Chapter 8.

575 95 4
                                    

Malawak ang lugar na kung saan ay paikot itong nakaupo habang nakapikit ang kanyang mata
Mga bilog na liwanag ay patuloy parin pumapasok sa loob ng katawan ni Zeuros.
Tila walang hanggan ang mga bilog na liwanag habang tumatagal ay naging marahas ang pag ikot ng Energy Vines Stone.
Ang mga maliliit na liwanag na bilog ay mula ito sa mga essence gaya ng halaman, punong kahoy,mga damo,bunga at mga bulaklak.
Nagkaroon ng pagbabago sa buong paligid.
Kung ang kaninang liwanag na mga bilog ay galing sa kung saang direksyon ngayon ay patungo ito sa harapan ni Zeuros.
Ang lahat na mga maliliit na liwanag na bilog ay nagsama sama.
Hanggang sa lumaki ito ng lumaki.
Tila kasinglaki ito ng isang buwan.
At bigla na lang ito pabulusok patungo kay Zeuros.

Isang pagsabog ang nangyari.
Sa pagsabog ay nakitaan ng nakakasilaw ng liwanag sa buong lugar.
Gayunpaman kahit mayroong pagsabog ay hindi ito magkaroon ng pinsala.
Nawala ang nakakasilaw na liwanag at malinaw na makikita kung ano ang nangyari kay Zeuros.
At gaya nga ng inaasahan ay walang anumang pinsala o galos man lang sa katawn ni Zeuros.
Bagkus ay lalong tumingkad ang mga liwanag sa buong katawan niya.
Hindi nagtagal ay nawala ang liwanag at inimulat ni Zeuros ang kanyang mga mata.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili kung mayroong pagbabago dito.
Tumigil na rin sa pag ikot ang Energy Vines Stone.

Ang naturang pagsabog ay likha ng pinagsama samang essence hanggang sa lumaki ito
Ito ay tinatawag na Hollow Essences Fusion!"
Sa mundong ginagalawan ni Zeuros ay wala pang nakagawa nito.
Kahit ang nasa  mataas na posisyon gaya ng mga hari at Reyna ay walang naitalang may gumawa nito.
At tanging si Zeuros lamang.
Hindi na rin magtaka dahil Hindi naman siya nagmula sa mundong ito.
Siya ay nagmula sa Hidden Realm at ang mundong ito ay nasa pamumuno ng Dark Demon.
Ang hidden realm ay nasa pamumuno ng kanyang ama,nalupig ito hanggang sa maangkin ang mundong hawak ng kanyang ama.
Pero bago ito malagutan ng hininga ay ibinuhos nito ang lahat ng kanyang essence kaya siya nabuo at naging anak siya nito.
Ang bilog na enerhiya ng kanyang ama ay mabilis naglaho at walang nakakaalam kung nasaan na ito.

Pagkatapos ang nangyari ay bumalik sa reyalidad si Zeuros.
Naramdaman niyang mayroong nagbago sa kanya.
At ito bilang isang ganap na Epic Rank level 10 na mula sa dating Platinum Rank level 5.
Sa edad niyang anim na taong gulang ay hindi kapani paniwala ang kasalukuyang antas niya.
Kung malalaman ng lahat ay isa itong malaking gulo.
Dahil natapos na niya ang kanyang pag cultivate ay tumayo ito upang maglibot sa paligid.
Gusto niyang alamin kung gaano kalawak ang lugar na ito.
Nasa unang palapag pa lamang siya pero parang nasa ibang mundo siya.
Paano na lang kung mapuntahan niya ang ibat ibang palapag at ano meron sa bawat palapag.
Ito lamang ang tanging naisip niya.

Sa ilang oras na kanyang paglilibot ay wala namang kakaiba sa lugar na ito.
Mayabong pa rin ang mga halaman dito na may ibat ibang uri ng bulaklak.
Mataas na kalidad parin ang mga essence dito na tila ba hindi nababakasan.
At sa kanyang paglalakad ay natanaw niya ulit ang isang kubo na mayroong dalawang malaking puno sa tagiliran.
Mayroong din itong hagdanan paakyat.
Ito ang pangalawang kubo na nakita niya at ang una ay nagbago ito.
Mabilis niya itong pinuntahan.
Walang bantay kaya mabilis din siyang nakaayat sa itaas.
Sa kanyang pagakyat ay nakita niya ang isang pintuan na tila ordinaryo lamang kung titingnan.
Marahan niya itong itinulak at pumasok sa loob.
"Maligayang pagdating aming munting panginoon!"
Ito ang tinig na kanyang narinig at kapareho ito sa tinig sa unang pintuang binuksan niya.
"Sino ka?"Nagpakita ka!"
Ito lamang ang sabi ni Zeuros sa tinig na kanyang narinig.
"Aming panginoon,hindi ito ang tamang oras upang malaman kung ano at sino ako!"
"Isa lamang akong tagagabay isa ring bantay sa lugar na ito.!"
Marami kaming naitalaga ng aming unang panginoon!"
"Masaya kami dahil nakita namin ang anak ng aming panginoon!
"Maligayang pagdating sa pangalawang palapag!"
Ito lamang ang nasabi nito at hindi na muling narinig ang tinig nito. 

