Chapter 35.

462 77 8
                                    

Nagpatuloy sa pag usad ang disipulo ng outer faction at ang nasa hulihan ay nakaramdam na rin ng pagod at ilan sa mga ito ay tumalsik pababa.
Sina Zeuros at Eldon Yuri ang nasa huli parin at wala ng nakasunod sa kanila.
Ngayon ang kabuuang bilang nila ay nasa dalawamput isa at kasama na sila doon.
Nasa walumput baitang na ang dalawa nilang senior at tumigil ito.
Nakaramdam sila ng mabigat na grabidad at anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod nila.
Hindi ito nakaligtas sa pandama ni Zeuros kahit nasa pitumput siyam na baitang sila ni Eldon Yuri.
Marami namang namangha sa nakakita dahil nakayanan ng mga disipulo sa Outer faction ang grabidad kahit nasa mababang antas ito.
Lalo na ang nasa multiple gold rank ay umabot sa pitumput siyam na baitang.
Tila ba dinaya sila ng mga mata nila.

Nagpatuloy sina Zeuros at Eldon Yuri sa pagakyat at tila normal lang sa dalawa ang nangyayari.
Naabutan pa nila ang kapwa nila disipulo at sinabihan ito na ipagpatuloy ang pagakyat dahil tumatakbo ang oras.
Agad naman sila kumilos at medyo nagtaka sila dahil wala silang naramdamang mabigat na preyur o anumang grabidad sa paligid.
Kaya naman imbis na lakarin nila ay tumakbo pa ang mga ito at patungo sila sa dalawa nilang senior brother.
Nakasunod sa kanila sina Zeuros at Eldon Yuri.
Lingid sa kaalaman ng lahat ay pinadaloy ni Zeuros ang kanyang enerhiya sa paligid upang ipawalang bisa ang grabidad.
Nagpatuloy sila sa pag akyat at naging agresibo sila ngayon.
Ang kanilang dalawang senior ay hindi na rin nag aksaya ng oras at mabilis ito sa pag akyat.

Sa ibaba naman na kung saan naroon ang mga disipulo sa ibat ibang faction kasama ang mga faction master at grandmaster ay hindi makapaniwala sa mga nakikita nila.
Dahil patuloy parin sa pagusad ang dalawamput isang disipulo ng Outer faction.
Malinaw nilang nakikita ang bawat hakbang nito at ang iba naman ay tumatakbo pa.
Kahit ang nasa ibang faction ay hindi nila ito magawa lalo't nasa mataas ang antas nila.
Pero itong nasa multiple gold rank, profound rank, platinum rank ay nakayanan nila ang sobrang bigat na grabidad sa paligid ng Cloud Thousand Steps Bridge.
At sa mga oras na ito ay nakarating na ang lahat sa limangdaang baitang at patuloy pa sila sa pag akyat na wala pang sampung minuto.
Ang dalawang senior brother nila at ang iba ay hindi makapaniwala sa nagawa nila.
Isa itong himala sa kanila.

Sa limangdaang baitang ay wala silang naramdamang mabigat na grabidad at ipinagpatuloy nila ang kanilang pag akyat.
Dito na rin ipinasya ni Zeuros na ipawalang bisa ang lihim niyang ginawa at sapat na ito upang sila ang manguna sa pagkakataong ito.
Isang saglit ay nakaramdam ang lahat ng panginginig at panghihina at tuluyan ng bumigay ang mga katawan nila.
Nagsitalsikan ang lahat at nagpatangay na rin si Zeuros upang mapaniwalaan niya ang lahat.
Bumagsak ang lahat sa ibaba at mabilis sila dinaluhan ng mga kasama nila.
Nalikom nila ang oras na siyam na minuto at naabot nila ang limangdaan at pitumput isang baitang.
Sumakatwid sila ang nanguna sa bilangan na malinis nasa dalawamput isa disipulo ang bilang parin nila.
Marami ang hindi makapaniwala at inakusahan silang nandaya.
Ang Cloud Thousand Steps Bridge ay naglaho naman ito sa paningin ng lahat matapos ikumpas ng dalawang grandmaster ang kamay nila.

Dahil sa pangyayari ay hindi matanggap ng ibang faction ang pagkapanalo na itinuturing nilang basurang faction sa Sacred Azure Sect.
Mayroong naghamon ng laban sa bawat faction.
Nagkagulo ang lahat at pumagitna na ang dalawang grandmaster.
Nagsitahimik ang lahat.
Nagsimula ng magsalita si Grandmaster Ben Kuri at Grandmaster Allysa Henry sa lahat.
"Magsitahimik ang lahat!"
"Walang dayaang naganap at alam ninyong lahat ito!"
"Malinaw nating nakikita kung ano ang totoong nangyari kaya walang dayaang naganap!"
"Marahil ay masuwerte lang sila at malakas ang kanilang estamina sa katawan at nakayanan nila ang bigat ng grabidad dito!"
"Higit sa lahat hindi dito binabatayan kung Ikaw ay mataas ang iyong antas na ranggo kundi ang kakayahan at abilidad nito!"
"Ito ang totoong nangyari kaya sila ang nanalo sa pagsubok na ito!"
Matapos ang mahabang paliwanag ng dalawang grandmaster ay marami parin ang hindi kumbinsido dito at hinamon ang mga disipulo ng outer faction ng isang dwelo.
Dahil dito ay marami ang sumangayon lalo na ang nasa conclave faction na hindi matanggap sa unang pagkakataon ay natalo sila.

Nagkaroon ng pagbabago dahil sa mga nangyari at pinag isipan ito ng dalawang grandmaster.
Kahit ang apat na faction master ay napagkasunduan na magkaroon ng isang dwelo at doon lamang mapapatunayan kung sino ang dapat manaig at manalo.
Bago mangyari iyon ay binigyan muna ng isang araw upang makabawi sa pagod ng katawan nila.
Ang dwelo sa pagitan ng bawat disipulo sa apat na faction ay dito din pagbatayan ang pagpili ng sampung  disipulo upang magiging katunggali ng Dragon Fearless Disciples.
Naging mas maaga ang dwelong ito dahil sa nangyaring hindi pagkakaunawaan.
Sa kanila ng lahat ay lumamang parin ang Outer faction sa pangkalahatan.
At ngayon ay binigyan nila ng isang araw ang lahat upang bumawi ng lakas at magsanay na din.

Samantala sa loob ng Holy Azure Hall ay naroon ang apat na faction master at ang dalawa nitong grandmaster.
Kasalukuyan ay wala ang kanilang Patriarch at nasa seklusyon ito.
Hindi nila pwedeng abalahin ito.
Kaya sila ang nagdesisyon kung ano ang ikabubuti ng sekta.
Hindi naman lingid sa kanila na sila parin ang pinakamahinang sekta sa buong kaharian.
Sa loob ng isang araw walang ginawa ang disipulo ng outer faction kundi ang magsanay at pataasin pa lalo ang kanilang antas na ranggo.
Ngayon ay nagsugal ang kanilang faction master sa pagbigay ng mataas na kalidad ng pills.
Ito ang Purified breakthrough Green Pills.
Ang pills na ito ay kayang pataasin ang iyong ranggo sa mabilis na paraan at bukod pa rito ay kaya nitong linisin ang negatibong enerhiya sa buong katawan.
Pinapalinis nito ang daluyan ng dugo at mapabilis ang paglinang ng isang adventurer.
Masyadong mahal ang pills na ito at isa ito sa iniingatang kayamanan ng outer faction.

Sa Holy Azure Hall ay hindi lamang ang mga master at grandmaster ang naroon kundi pati ang kinatawan ng Sacred Azure Sect na pambato nila sa nalalapit na kompetisyon ng bawat sekta ay narito din sa loob ng bulwagan.
Ang Dragon Fearless Disciples.
Nakaupo ito sa nakahilerang mga upuan katabi ang mga faction master.
Nasa kanilang harapan naman ang dalawang grandmaster.
Mayroong silang pagpupulong at paguusapan nila ang dwelong magaganap sa bawat faction.
At gaya nga ng naunang patakaran ay limang disipulo ang kumakatawan sa bawat faction.
Ang faction master mismo ang pipili kung sino ang nararapat upang maging pambato nila sa kanilang faction.
At kung sino ang papalarin sa bawat faction ay ito maaaring tumunggali sa kasalukuyang pwesto ng Dragon Fearless Disciples.

Ang Dragon Fearless Disciples ay binubuo ng sampung miyembro at lima sa mga ito ang itinuturing nilang malakas sa Sacred Azure Sect.
Isang binatang nasa labing walong taong gulang ay naabot na nito ang antas bilang isang Heaven Rank level 2.
At sinundan ito ng apat niyang kasama na nasa Legends Rank level 10 ang tatlo at ang isa ay level 5.
Ang limang natira nito ay parehong nasa Legends Rank din at magkakaiba ang kanilang level.
Sumakatwid ang grupong ito ay halos nasa Legends rank at nag iisa lamang ang umabot sa mas mataas na ranggo.
Hindi na sila magkakalayo sa antas ng kanilang Patriarch kaya naman ay lubos siya pinahalagahan nito.
At ang nalalapit na kompetisyon sa bawat sekta at pinaghahandaan nila ito at puspusan ang pagsasanay nilang ginawa upang hindi sila kutyain,hamakin at tingin sa kanila ay basura dahil sa lagi sila nasa huling bilang pagdating sa ganitong sitwasyon.
Sa pagkakataong ito ay gagawin nila ang lahat para maiangat ang kanilang reputasyon.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon