Ang kalahating oras na nakalaan para sa kabataang kalahok sa Dark Grass Land at natapos na.
Gayunpaman ay marami pa rin sa kanila ang hindi nakakuha ng nasabing kayamanan.
Halos nagkaroon ng galos at sugat ang ilan dahil sa pakikipaglaban sa mga vicious beast upang makuha lamang ang kayamanang nakalaan dito.
Malaki ang pasalamat ni Jek Allay Kay Zeuros dahil sa pagligtas nito sa kanya.
Sobrang humanga siya sa pagiging kalmado nito.
Nakuha ni Jek Allay ang kayamanang
Double Blade Scythe.
Isa itong kahanga hanggang kayamanan.Sa limangdaang na kalahok ay isandaan at lima lamang ang natira.
Sa bawat lugar na kinaroroonan nila ay binalot sila ng liwanag at ngayon ay lumitaw silang lahat sa malawak na espasyo na kung saan ay nasa harapan sila ng institution master at mga mahalagang bisita lalo na ang mahala na Hari na si Demetrius Ivory.
Lahat ay ipinakita nila ang nakolekta nilang kayamanan galing sa lugar na ito.
Ang panuntunan ay kailangan nila makakuha ng sampung kayamanan sa lugar na ito pero ay tanging tig iisa lamang ang hawak nilang kayamanan.
Pero hindi ito mahalaga at alam nila na mahirap ito makuha dahil sa halos lahat sila ay nasa mababang ranggo pa lamang maliban sa isang binatang pinipilit nilang alamin ang kakayahan nito.
Halos nakita at nasaksihan nila kung paano ito gumalaw upang mapukaw ng interes sa kanilang lahat.Dahil sa nangyari ay napagkasunduan ng lahat na ang kayamanang hawak nila ay mapupunta sa Auction House kapalit ng perang nalikom nito.
Ang perang nalikom ay mapupunta naman sa bawat clan nila.
Hindi na masama ang naging desisyon ng institution master.
Isa din ang Auction House ang ginagalang at nirerespito sa buong capital city dahil sa kakayahan at patas nitong pagpapatakbo ng kanilang kayamanan sa bawat nagiging kliyente nila.
Dito na tinapos ang pangalawang pagsusulit at saka na lamang sasabihin sa kanila ang huling pagsusulit.
Ang nakuha nilang kayamanan ay isangguni ito sa mga eksperto at saka ito bibigyan ng kaukulang puntos at bago ito ipadala sa Auction House.
Dito rin pagbasehan kung ilang puntos ang makuha nila ayon sa uri at kalidad ng kayamanang nakuha nila.
Ang huling pagsusulit ay e anunsyo lamang sa susunod na araw.
Pinabalik na sila sa kanilang mga dormitoryo upang makapagpahinga.Ang mga opisyales, pinuno ng bawat city at sect ay nag gayak na rin para bumalik sa kanilang mga teritoryo.
Kahit ang mahal na Hari ay hindi na rin nagtagal sa kadahilanang maraming gawain sa White Palace.
Pinaabisuhan nito si Institution master Clyde Edwards na iulat sa kanya ang kalalabasan ng huling pagsusulit.
Isang linggo ang palugit upang ihanda ng isandaang kalahok ang mga sarili dahil ito na ang batayan ng kanilang magiging kapalaran.
Marami na ang nakaalis sa lugar ng Dark Grass Land at tanging naiwan lamang ay institution master at mga elder kasama ang ilang guro.Mula naman sa kalayuan ay dalawang grupo ang sadyang nagpaiwan upang gawin ang kanilang pakay.
Ito ang Pavilion Peak Sect at ang Sacred Azure Sect.
Sinalubong nila ang papaalis na si Institution Master Clyde Edwards habang kasama nito ang mga Elder at guro.
Napansin naman ito agad ni institution master Clyde Edwards ang dalawang grupo at patungo ito sa kinaroroonan nila.
"Institution Master Clyde Edwards,
kumusta?!"
"Binabati ko ang buong institution dahil sa mga pambihirang kabataang nagpakitang gilas ng kanilang kakayahan!"
"Sa loob ng nakalipas na taon ay muli tayong nagkita at talagang kahanga hanga sa mga bagong henerasyong kabataang papasok sa iyong institution!"
"At alam mo na marahil ang tinutukoy ko, institution master!"
Ito ang bitaw na salita ni patriarch Anacleto Samuel ng Pavilion Peak Sect.
Makikita sa mata nito ang seryosong hangarin.
"Ha ha ha,maraming salamat sa iyong pagpuri,sa totoo lang hindi pa tapos ang pagsusulit at marami pa kayong aabangan,subalit kinakailangan nila ng isang linggong pahinga upang maging malakas sa darating na pagsusulit!"
Ito ang paliwanag ni Institution Master Clyde Edwards kay Patriarch Anacleto Samuel ng Pavilion Peak Sect.Mula sa isang grupo naman at ito ang Sacred Azure Sect.
Lumapit din ito sa institution master upang tanungin ng mga ilang bagay.
"Ikinagagalak at magandang araw sa inyo institution master Clyde Edwards sa tagumpay !"
"Higit sa lahat ay nakuha namin ng interes ang bawat kabataang lumahok sa pagsusulit!"
"Institution Master,huwag mo sanang masamain ang ilang katanungan ukol sa bagay na nagpagulo sa aking isipan!"
Ito ang turan ni Patriarch Verson Goh ng Sacred Azure Sect.
"Sige ituloy mo, Patriarch Verson Goh sa iyong katanungan!"
Tugon dito ng institution master.
Naningkit naman ang mata ni Patriarch Anacleto Samuel sa kanyang narinig sa matagal na nilang katunggali na sekta.
Pero ayaw niya gumawa ng anumang ikasisira nila sa harap ng institution master.
"Mayroon akong napansin isa sa mga kalahok ng gumamit ng aming sekretong skills at hindi ito lingid sa iyo institution master!"
"Ang aming skills ay walang nakakaalam nito maliban lamang kung isa ito sa aming disipulo!"
"Ang bagay na ito ay nakakagulat dahil paano niya nagawa at nagamit ng maayos ang Cloud Thousand Steps na mahirap ito matutunan dahil pagkunsumo nito ng maraming enerhiya!"
Ito ang paliwanag sa kanila ni Patriarch Verson Goh.
Dahil sa paliwanag ni Patriarch Verson Goh ay komplikado ang mukha ng institution master.Hindi naging maganda ang takbo ng usapan sa tatlong panig.
Una,ang Pavilion Peak Sect ay mayroong hangarin na makuha ang isa sa kalahok kung sakali ito ay makapasa sa pagsusulit.
Pangalawa,ang Sacred Azure Sect ay naghihinala sa kanilang nasaksihan sa taglay na kakayahan ng isang kalahok at walang iba kundi si Zeuros.
Ito din ang kalahok na binabantayan nila at inimbestigahan ang pagkatao nito.
Pero kahit anung gawin nila ay wala silang malakas na pruweba.
Tanging maliit lamang na impormasyon at ito ay pawang totoo lahat.
Kaya nahihirapan sila sa ganitong sitwasyon.
Ang tangi lamang nilang gawin ay tapusin ang pagsusulit sa lalong madaling panahon.Hindi naman nawalan ng lakas ng loob ang institution master at ipinaliwanag ito sa kanilang lahat.
Tila kumbinsido naman ang dalawang grupong ito.
Sinabihan din nito na huwag na munang umalis at dito na lamang sila magpalipas ng ilang araw bago maganap ang huling pagsusulit.
Sumangayon naman ang dalawang grupo at binigyan sila nito ng matutuluyan sa loob ng institution.
Kaya wla silang magiging problema tutuluyan nila ng ilang araw dahil malaki at malawak ang institution.
Bukod pa roon ay marami itong mga gusali para sa panauhin nila.
Hindi pa sila nagkaroon ng diskusyon at nilisan agad ang Dark Grass Land.Ang kayamanang nakuha ng mga kalahok ay kinolekta sa kanila ng mga Elder.
At alam nila kung saan ito mapupunta.
Masaya din sila sa kapalit ng kayamanang nakuha nila at ito ay mapupunta sa clan nila.
Isa itong malaking biyaya para sa ordinaryong clan.
Pero para sa mga nobleng clan ay hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.
Sa panig naman ni Zeuros ay mayroon siyang pagbibigyan sa kapalit ng kayamanang nakuha niya.
Isa rin itong hakbang upang magkaroon siya ng kakilala at kaibigan sa loob ng institution.
Ito ang kanyang plano ang bumuo ng sariling angkan at palakasin niya ito.
Kailangan makuha ni Zeuros ang tiwala at kusa itong papanig sa kanya.
Lalo't meron siyang kayamanan na hindi mapapantayan ninuman.
![](https://img.wattpad.com/cover/262259053-288-k285113.jpg)
BINABASA MO ANG
The lost kingdom : Rising of greatest warrior
Historical FictionHindi maging madali ang tanggapin ang katotohanang mayroong inaapi at burahin ang buong pagkatao mo sa mundong ginagalawan natin. Ang lakas at kapangyarihan ang manaig at handa itong pumaslang ng walang kaawang awang angkan dahil lamang sa kapangyar...