Dahil sa naabala si Zeuros ng tinig na iyon ay hindi niya napansin kung ano ang nasa harapan niya.
At bigla siyang napaatras dahil sa nakita niya.
Aaaahhh!"Mga halimaw!""
Sigaw nito at kumaripas ito ng takbo.
Hindi niya alam kung saan siya magtago dahil humahabol siya ng napakaraming halimaw.
Sa liit niya ay siguradong wala siyang laban sa mga ito.
Malawak din ang lugar na ito kagaya sa unang palapag.
Pero ngayon ay nasa isang kagubatan siya at hindi niya alam kung saang bahagi siya ng gubat.
Walang humpay ang kanyang takbo.
Gusto niyang magtago ng sa gayon ay hindi siya mahihirapan.
Hanggang sa nakakita siya ng malaking puno at doon siya nagtatago.
Pero mukhang minalas yata si Zeuros dahil sa punong pinagtaguan niya ay hindi niya napansin ang isang nilalang na nakadikit sa balat ng punong kahoy.
Ito ang"Earthworm Serenade!"
Hindi siya inatake nito bagkus ay nakatingin lamang sa kanya.
Hindi rin ito kumikilos o gumalaw man lang.

Ang humahabol kay Zeuros ay mga wild beast.
Hindi naman sila marahas ang problema nga lang pag nakakita silang kakaiba sa kanilang paningin ay humahabol nila ito upang maging kalaro.
Sila ang wild beast na walang kakayahang manakit dahil sa nakaselyo ang kapangyarihan nito at ang tunay nilang anyo.
Sa paningin ng iba isa lamang silang mga common beast na pwedeng alagaan sa mortal world.
Ang kanilang galaw at kilos pati na rin ang pag iisip ay kontrolado ito ng isang nilalang na may likha ng mundong ito.
Ang earth worm serenade ay gumalaw na at patungo ito kay Zeuros.
Hindi rin gumalaw si Zeuros dahil baka kainin siya ng buo nito dahil sa laki ng katawan.
Nang malapit na ito sa kanya ay bigla na lamang dinilaan sa mukha si Zeuros.
Hindi naman maipinta ang mukha ni Zeuros dahil napuno na ito ng laway dahil sa kagagawan ng earth worm serenade.

Bagamat nagtataka Zeuros ay nanatiling hindi siya kumikilos.
Kusang bumuloktot ang buong katawan ng earth worm serenade at paupo ang posisyon nito habang nasa harapan ni Zeuros.
"Maligayang pagdating ,aming munting panginoon!"
"Ikinagagalak ko na makita ka at makasama dito sa Green Forest!"
Ito lamang ang nasabi nito at nakakatuwa itong tingnan dahil sa taglay nitong kulay.
Kulay berde ang buong katawan at ang maraming paa nito ay kulay itim na pula naman ang talampakan.
Mayroon din itong dalawang pakpak na kulay berde din.
"Nakakapagsalita ka?"
Ito ang tanong sa kanya ni Zeuros.
Mayroong gulat at mangha sa mukha nito.
"Opo,aming munting panginoon,pero hindi pa ito ang aming original na anyo dahil sa senelyuhan kami ng may ari ng mundong ito!"
"Kami ang mga mythical beast na namuhay ilang libo na!"
"Narito kami sa lugar na ito upang hintayin ang aming munting panginoon!"
Ito ang sabi nito at masaya niyo ginalaw ang maliit nitong berdeng pakpak.

Hindi parin makapaniwala si Zeuros sa nalaman at nakita dito sa lugar na ito.
Marami siyang gustong malaman at alamin niya ito
Napalagayang loob niya ang Earth worm serenade dahil sa nakakatuwa itong kausap.
Nalaman din ni Zeuros na babae ito at Minerva ang kanyang pangalan.
Matagal na siya sa mundong ito kasama ang iba.
Marami sila dito at walang kakayahang manakit dahil sa selyado ang kanilang kapangyarihan.
Pero mawawala lamang ang bisa nito kung ang nakapasok sa mundong ito ay mayroong masamang hangarin.
At alam nila na hindi ganun ang batang kaharap nila dahil sa mayroong itong patunay.
Ang kwintas na suot niya ngayon.
Ang kwintas na ito ay kinikilala lamang nilang panginoon.
Marami pang nalaman si Zeuros at sinabi din nito na maari silang e summon sa oras na kailangan sila ng kanilang panginoon.
Tinanong ni Zeuros kung paano sila tawagin at anung paraan.
Sinabi naman nito ang lahat na paraan upang sila ay darating.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon