalaman sa mundong ito.
At ang mga kayamanan ang nakapaloob sa lugar na ito ang kailangan nilang kolektahin.
Pero hindi naging madali ito lalo't naramdaman niya na nasa mababang antas o ranggo ang halos mga kabataan na narito.Ang mga bilog na kristal ay ito ang essence ng Kikimoro Tree at patuloy ito hinihigop ni Zeuros.
Mas lalong nagliwanag ang buong katawan nito dahil sa essence ng Kikimoro Tree.
Ang mga manunuod na nakakita sa liwanag na biglang lumitaw sa paningin nila ilang metro ang layo ay nagtataka kung ano ito.
Hindi nila makita ng malinaw dahil sa sobrang liwanag nito.
Ang liwanag na ito ay sinakop halos ang kalahating bahaging lugar ng Dark Grass Land.
Dahil dito ay nagkaroon ng pag asa ang mga kabataang kumukuha ng pagsusulit dahil nawala ang mga hamog na nakaharang sa daanan nila.
At nakikita nila ng maayos ang buong paligid.
Pero ang liwanag ay hindi parin mawala at malayo ito sa ibang katunggali ni Zeuros.
Maging ang institution master kabilang na ang hari ay hindi nila Al kung ano ang nangyayari.
Kahit ang mga city lord, patriarch na mayroong malakas na pakiramdam ay komplikadong nakatingin lamang sa liwanag na lumitaw.Samantala ang nilalang na mayroong mahabang berdeng buhok at maputing kasuotan ay malapit na sa kinaroroonan ni Zeuros.
Pinagmamasdan niya ng mabuti ang kabuuan ni Zeuros.
Hindi siya apektado sa liwanag nito.
Pero bago pa niya sasabihin kung ano ang nasa isipan niya ay bigla na lamang lumitaw sa harapan niya ang isang nilalang na matagal ng walang nakakaalam kung nasaan ito matapos ang pagsakop ng mga demonyo at immortal na nagrebelde.
Nasa kanyang harapan ang isang mythical beast.
Ito ang Black Four Wings Dragon.
Alam niya ang mythical beast na ito at pagmamay ari ng kanilang panginoon.
Ang panginoon nila na kung saan ito ang namumuno sa Hidden Realm.
Ang mundo nila na matagal ng nawala at nasakop na tuluyan ng mga Demon.
Sa mga panahong iyon ay Demon lord pa lamang ito at sa mahabang panahon ang lumipas ay maaaring naging Demon King na ito at lalo itong lumakas.Humarap sa kanya ang Black Four Wings Dragon habang si Zeuros ay nakapikit ito at ilang sandali lamang ay tataas ang ranggo nito.
"Ikinagagalak kitang makitang muli Ariston!"
"Daang libong taon na rin ang lumipas at hindi ko akalain na dito kita makikita sa lower realm!"
"Sa mga nakalipas ay tila nagustuhan mo dito manirahan at wala ka ng balak upang hanapin ang iyong mga kauri!"
Ito ang sabi ng Black Four Wings Dragon sa kanya
Bilang isang mythical beast ay may kakayahan itong magsalita at magbagong anyo bilang kawangis ng mga tao.
"Maraming salamat sa iyong paalala at masaya ako dahil muli ko nasilayan ang isa sa naging katuwang ng ating panginoon subalit nagtataka lamang ako kung bakit bigla ka lamang lumitaw!"
"Nasaan ang ating panginoon?!"
Ito ang tanong ni Ariston sa kaharap niyang itim na dragon.
Umiling naman ang itim na dragon at lumingon ito sa likuran ni Zeuros.Napatingin naman si Ariston sa gawi ng binatang patuloy na hinihigop ang essence mula sa Kikimoro Tree.
Muling humarap sa kanya ang itim na dragon.
"Ikinalulungkot ko Ariston,wala na ang ating panginoon!"
"Tuluyan siyang napaslang ng Demon Lord at kasama ang aking mga magulang!"
"Kasama itong lumaban sa demon lord pero sa kasamaan ay nalupig sila!"
"Ako ay isa sa naging anak at sa panahong iyon ay isa pa lamang akong itlog!"
"At ang binatang nasa harapan natin ay siyang tatapos sa pumatay sa ating panginoon!"
"Ang ating munting panginoon na kanyang nag iisang anak!"
Ito ang binitiwang salita ng itim na dragon upang mapaluhod sa lupa si Ariston.
Tila nawalan siya ng lakas dahil sa kanyang narinig at nalaman.
Napagisipan niya ng masama ang binatang ito na isa pala sa magiging panginoon nila.
Isa siyang Heavenly Rank pero nanghina siya sa harapan ng itim na dragon at sa binatang ito.Ang kasalukuyang sitwasyon ni Zeuros ay lalong tumingkad ang liwanag nito ay naglabas ito ng nakakasilaw.
Ilang sandali lamang ay isang malakas na pagsabog ang nangyari.
Isang shockwave ang sumambulat sa buong lugar na ikinalaki ng mga mata sa kanilang nakita.
Ang shockwave ay sinakop ang buong dark Grass Land.
Kung hindi agad nakagawa ng barrier sina institution master Clyde Edwards at ang mahal na Hari ay siguradong nadamay sila.
Gayundin ang ginawa ng mga city lord at mga patriarch sa ibat ibang Sect.
Ang shockwave na ito ay galing sa binatang nakita nila na nakasalampak sa damuhan.
Kaya naman ay nag aalala ang lahat kung ano ang nangyari sa binatang kalahok.Sa pagkawala ng shockwave ni Zeuros ay sunod sunod na tinig ang kanyang narinig.
"Rumble!"
"Rumble!"
"Rumble!"
" "
"Rumble!'"
Nadagdagan ng ilang beses ang kanyang level sa ranggo nito.
Ang kanyang bestial beast na si Black at si Ariston ay hindi naapektuhan sa shockwave na kanyang pinakawalan.
Pero ang ilan sa mga kalahok sa ibat ibang bahagi ng Dark Grass Land ay nagkaroon ng pinsala dahil nadamay sila nito.
Hindi naman ito malala at kaya pa nila ipagpatuloy ang pagsusulit.
Inimulat ni Zeuros ang kanyang mata at medyo nagulat siya sa kanyang nakita.
"Black!"
"Narito ka,ha ha ha!""
Biglang tumayo si Zeuros at niyakap nito si Black na ikinatuwa naman sa inasta ng kanyang master.
Nakatingin lamang si Ariston sa kanila at naningkit ang mata ni Black dito upang yumuko at lumuhod si Ariston sa harapan ni Zeuros.Ang mga manunuod ay malinaw nilang nakikita kung ano ang nangyayari sa binatang pinanggalingan ng shockwave.
Nakita nila ang kakaibang kilos nito sa harapan ng malaking punongkahoy.
Hindi sila pamilyar sa punong ito pero naramdaman nila ang malakas na essence mula rito.
Ang tingin nila kay Zeuros ay nababaliw na ito dahil nagsasalita itong mag isa at tila mayroong itong kinakausap.
Ang hindi alam ng lahat ay mayroong itong mga kasama na hindi nila nakikita dahil sa masyadong mahina ang pandama nila.
At kasalukuyang isa ng ganap na Heaven Lord Rank level 5 si Zeuros matapos nitong higupin ang essence ng Kikimoro Tree upang magkaroon ng shockwave sa buong paligid.Matapos ang sandaling palitan ng kasiyahan nina Black at Zeuros ay napabaling ang tingin nito sa isang nilalang na mayroong berdeng buhok at maputing damit na sayad hanggang lupa.
Hindi parin ito kumikilos at nananatiling nakayuko.
Tinanong niya si Black kung sino ang nilalang na ito at ipinaliwanag niya ang lahat tungkol dito.
Marahang lumapit si Zeuros upang patayuin ito.
"Ikinagagalak kitang makilala Ariston, hindi mo kailangan gawin yan dahil una ay ngayon lang kita nakita at pangalawa masaya ako dahil mayroong buhay sa inyo matapos ang ilang libong digmaan sa pagitan ninyo ng Demon Lord!"
"Kung nasaan man ngayon si Ama ay masaya siya na nakikita kayong Buhay!"
"At bilang kanyang anak ay ipagpatuloy ko ang kanyang nasimulan!"
Ito ang paliwanag ni Zeuros kay Ariston na bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa ibang iba ito sa kanyang ama.
At mas lalong humanga siya dito dahil halos kawangis ito ng dati nilang panginoon.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Ficción históricaHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...