Hindi na nagtagal sa Zeuros sa loob ng dimensional ring.
Nagliwanag ang kanyang katawan at naglaho pagkatapos ay bumalik ito sa mundo ng reyalidad.
Nasa loob pa rin siya ng kanyang kwarto at ngayon ay binago niya ang kanyang ranggo bilang isang multiple gold rank level 2.
Ito ang kanyang ranggo na binago mula sa heavenly rank level 6.
Mas mataas siya ng isang level kay Eldon Yuri.
Nag iingat siya sa ngayon dahil alam niya na mayroong mga matang nagmamasid sa kanila simula pa lamang sila pumasok dito.
Pero hindi naman ito magiging banta para sa kanya.
Inayos niya ang kanyang sarili at pagkatapos ay pinuntahan ang kwarto ni Eldon Yuri na katabi lamang din ito ng kanyang kwarto
Naramdaman niya na katatapos lang ito sa pagpataas ng kanyang antas na lakas.Sa mga oras na ito ay nagbunyi at nagsaya ang isang ordinaryong clan dahil sa tagumpay na kanilang natamo.
Hindi sila nagkamali sa pagpili na ipinadala at subukang makipagsapalaran ang kanilang nag iisang henyo sa lugar nila.
Ito ang sitwasyon ngayon sa Eden Valley Clan na kasalukuyang nagkaroon ng isang pagdiriwang at pagtitipon.
Bakas sa mukha ng kanilang village elder at syempre ang Chief Village Elder nila.
Nakatanggap sila ng isang sorpresang regalo mula sa Dragon Heart Institute at sa Sacred Azure Sect.
Hawak ng kanilang Chief Village Elder ang isang rolyong papel na kung saan nakasaad ang proteksyon mula sa sekta at mga benepisyong matatanggap nila.
Nakatanggap sila ng mga pills para tumaas ang antas ng lakas nila at limang gintong pirasong ginto na katumbas ito ng tatlong daang pilak.
Malaking bagay ito para sa kanila upang maresolba at maiahon ang clan nila sa pinakamababang bilang.Samantala habang mayroong pagdiriwang sa Eden Valley Clan.
Sa Sacred Azure Sect naman ay nagtipon tipon ang lahat na mga disipulo sa isang malaki at malawak na lugar na kung saan naroon ang mga elder master, at grandmaster upang simulan ang pagpili sa baguhang disipulo upang malaman at makita kung ano ang kakayahan nito.
Tanging limang disipulo sa ibat ibang hawak ng mga elder master ang pipiliin nila upang lumaban.
Halimbawa limang disipulo mula sa ng faction outer elder at ganoon din sa bawat elder gaya ng inner,core at conclave faction.
Limang disipulo sa bawat hawak nito.
At kung sino ang papalarin sa alinmang hawak ng bawat elder master ay ito din ang kandidato nila upang labanan ang Dragon Fearless Disciples.
Kailangan nila labanan ang alin sa limang disipulong miyembro nito.
Mayroong sampung miyembro ang Dragon Fearless Disciples.
Subalit tanging lima lamang ang kailangan nilang labanan upang mapatalsik ito sa kanilang pwesto.
Kung mayroong mang pagbabago ito ay ang hamunin ang lima pang miyembro nito upang mapababa sa bilangan ng pwesto.Ang Outer Faction ay mayroon lamang na tatlumpu na disipulo.
Ito din ang mas maliit na bilang kaysa sa ibang disipulo ng mga elder.
Kaya ganito ang bilang nila dahil ito din ang pinakamahina sa lahat.
Marami ang ayaw dito at kahit mayroong baguhang pasok ay mas gusto nila sa ibang faction gaya ng core, inner at conclave.
Gayunpaman kahit ganito ang estado ng kanilang lakas ay hindi rin sila pwedeng maliitin.
Dahil isa sa kanilang disipulo ay may antas na lakas bilang isang epic rank level 10 at nasa kasukdulan ito patungo sa pagiging legends rank.
Ito ang kanilang senior brother na sinundan naman ito ng isa pang epic rank level 8.
Ang ilang din dito ay nasa Platinum Rank,gold rank, multiple gold rank at ang mas mababa ay mga Pinnacle Rank.
Kaya nga sabi ng iba hindi pwedeng husgahan ang kasalukuyang antas o ranggo bagkus ay ang kakayahan at taglay nitong talento.
Na lingid sa kaalaman ng lahat ay mayroong nakatagong halimaw na magpapabago ng lahat.Ang hawak ng Conclave Faction ay mayroong limapung disipulo at lima sa mga ito ang ipinagmamalaki nila.
Ang limang Senior brother na ilang taon na ring tumangkang labanan ang Dragon Fearless Disciples upang mapabilang sila dito pero naging bigo sila.
Dahil habang tumatakbo ang araw,buwan at taon ay mas lalo tumataas ang kanilang antas na lakas.
At gaya nga sa inaasahan ng lahat ang limang Senior brother ng conclave ay apat dito ang nasa epic rank at isa ang umabot na sa legends rank level 5.
Ang natirang limang miyembro nito bagamat ibat ibang ranggo dahil isa dito ang nasa Platinum Rank at apat ang nasa profound rank.
Ang Inner Faction naman ay mayroong apatnapung disipulo at lima din dito ang ipinagmamalaki nila.
Apat sa senior brother ay nasa epic rank level 5 din at isang senior sister ang katatapak lang sa pagiging legends rank level 1.
Ang mga kapwa disipulo ay mas marami ang bilang ng mga platinum rank at profound rank.
Sinundan naman ito ng Core Faction.
Ang bilang nila ay nasa tatlumput limang disipulo at dalawa lamang sa kanila ang mataas na antas ng lakas.
Ang dalawang senior brother na parehong nasa epic rank level 5.
Sinundan ito ng ilang platinum rank at profound rank.
Sa apat na faction ay walang makikitang nasa multiple gold rank,gold rank at Pinnacle Rank na tanging nasa Outer faction lamang ang mayroon.Ang pagpili sa bawat faction ng limang disipulo na bumilang sa dalawampung disipulo sa pangkalahatang faction.
Ang limang disipulo sa ibat ibang faction ay maglaban at tanging sampu lamang ang matitira upang maging kwalipikado para harapin ang Dragon Fearless Disciples.
Kung sino man ang papalarin sa bawat faction ay magiging magkakampi sila upang labanan ang pwesto ng Dragon Fearless Disciples.
Ang limampung disipulo ay magkatunggali at harapin ang pagsubok na doon malalaman ang isandaang porsyento ng kanilang abilidad.
Hindi dito binabatayan ang iyong taglay na kapangyarihan,galing sa sandata,mga skills kundi ang katatagan ng iyong isipan,talino at pundasyon ng iyong pagkatao.
Ito ay harapin nila ang "Cluod Thousand Steps Bridge."
Kailangan nila malagpasan ang isandaang baitang o kahit umabot sa isandaan paakyat ay kwalipikado na ito upang mapabilang sa sampung disipulo na handa ng labanan ang Dragon Fearless Disciples.
Walang nakakaalam kung ano ang mayroong sa Cloud Thousand Steps Bridge.
Kailangan lang nila malagpasan ang bawat baitang sa loob ng limang oras na palugit nito.At gaya ng inaasahan ng lahat ay halos napuno ang isang malawak na lugar at maraming disipulo ang narito mula sa ibat ibang faction.
Ang bawat faction ay makilala sa bawat kasuotan nila.
Ang Outer faction ay nakasuot ng puting panloob na mayroong pulang roba at pulang sapatos.
May pulang tali din nasa noo nila.
Ang Inner Faction ay puting panloob din pero asul ang roba nito na binagayan ng asul na sapatos at asul din ang tali sa noo nito.
Ang Core Faction naman ay makilala parin sa puting panloob nito at dilaw na roba ganun din ang sapatos nito at tali sa noo.
Habang ang Conclave Faction ay ginto ang kulay ng panloob nito na kulay puti naman ang roba.
Ginto din ang sapatos at tali nito.
Ito lamang ang pinagkaiba sa kasuotan ng lahat na faction at sumagisag ang puting roba nito sa apat na panloob ng faction.
Sila din ang maituturing na pinakamalakas na faction sa buong Sacred Azure Sect.
Kahit ang kanilang Elder master at Grandmaster ay mataas din ang antas na lakas nito kaysa sa ibang elder faction.
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Fiksi SejarahHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...