Chapter 19.

498 92 7
                                    

Mayroon pang dalawang oras upang gugulin ng limangdaang kalahok.
Dahil sa dulot ng shockwave ay marami sa kanila ang nagkaroon ng kaunting pinsala pero hindi ito hadlang upang hindi nila ipagpatuloy ang pagsusulit.
Makikita pa rin sa kanila ang lakas ng loob sa kabila ng nakakatakot na hitsura ng Dark Grass Land.
Marami na rin sa iba ang nakatagpo at nakakuha ng ilang kayamanan.
At isa na dito si Eldon Yuri. Mo
Natagpuan niya at nakita ang kayamanang hindi sinasadya.
Ito ang Snowflake Flower.
Wala siyang alam sa ganitong halamang bulaklak pero kinuha niya parin ito at itinago agad.
Nagpatuloy siya sa kanyang paghahanap ng kayamanan.

Sa ibang bahagi ng Dark Grass Land ay isang binata ang kasalukuyang nakipaglaban sa isang malaking Black Frogal  o mas kilala sa tawag na palaka.
Ang binatang ito ay si Wendell Pierce ng Catclaw Clan.
Naging maliksi ang kanyang kilos at agad tumalon ng mataas upang sipain ang Black Frogal sa tiyan nito.
Dahil ang kahinaan nito ay nasa bandang ilalim at pinuntirya ni Wendell Pierce ang tiyan nito.
Natamaan ito sa kanyang tiyan at tumalsik ito ng ilang metro.
Hiningal si Wendell Pierce ng paupong bumagsak ito sa lupa.
Hindi na magawang makakilos ang Black Frogal dahil sa napinsala ito sa isang atake dahil sa bandang tiyan ang kahinaan nito.
Maya maya ay naglaho ito at tumambad sa kanya ang isang kumikinang na bagay.
Bahagya siyang lumapit kahit nanghihina pa ito.
Nang malapitan niya ito ay isang Whispering Chain ang kanyang nakita.
Kinuha niya ito at ipinagpatuloy ang paghahanap ng mga kayamanan.

Samantala sa isang binata ang patuloy nilalabanan ang isang kunehong sobrang bilis kung kumilos.
Marami na siyang mga galos at sugat sa buong katawan pero hindi siya tumitigil hanggat hindi niya mahuli ito.
Ito ang Spring Rabbit.
Ang spring rabbit ay mahilig ito kumain ng mga halamang gaya ng carrots na isa sa paborito nilang kainin.
Pero ngayon ay hinahabol ito ng isang binatang kabilang sa noble clan.
Ito ay si Erris Faysan ng Early Vermilion clan.
Dahil nakita nito ang spring rabbit na mayroon itong tangay na kayamanan at kagat ito ng kanyang bibig.
Ito ang White lullaby Flute.
Isa itong pambihirang kayamanan sa sinumang cultivator.
At higit sa lahat ang plawtang ito ay maaaring magiging sandata sa makarinig nito ng tunog galing dito at kaya nitong kontrolin ang isipan ng iba.
Wala ng sinayang na oras si Erris Faysan at agad siya tumakbo ng mabilis na may kasamang enerhiyang apoy sa kanyang kamay.
Ibinato niya ito ng apoy at nasapol ang spring rabbit.
Tumalsik ito sa malayo at nabitiwan nito ang White lullaby Flute.

Nakita ng lahat kung paano paslangin ni Erris Faysan ang spring rabbit.
Napahanga sila dito sa binatang ito.
Ang isa sa nobleng clan na tinitingala sa capital city.
Matapos ang nangyari ay agad kinuha ni Erris Faysan ang White lullaby Flute at napuruhan ang spring rabbit at hindi na ito makagalaw.
Naglaho na rin ito matapos mapaslang.
Nilisan ni Erris Faysan ang lugar at itinuloy ang paghahanap sa kayamanang narito.
Naging magulo at mausok naman ang isang bahaging lugar sa Dark Grass Land dahil sa isang binatang katatapos lang nitong patayin ang isang Red Crimson Boar.
Mayroon siyang mga sugat pero hindi niya ito iniintindi bagkus ay nakatuon ang kanyang pansin sa sungay ng Red Crimson Boar.
Mahalaga ang sungay nito dahil sa taglay nitong tigas na pwedeng gawing sandata ng mga blacksmith.
Agad niya itong kinuha.
Matapos ay naglaho ang katawan ng Red Crimson Boar.
Masaya si Ewen Mill na mula sa Black Tiger Clan.

Ang bilang na limangdaang kalahok ay nabawasan at halos kalahati ang nawala rito.
Dahil ilan sa kanila ay kusang sumuko sa dahilang wala silang matagpuan na kayamanan bagkus ay mga mabangis na vicious beast at handa silang patayin ng mga ito.
Kaya mas pinili nilang sumuko kaysa sa ibuwis nila ang buhay nila.
Marami pang pagkakataon para sa susunod na limangtaon sa pagtanggap ulit ng mga bagong mag aaral.
Nagpatuloy ang pagsusulit at kalahating oras na lamang ang nalalabi upang matapos ito.
Si Zeuros ay wala pang nakuhang kayamanan dahil sa sinulit niya ang pagkakataong magpataas ng level sa mayamang essence sa lugar na ito.
Tinanong nito si Ariston kung manatili sa lugar na ito o gusto niyang sumama sa kanya.
Sa una ay nag alinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag ito.
Matapos nitong pumayag ay pinalabas ni Zeuros ang kanyang enerhiya upang kontrolin ang space ring.
Nagkaroon ito ng liwanag at tumama sa dalawa.
Si Black at Ariston ay hinigop ng space ring ni Zeuros.
Sa pagkawala ni Ariston ay unti unting naglaho na rin ang Kikimoro Tree.

Ang lahat na mga manunuod ay naka tutok sa mga bawat kalahok sa loob ng Dark Grass Land.
Mas nakuha nila ng pansin ang isang puno na unti unting nawawala ito.
Tuluyan ng nawala ang Kikimoro Tree sa paningin nila.
Si Zeuros ay nagtaka din kung bakit naglaho ang Kikimoro Tree.
Saka na lamang niya naalala na kapag ang nanirahan dito ay umalis ay mawawala din ang magiging tahanan nito.
Sa paglaho ng Kikimoro Tree ay lumitaw ang isang bagay na nakakasilaw.
Nawala ang liwanag at tumambad kay
Zeuros kung ano ito.
Isang kaliitang kahon ng kulay itim.
Kinuha ito ni Zeuros upang suriin kung ano ang laman sa loob nito.
Nang kanyang buksan ito ay isang maliit na punyal ang kanyang nakita.
Tila hindi ito ordinaryong punyal lamang.
Tinakpan ito ni Zeuros at itinago dahil wala siyang interes sa ganitong sandata.
Nilisan niya ang lugar upang maghanap pa ng mas nakakainteres na bagay niyang makita.

Mula sa di kalayuan ay isang binata ang makawala sa isang baging dahil nakapalupot ito sa kanya.
Hindi niya ito napansin noong naglalakad siya at bigla lamang siya inatake nito.
Malalaki ang bawat baging na nakapalupot sa kanya at hindi siya makakawala dito.
Ito si Jek Allay ng Burning Palm Clan.
Nagpapumiglas siya pero lalong humihigpit ang baging na nakapalupot sa kanya.
Wala siyang pagpilian kundi ang humingi ng tulong.
"Tulong!" Tulungan nyo ako!"
Sigaw nito habang pinipilit makawala sa baging.
Sa mga oras na ito ay malapit si Zeuros sa kinaroroonan ni Jek Allay.
Narinig nito ang kanyang pagsigaw at agad ito naglaho  at lumitaw kung saan niya narinig ang sigaw.
Sa mga nakakita kay Zeuros kung paano nawala at paglitaw nito ay hindi nila masundan ng kanilang mga mata.
Kahit ang institution master at ang mahal na Hari ay nagulat sa ipinakitang gilas ng binata.

Samantala sa hanay ng mga patriarch ay mayroong isang patriarch sa sect na alam niya kung ano ang ginamit na kapangyarihan ni Zeuros.
Nagkaroon ng ideya kung anung skills ang gamit ni Zeuros.
"Mmmm,Cloud  Thousand Steps!"
Ito lamang ang nasambit nito.
Ito ang patriarch ng Sacred Azure Sect.
Si Patriarch Verson Goh na isa ding legends rank.
Ang Cloud Thousand Steps ay isang yamang iniingatan ng Sacred Azure Sect libong taon na ang nagdaan mula ito sa dating namumuno ng kanilang Sect.
Hanggang sa ipinasa pasa na ito hanggang sa kasalukuyan.
Pero nagtataka siya kung paano ito natutunan ng binatang ito na ngayon lang nila nakita.
Marami ang gumugulo sa kanyang isipan kung sino ang binatang ito.
Mayroon din silang impormasyon tungkol dito at isa na rito ay ang pagiging walang kinabibilangan na Clan.
At batay sa kanyang obserbasyon ay hindi ordinaryo ang pagkatao nito.
Kung si Patriarch Verson Goh ay nakuha nito ng kanyang atensyon tungkol kay Zeuros ay ganito din ang naramdaman ni Patriarch Anacleto Samuel ng Pavilion Peak Sect.
Isang Heaven Rank level 2.
At isa ang pumasok sa kanyang isipan kundi ang maging disipulo ang binatang ito sa kanilang sekta.

The lost kingdom : Rising of greatest warrior Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon