Chapter 50.

352 64 3
                                    

Isang magandang laban ang nangyari sa pagitan nina Grace Hamverg at Roy Cooper.
Pero sa kabila ng lahat ay napanatili ni Grace Hamverg ang kanyang lakas bilang miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Isa pa dahil sa kanyang antas ay mas lamang pa rin siya sa kanilang laban.
Nagkaroon na rin ng ng malay si Roy Cooper at humingi ito ng paumanhin sa kanyang master.
Agad naman siya nito inalalayan at sinabihan na isang magandang laban ang kanyang ipinakita.
Ipinagpatuloy ang laban at muling isinagawa ang paghahanap ng susunod na tutunggali.
Isang pangalan muli ang lumitaw matapos maglaho ang iba.
Lumiwanag ito at ang pangalan mula sa Outer faction.
Ito ay walang iba kundi si Yum Amelek na isang legends rank level 3.
Agad naman ito umakyat sa entablado upang piliin ang kanyang magiging katunggali.
Inikot niya ang kanyang tingin at doon ito tumigil ang kanyang tingin sa pang apat na pwesto.
Pagkatapos ay itinuro nito ng kanyang kamay.
Napaismid na lamang ang nasa pang apat na pwesto.
Isang binatang nasa edad na labinglima at mayroong mapulang mata at asul ang buhok.
Kakaiba ang kanyang hitsura sa lahat na mga miyembro ng Dragon Fearless Disciples.
Sa pagkakaalam ng lahat ay isa din itong Noble Clan pero hindi ito galing sa Capital City.
At ayon sa kanilang impormasyon ay galing ito sa Plain City.
At ang alam ng lahat ay mayroong kamag anak dito sa Capital City at naging disipulo ng Sacred Azure Sect.
Ito lamang ang impormasyong nalaman nila.

Ang limang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect ay inobserbahan ang bawat laban mula sa Sacred Azure Sect.
Hindi sila nagpunta dito upang magsayang ng oras at binigyan pa sila ng pagkakataon upang malaman kung ano ang kaganapan sa loob.
Isa lamang ang dahilan kaya sila ay narito upang ipaabot ang nalalapit na kompetisyon sa bawat sekta.
Tahimik silang nanunuod habang sinusukat ang kabuuang antas na lakas ng bawat disipulo na narito.
Isa din ito sa kanilang pakay ng sa gayon ay malaman nila kung sino ang malakas at mahina.
Mula naman sa itaas ng entablado ay nasorpresa sila dahil mayroong dalawang Heaven Rank level 6 kasama ang kanilang Patriarch at nasa Heaven Rank level 6 ito.
Habang ang dalawang Grandmaster ay nasa Legends Rank pa lamang.
Sa paglilibot nila ng kanilang tingin ay wala namang espesyal sa bawat disipulo na narito at isa itong malaking balita sa kanila.
Hangad pa rin nila na sila ang manguna sa kompetisyon at walang sinumang sekta ang tatalo sa kanila.
Kagaya nila ay nag iingat din sila na mabunyag ang totoo nilang antas at lihim nila ito itinatago sa mata ng publiko.
Sila lang ang nakakaalam ng totoong antas na lakas.

Hindi nagsayang ng oras ang nasa pang apat na pwesto at agad ito pumunta sa loob ng entablado.
Ito ang Red Tiger Clan na mula sa Red Mountain Valley ng Plain City.
At bilang isang noble clan ay mataas din ang tingin nito sa kanyang sarili lalo't galing siya sa maunlad na city.
Sadyang nasa lahi nila ang asul na buhok at mapulang mata.
Ang katauhang ito ay napasa pasa ng mga henerasyon sa clan nila.
Siya si Hanz Ruyin.
Likas sa kanila ang maliksi at mabilis kung kumilos gaya ng isang mabangis na tigre sa kagubatan.
Habang si Yum Amelek ay nagmula sa isa ding lungsod na sakop ng Capital City.
Ito ang Calla River.
Bagamat si Yum Amelek ay nabibilang sa Aristocrat Clan pero kakaiba ang kanyang ugali bilang isang Amelek Clan.
Mapagkumbaba at matulungin ang kanilang clan sa mga nangangangailangan ng kanilang tulong.
Ang labang ito ay hindi rin patas para sa lahat dahil sa magkalayo ang pagitan ng kanilang antas na lakas.
Gayunpaman at wala silang pagpilian kundi sundin ang panuntunan.
Nakaramdam si Zeuros ng kaunting pag aalala sa kanyang senior brother dahil sa kasaluyang ranggo nito laban sa isang heaven rank.
Sa kanilang faction ay wala pang nanalo mula ng lumaban ang isa din sa kanilang senior brother na si Harold Silverwood mula sa kamay ni Adolf Brickstone.

Ang limang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect ay mariing nagbago ang tingin at pag analisa sa labang ito.
Para sa kanila ay hindi ito patas.
Gayunpaman ay panauhin lamang sila at hanggang ngayon at tago ang totoo nilang lakas.
At doon sila nagkamali dahil sa unang pagpasok pa lamang nila sa Sacred Azure Sect ay mayroong  mata na nakasubaybay sa kanila.
Kahit nanunuod si Zeuros ay hindi niya inaalis ang kanyang pakiramdam sa limang disipulo mula sa Pavilion Peak Sect.
Naramdaman ni Zeuros na mayroong mali sa kanilang mga sarili.
At ang pakiramdam na ito ay hindi siya maaaring magkamali.
Ito ang totoo nilang antas at pakay.
Ngayon ay nagsimula ng gumalaw ang dalawang maglalaban sa itaas ng entablado.
Kahit si Outer Master Zakaria Paloma ay nagaalala din ito sa kanyang disipulo.
Isa na kasi sa kanyang disipulo ang natalo sa unang laban at halata sa kanyang mukha ang kawalan ng pag asa na mapabilang kahit isa man lang sa mga disipulo niya ang manalo lalot ang mga ito ay nasa legends rank ang mataas sa kanila.
Langit at lupa ang pagitan sa kanilang lakas kung paguusapan.

Magkaharap ang dalawa at panghahamak ang bungad na tingin ni Hanz Ruyin kay Yum Amelek.
Agad inilabas nito ang kanyang sandata.
Ang Red Blood Spear.
Hindi naman nagpahuli si Yum Amelek at isang bagay ang lumitaw sa kanyang kamay.
Ito ang Siver Slashing Whipping Chain.
Hindi na nagsayang ng oras ang dalawa at agad sumugod ng harap harapan.
Walang mga salitang lumabas sa kanilang mga bibig at seryosong mukha ang makikita sa dalawa.
Pasugod na hinampas ni Hanz Ruyin ang kanyang sibat kay Yum Amelek na agad naman sinangga ito ng kanyang latigo upang ito ay tumama sa hangin.
Naramdaman ni Yum Amelek ang pwersa galing sa sibat ni Hanz Ruyin.
Agad niya hinataw ng hinataw ng latigo ito pero agad naman ito sinasangga ng sibat.
Hindi natatamaan si Hanz Ruyin dahil mabilis ito kumilos.
Pareho lamang mabilis gumalaw ang dalawa pero mas lamang pa rin si Hanz Ruyin dahil sa lakas ng pwersa na pinakawalan nito sa kanyang sandata.

Ang bawat manunuod ay nakakita ng isa pang magandang laban sa pagitan ng dalawang magkatunggali na hindi pareho ang kanilang antas.
Pero ang labang ito ay nakapagbigay sa kanila ng malaking palaisipan.
Para sa kanila ay hindi sukatan ang taas ng antas bagkus ay mayroon kang lakas na loob upang mapantayan at sabayan ang mas higit sa iyong antas na lakas kung paguusapan.
At gaya ng ganitong senaryo na nakikita nila ngayon.
Ganito ang tumatakbo sa isipan ng bawat taong nanunuod ng labang ito.
Habang sa itaas ng entablado ay patuloy ang tagisan ng pag atake at nakayanan sabayan ni Yum Amelek si Hanz Ruyin.
Gayunpaman ay nakaramdam si Yum Amelek ng kaunting pagod at panghihina kapag sinabayan niya ang bawat galaw kay Hanz Ruyin.
At hindi na ito bago sa kagaya niyang isang legends rank lamang.
Habang ang kanyang katunggali ay isang heaven rank.
Patuloy niya sinasangga ng kanyang latigo sa bawat wasiwas ng sibat nito sa kanya.
Sa bawat wasiwas ng  sibat ni Hanz Ruyin ay mayroon itong kasamang pwersa na doon siya nahihirapang despensahan ang kanyang sarili at kailangan niyang iwasan ang ilang atake nito.
Namuo na ang ilang butil na pawis sa noo ni Yum Amelek at kung magtagal pa ang labang ito ay mauubusan siya ng lakas upang sabayan pa ito.
At isa lamang ang nabuo sa kanyang isipan na kahit ito ay mali mas mabuti ito para sa kanyang kaligtasan.
Ito ang sumuko.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon